PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Yeng Constantino gives way to new batch of "PDA" scholars

Yeng has asked RJ Jimenez to stop courting her.
by Melba R. Llanera
Published Sep 16, 2008
"Ikaklaro ko na hindi ako nai-insecure, nati-threaten or anything....Time naman nila ngayon para matupad ang pangarap nila. Nanggaling din ako dun, kaunti na lang, nandun na ako sa pangarap ko," says Yeng Constantino about being compared to the new batch of Pinoy Dream Academy scholars.

Kung anuman ang magandang itinakbo ng singing career ni Yeng Constantino pagkatapos niyang magwagi bilang Grand Star Dreamer ng Pinoy Dream Academy (PDA) Season 1, inaasahan na ganito rin ang tatahakin ng career ng Season 2 Grand Star Dreamer na si Laarni Lozada.

Asahan na rin daw na pagkatapos manalo ni Laarni ay nandiyan ang pagkukumpara sa pagitan nila ni Yeng. Common scenario naman na ito sa showbiz na kung nanggaling ang dalawa sa iisang show ay hindi maiiwasan na ikumpara sila, sabay lalabas ang balita na may nai-insecure o nati-threaten sa kanila.

Sa panayam ng PEP (Philippine Entertainment Portal) kay Yeng sa dressing room ng ASAP ‘08 noong Linggo, September 14, ilang oras bago tanghalin si Laarni bilang Grand Star Dreamer, nakiusap agad si Yeng na sana ay huwag silang intrigahin ng kung sino man ang mananalo. Aniya, bukod sa napalapit na sa kanya ang mga bagong scholars ng PDA ay may kanya-kanya naman silang istilo sa pagkanta.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Mahal ko rin yung mga bagong scholars, nakasama ko na sila," sabi ni Yeng. "Nung practice nga, sabi ko sa kanila, huwag nilang intindihan yung maririnig nila na sumisigaw-sigaw sa performance night nila. Basta rock and roll lang and galingan nila.

"Ikaklaro ko na hindi ako nai-insecure, nati-threaten or anything. Wala akong ganung feeling. Hindi ko sila kilala as characters sa TV, nakilala ko sila kasi nang personal. Pare-pareho kaming mga kabataan na nangangarap. Time naman nila ngayon para matupad ang pangarap nila. Nanggaling din ako dun, kaunti na lang, nandun na ako sa pangarap ko.

"Saka kanya-kanyang istilo ‘yan, kanya-kanyang style," patuloy niya. "Hindi ko naman masasabing kapareho ko kasi ‘pag kinumpara ako sa iba, iba ang forte ko. Acoustic ako, silang lahat belter. Sabi ko nga before, kahit sinong manalo sa kanila, sobrang nae-excite ako. Sino man ang manalo, masaya ako sa lahat ng mga blessings na natatanggap niya. Magkaka-concert siya at ito na yung step para matupad ang pangarap niya."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Gusto niyang makasama sa isang concert si Laarni.

"Sa akin, kung puwede nga magkasama kami sa isang concert together. Siyempre kapatid ko na siya sa Academy. Nung pinapanood ko nga sila sa TV, gusto kong sabihin sa kanila na mae-experience na nila na yung pangarap mo, nandiyan na."

Sa ngayon ay busy si Yeng sa paggawa ng kanyang third solo album na ipo-produce daw ni Raimund Marasigan ng Sandwich next year. Naging mainit din ang pagtanggap sa naunang dalawang albums ni Yeng, ang Salamat na umabot ng double platinum, at naging gold naman ang Journey.

NO TIME FOR LOVE. Sa ganda ng itinatakbo ng singing career ni Yeng, mukhang wala na talaga siyang panahon sa lovelife. Kinumpirma niya na pinahinto na niya sa panliligaw ang dati ring PDA scholar na si RJ Jimenez. Ngayon nga ay wala na raw silang communication.

"Hindi na kami nagte-text, hindi na kami nagtatawagan, pero magkaibigan pa rin naman kami. Actually, pinag-usapan namin yun. Pinapunta ko siya sa bahay, sabi ko huwag na lang, pumayag naman siya. Hindi pa kasi ako pinapayagan ni Papa na magpaligaw o magka-boyfriend, saka marami kaming differences. Decision namin pareho na mag-focus muna sa mga career namin," saad ng 19-year-old singer.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Hindi naman itinanggi ni Yeng na nagkagusto talaga siya kay RJ dahil malalim-lalim na rin naman ang pinagsamahan nila.

"Inaamin ko na nagkagusto talaga ako sa kanya," sabi ni Yeng. "Sa pila pa lang ng PDA, magkasama na kami. Nakapasok kami sa dorm ng three weeks, ‘tapos nagkasama kami sa PDA for two and a half months. Paglabas namin, text-text kami."

May regrets ba siya sa naging desisyon niya?

"Hindi ako nanghihinayang kasi naniniwala ako na kung para sa akin, para talaga sa akin. Babalik at babalik, gagawa ang destiny ng paraan para maging together uli kayo. Pero ‘pag hindi, hindi talaga. Saka wala na yung kilig, wala na. Kung dati na alam kong magkikita kami, nandun yung, ‘Ano ba ang susuutin kong damit?' Wala na yung ganun. Sa akin kasi, ‘pag nagdesisyon kayo pareho, kailangan talagang buo ang loob ninyo para walang regrets sa huli," pagtatapos ni Yeng.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
"Ikaklaro ko na hindi ako nai-insecure, nati-threaten or anything....Time naman nila ngayon para matupad ang pangarap nila. Nanggaling din ako dun, kaunti na lang, nandun na ako sa pangarap ko," says Yeng Constantino about being compared to the new batch of Pinoy Dream Academy scholars.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results