PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

"Celebrity Duets" introduces new set of contenders

This season's contenders include MMDA Chairman Bayani Fernando and beauty queens Melanie Marquez and Carlene Aguilar.
by Erwin Santiago
Published Aug 21, 2008
Celebrity Duets Season 2 contenders: (top, from left) Bayani Fernando, Cory Quirino, Joey Marquez, and Melanie Marquez; (bottom, from left) JL Cang, Carlene Aguilar, Phil Younghusband, and JC Buendia. More photos.

We never expected na magiging sobrang enjoyable ng presscon-launching ng Season 2 ng Celebrity Duets, ang singing competition sa GMA-7 mula sa Fremantle Media kung saan walong non-singing celebrities ang makikipag-duet sa mga professional singers every week. Ginanap ang press launch ng naturang singing competition sa 17th floor ng GMA Network Center kagabi, August 20.

Matatandaang sa unang season ng Celebrity Duets ay si Tessa Prieto-Valdes ang nanalo kontra sa mga runners-up na sina Dr. Hayden Kho at Jessica Rodriguez. Ang iba pang mga naging celebrity contenders noon ay sina Dr. Manny Calayan, Wyngard Tracy, Tim Yap, Frederick Peralta, at Anna Theresa Licaros.

This second season, walong celebrity contenders ulit ang maglalaban-laban each week para sa cash prize na P1 million, na ang kabuuan o bahagi ay mapupunta sa mapipiling charitable institution ng mananalo. Purely text votes ang magiging basehan kung sino ang mae-eliminate bawat week.

Celebrity Duets is still hosted by on-and-off-screen musical partners Regine Velasquez and Ogie Alcasid. Pero kagabi ay si Ogie lang ang mag-isang nag-host ng presscon dahil kasalukuyan daw nagte-taping si Regine ng Ako Si Kim Samsoon sa Tagaytay.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Kabilang sa walong celebrity contenders this season ng Celebrity Duets ay dalawang beauty queens, isang beauty expert, isang komedyante, isang soccer player, isang chef, at isang politician. Sila ay sina MMDA Chairman Bayani Fernando, ang fashion designer na si JC Buendia, ang comedian turned politician na si Joey Marquez, ang kapatid ni Joey na beauty queen-supermodel-actress na si Melanie Marquez, ang former Bb. Pilipinas-World na si Carlene Aguilar, ang wellness and beauty expert na si Cory Quirino, ang chef at former co-host ng Ka-Toque na si JL Cang, at ang Fil-British professional soccer player na si Phil Younghusband.

They will start competing on August 23 in GMA-7.

Ang panel of judges this season ay ang veteran concert and theater director na si Freddie Santos, ang renowned composer and arranger na si Danny Tan, at ang Celebrity Duets first grand winner na si Tessa Prieto-Valdes. They will replace last year's batch of judges na sina Louie Ocampo, Mitch Valdes, and Buboy Garovillo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sa presscon proper kagabi, walang humpay na tawanan ang nangyari dahil bukod sa pagpapakuwela ni Ogie ay lumabas din ang comic side ng mga celebrity contenders na humihirit din sa pagpapatawa.

THE CELEBRITY CONTENDERS. Isa-isang ipinakilala ni Ogie ang walong celebrity contenders ng Celebrity Duets this season at nagbigay sila ng kani-kanilang mga mensahe.

Unang tinawag si Chairman Fernando at nagbiro muna kung meron bang sidewalk vendor sa loob ng presscon venue.

"Anyway, this would be fun," sabi niya. "Kaya lang, hindi ko malaman kung bakit ako naririto, e. Nabigla yata ako pagsagot! Nakakanerbiyos pala rito. But anyway, we will try our best to entertain and most of all, I'll try my best to win the prize. Please, give your vote ha? Hindi pa ito yung 2010!" hirit niya, na ang tinutukoy ay ang napipinto niyang pagtakbo sa susunod na national elections.

Sumunod naman na nagsalita ang dating Miss International na si Melanie Marquez.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

"Akala n'yo kilala na ninyo ako, ha! It's about time to give you one of my hidden talents... Talent pala," pagtatama niya sana sarili, pero kinorek siya ng entertainment press na tama na yung una niyang sinabi. Dugtong niya, "Ay, oo nga pala... sandali, nalilito na ako! Alam ko naman na kahit hindi ako mag-campaign, e, iboboto n'yo ako. Patatawin ko kayo, ie-entertain ko kayo.

