Bagong career path ang tinatahak ngayon ni Lance Raymundo. Kung dati ay mas kilala siya bilang singer at nakababatang kapatid ni Rannie Raymundo, very soon ay makikilala na rin siya bilang isang seryosong aktor.
Limang pelikula ang ginagawang sabay-sabay ngayon ni Lance, kabilang dito ang
Motorcycle ng Cinema One Originals by John Red, with Jason
Abalos and Jao Mapa; Desisyon ng Star
Cinema; Saya na isang period film na isasali sa Cinemanila at Toronto and
Vancouver Film Festival; Xenoa 2; at ang Fidel na pinagbibidahan niya.
Bukod sa planong isali sa Cannes Film Festival, biggest break ni Lance ang
Fidel, isang indie film na base sa true-to-life story ng isang OFW na inabuso
ng kanyang among Arabo. Kabilang sa highlight ng pelikulang ito ang rape
scene kay Lance ng isang Arabo played by burly
model/actor John Hall.
Sinabi ni Lance na hindi siya nagdalawang-isip sa eksena—sodomy-rape—kahit pa daring ang dating nito at kailangan niyang maging naked at magpakita
ng butt.
"Noon ay singer pa ako. This year kasi, sinimulan ko yung career sa movies.
Actually, lima yung sabay-sabay na ginagawa namin ngayon. Pero yung
pinaka-starring ako, yung sa Fidel," panimula ni Lance nang nakapanayam siya ng
PEP (Philippine Entertainment Portal) last Friday, August 22, sa National Press
Club Celebrity Night sa Intramuros, Manila.
Patuloy niya, "Itong Fidel is yung ilalabas sa Cannes Film Festival. Kasama ko
rito sina Andrea del Rosario, Snooky Serna, Maria Isabel Lopez, John Hall, and many
more. It's an all-star cast, e.
"Ako si Fidel dito, isa siyang overseas contract worker na may nagawang krimen sa country na nagtatrabaho siya sa Middle East, ‘tapos ay nalagay siya sa death row. So, it's based on a true-to-life incident talaga na ginawa lang mas cinematic. Para siyang lalaking version ni Flor Contemplacion na ang setting ay sa isang Arab country."
DARING SCENES. Inamin din ni Lance na napasabak siya sa mga daring at maseselang eksena rito sa Fidel.
"There's one scene na kailangang gawin para mas maipakita yung story. Sa
movie kasi, he got sodomized by this Arab, e, pero it's done in a way na wala
namang naagrabyado sa artista. Iyong Arabo was played by John Hall and
pareho kami, both have modeling contracts na may mga clauses. Kasi I represent
MET Tathione and he represent another brand, so may limitations din. Pero
we're abe to compromise para maipakita pa rin ng realistic yung
kuwento.
"May partial nudity sa akin, wala lang contact sa rapist ko. Bale implied yung
eksena, pero after that, nang iwan ako ng rapist na halos mamamatay na ang
katawan ko, siyempre ipinakita kung ano yung aftermath nun. Kaya siyempre,
hindi naman puwedeng nakabihis doon, kaya pumayag ako sa eksenang ‘yon dahil
kailangan talaga, e.
"So, yeah, masisilip yung butt ko rito, nakadapa ako after the rape scene,
e. Part of the job ito and wala naman akong qualms sa mga ganitong eksena
dahil napakaimportante nun, e. Kasi if you put yourself in a role ‘tapos
yun yung nangyari sa ginagampanan mo, lalo't base ito sa true-to-life story, you
won't feel shy.
"‘Tsaka yun yung mindset na nakuha ko sa pamilya ko, dahil mga artista rin ang
pamilya ko, na talagang you forget who you are. Na hindi ako si Lance, ako si
Fidel and ito ang nangyari sa kanya kaya kailangan naming ipakita iyon,"
mahabang lahad ng singer-actor.
BACKGROUND IN ACTING. Ikinuwento rin ni Lance ang naging acting experience niya.
"Ang pinaka-background ko sa acting is noong ginawa ko ‘yong stage play na
Romeo & Juliet where I played Romeo, 2002 ito. ‘Tapos nang ni-revive
ito noong 2007, kinuha nila ulit ako. So, parang ito ang pinaka-workshop ko, ‘yon
lang. Pero kasi hindi ba ang mommy ko ay artista, so I think all my life
na I'm living with them, parang workshop na rin siguro ‘yon."
Naniniwala siyang pag-arte ang talagang calling niya, pero naimpluwensiyahan
daw siya ni Rannie kaya siya naging singer muna.
"Kasi yung tanda ni Kuya sa akin is like ten years, e, so, sobrang iniidolo ko siya. So minsan, you try to pattern yourself sa idol mo kaya I trained myself na maging singer. Luckily naman ay nagawa ko rin ang gusto ko, pero bata pa lang ako, nakikita ko na rin na hilig ko ang pag-aartista. Pero hindi ko muna ginawa dahil akala ko ay gusto ko talagang maging tulad talaga ni Kuya. Pero yung calling ko talaga, kung nasaan ‘yon ay doon ka rin mapupunta. And itong simula ng 2008 was the year na talagang natanggap ko sa sarili ko na ito pala talaga ang mundo ko.
"I think ito talaga ang calling ko. Kasi ang pinaka-una kong break was not even
here in the Philippines. After nang nag-close yung Romeo & Juliet, may
isang TV series sa Singapore na kinuha ako as one of the main cast. Ito yung
Incredible Tales sa Channel 5 doon and ito yung equivalent ng either GMA-7 or
ABS-CBN sa Philippines. It's a TV series, parang anthology na may
pagka-fantasy.
"So, after the tapings in Singapore, when I got back here, napasok naman ako sa
Daisy Siete. After that, nai-offer na nga sa akin
itong lead role sa Fidel and yung other four movies, kaya tuluy-tuloy
na."
AWARD-WORTHY PERFORMANCE? Sa tingin ba niya ay pang-award ang pelikulang ito?
"I'm hoping, kasi talagang piniga ako ni Direk, e," nakangiting saad ni
Lance. "It's by Direk Sandy Bacolod, siya yung assistant director ng 100
na nanalo si Mylene [Dizon], Konsiyerto, at Boses. And ngayon ay full-fledged
direktor na siya. Pinanood ko ang mga movie na ‘yan at nakita ko kung paano
nila idinirek dito si Mylene and 'yon din yung ginawa nila sa akin.
"Although I don't wanna assume, pero I wanna hope dahil siyempre, gusto ko na ‘yong
pinaghirapan ko, kasi talagang in-immerse ko ang sarili ko na noong nasa set
ako, feeling ko nga ay hindi na ako si Lance. Pati ‘yong mga pulis na
gumanap doon, mga Arabo talaga, e. So kapag nakakaramdam ako ng pagod at
hirap, nandoon naman yung satisfaction na worth it ito, dahil ginastusan at
pinaghirapan talaga e," pagtatapos ni Lance.