PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Carlos Morales denies rumor that he pimps male celebs

Carlos doesn't get super-close with fellow actors because he thinks most of them are "plastik."
by Archie de Calma
Published Sep 24, 2008
"Hindi papasok sa utak ko ang ganyang mga bagay. Hindi ako nakikipag-super-close sa sinumang artista. Alam ko kasi—mostly, hindi naman lahat— mga plastik yun, e," says Carlos Morales about the "bugaw" rumor.

Kinatagpo ng PEP (Philippine Entertainment Portal) kamakailan ang aktor na si Carlos Morales sa Starbucks, sa Century Imperial Palace, Timog-Morato, Quezon City, tungkol sa isyung kumakalat na siya'y nagbubugaw na lang daw ng mga artistang lalaki sa mga matrona at mga baklang willing magbayad ng malaki.

"Paano nila nasabi 'yan, samantalang wala nga akong masyadong ka-close na artistang lalaki? May mga barkada ako sa pagba-basketball, pero pagkatapos niyan, iba ang mga binabarkada ko at karamihan sa kanila, hindi naman artista.

"Hindi ko alam kung bakit may kumakalat na ganyang chika. Wala namang makapagpapatunay niyan.

"Kung blind items lang 'yan, bakit ko papatulan? Ni wala akong natatandaang incident na may mga ipinakilala man lang akong mga artistang lalaki sa mga rich gay or matrona.

"Hindi papasok sa utak ko ang ganyang mga bagay. Hindi ako nakikipag-super-close sa sinumang artista. Alam ko kasi—mostly, hindi naman lahat—mga plastik yun, e.

"Wala akong alam na mayroong gustong manira sa akin. Wala ring nagsasabi sa akin. Ang manager ko, si Ricky Gallardo, updated sa tsismis 'yan, kaya I'm sure, sasabihin niya sa akin kung mayroon ngang ganoong tsismis," napapailing na sabi pa ni Carlos.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

NO TIME FOR HANKY-PANKY. Walang panahon sa mga hanky-panky si Carlos. Ang ginagawa lang niya ay tumambay palagi sa gym, at kitang-kita naman hanggang ngayon, alaga niya ang katawan niya.

"Sa Zambales ako umuuwi kapag wala akong project," sabi pa ni Carlos. "May bakery ako roon na pinagkakaabalahan ko.

"Kung may mga artista man akong nakakasama, dahil yun sa basketball, gaya nina Phillip Salvador at Christopher de Leon.

"Kung may out-of-town basketball tournament na nai-invite kami, roon lang kami nagkakaroon ng time na mag-bonding," dugtong pa ng aktor.

Sana nga raw, mayaman na siya kung mahilig siya sa ganyang hanky-panky.

"E, wala pa rin naman ako talaga," aniya. "Pero, okey lang naman, for as long as nariyan yung maliit na negosyo, 'tapos, kumikita pa rin at may regular exposure ako sa Dyosa, na very interesting ang role ko bilang isang engkanto na siyang gumaganap na father ni Sam Milby.

"Nagsisipag lang naman ako at ginagawa ko yung trabaho ko. Ni hindi nga ako katulad ng iba na talagang nagsipagyaman na, na hindi naman natin talaga alam kung paano.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Kasi, kapag may rumor, slightly, may katotohanan 'yan, e. In my case, kung blind items lang 'yan, I doubt na ako talaga ang tinutukoy riyan, kaya mahirap basta mag-react," sabi pa ni Carlos.

CARLOS AT THE EMBASSY. Ang nakaabot pang chika sa amin, isa si Carlos sa maraming showbiz guys na tumatambay diumano sa Embassy, isang kilalang watering hole na pinagmumulan ng kung anu-anong tsismis.

"Minsan lang ako nakapunta ng Embassy," aniya. "Napansin ko nga, hindi ako ang tipong lapitin ng mga bakla at matrona roon.

"Kahit siguro ibalandra ko ang katawan ko roon, kasi, ang mas gusto ng mga 'yan, 'yung mga mas bata. Wala na ako sa age bracket para lapit-lapitan pa ng mahihilig sa ganyan.

"At saka natatakot sila sa akin. Ewan ko, pero brusko masyado ang dating ko, at yung tipong hindi basta malalapitan para tanungin lang kung ‘puwede' ako, o magkano ako sa isang gabi. Mga ganoon ba?

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

"Friendly naman ako kapag kinausap, pero yun nga, kung hindi ako lalapitan, wala lang akong kibo. Hindi nga ako palangiti kapag nasa ganoong mga lugar. Intimidating daw ang dating ko, kaya hindi rin ako nilalapitan masyado," natatawang sabi na lang ni Carlos.

HE LIKES ‘EM YOUNG. Pero, young girls daw talaga ang tipo ni Carlos. Yung mga l6 or 17-year-olds?

"Uy, hindi, ah!" bulalas pa niya. "Pero, kung nasa forties ka na kasi, dapat, medyo mga bata na yung sinasamahan para ma-imbibe yung pagiging bata nila.

"Pero, hindi ako pumapatos ng mga disisais. Mga l8 naman siguro, para walang sabit!" natatawang pagwawakas ni Carlos sa kuwentuhan.

Read Next
Read More Stories About
Carlos Morales
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
"Hindi papasok sa utak ko ang ganyang mga bagay. Hindi ako nakikipag-super-close sa sinumang artista. Alam ko kasi—mostly, hindi naman lahat— mga plastik yun, e," says Carlos Morales about the "bugaw" rumor.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results