"Sa totoo lang, ilusyon ko ‘yan [singing]. Pero a lot of my friends here, kilala ako na isa talaga sa mga ilusyon ko ang kumanta. Kaya paninindigan ko po ‘yan at bibigyan ko kayo ng magandang show, magandang-magandang show," pangako niya.

After Melanie, ang kapatid naman niyang si Joey Marquez ang sumunod.

"Actually, I was supposed to join Pinoy Idol. Kaya lang, medyo na-late ako ng konti," biro muna ni Joey. "It's about time to prove that I can also sing. My motto will be, ‘Every text you make, every breath you take, I'll be watching you!"

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sumunod naman ang chef na si JL, na halatang ninenerbiyos dahil nanginginig ang boses niya habang nagsasalita.

"Actually, napaka-exciting ng mangyayari dito sa Celebrity Duets dahil sa totoo po, hindi talaga ako kumakanta kaya... Meron kayong aabangan, e, na ano kaya ang mangyayari, di ba? Kasi ito, e, ganito talaga, e... Hindi, sa totoo lang, ninenerbiyos talaga ako!" pag-amin niya na ginantihan naman ng malakas na palakpak at hiyawayan ng entertainment press.

Dagdag ni JL, "Sa totoo po, ang unang pagkakaalam ko sa Celebrity Duets, yung kagaya po sa All Star K [videoke challenge]. Yung parang magge-guest ka lang, yun pala isang buong season. Pero okay lang. Basta ang importante, para sa akin, hindi talaga contest ‘to. Ang importante sa akin, yung masaya yung mga manonood kasi ganun talaga, e."

Ang wellness and beauty expert naman na si Cory Quirino ang next na nagsalita.

"Hindi pa nag-uumpisa ang competition, pero meron na akong reklamo," simula niya. "Palaging pinapalitan ni Joey ang aking competition number. I am already confused, okay? Number two, may mga pangako ang mga babae dito sa competition—we will outlast the men!"

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Hirit ni Ogie, "Sa lahat naman ng bagay naa-outlast n'yo kami, e. Totoo ba ‘yon, Tsong [Joey]?"

Sagot naman ni Cory, "Can I finish?" kaya tumahimik naman si Ogie. Patuloy ni Cory, "Pangatlo, meron akong pangarap. Kasi sabi nila, pinapadala po nila yung kopya ng competition kay Simon Cowell [American Idol judge]. I want to meet Simon," malambing na sabi ng TV personality.

Dagdag niya, "You know, I don't have stage fright, wala talaga. Ngayon lang yata! I have butterflies in my stomach. But I'm happy to be here. I love you all."

Sabi naman ng fashion designer na si JC Buendia: "Dati po, sanay po ako sa backstage lang. Ngayon, ako na po yung aakyat ng stage.

"Bago po ako nag-yes, pumunta po ako sa manghuhula," pag-amin niya na ikinatawa ng lahat. "Sabi ng manghuhula sa akin, ‘You know, in your past life, you were a theatrical geisha. So in order to go full circle, you have to unleash the geisha in you.'"

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Naghiyawan ang lahat sa sinabi ni JC. Singit ni Ogie, "Marami tayong natututunan ngayon, ah. ‘Unleash the geisha in you.' Gusto ko ‘yon, gagawin ko rin ‘yan, unleash the geisha in me.... I'll cross that bridge when I enter...mali yata."

Sunod na ipinakilala ni Ogie ay ang soccer player na si Phil Younghusband, na naging instant favorite ng karamihan ng entertainment press dahil sa kanyang good looks.

"Kumusta kayo lahat?" bati ni Phil sa lahat sa kanyang thick British accent. "I'm very happy to be here. Masaya po ako to be here.

"Firstly, do not be confused by the name. I'm not actually a husband. I'm still young, but I'm not a husband yet," biro niya. "You know, the only time I sing is in the shower. So for me, it must be hit up to be singing in front of...people than to play football [tawag ng mga British sa soccer] in front of a thousand people. But I will do this for enjoyment and I'm sure I'm going to have fun with all of you. Salamat po."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Pagkatapos magsalita ni Ogie ay tinanong niya ang press people kung iboboto nila si Phil at umaatikabong hiyawan ang sagot ng mga ito.

Ni-request ni Ogie na kumanta si Phil ng kahit ilang linya lang. Hindi naman tumanggi ang guwapong soccer player, sabay kanta ng "You are so beautiful to me..."

Panghuling ipinakilala ang Bb. Pilipinas-World 2006 na si Carlene Aguilar.

"Basta ang maipapangako ko lang, na hindi ako mang-aaway dito," simula ni Carlene, obviously referring to her past confrontation with Cristine Reyes, na nali-link sa ex-boyfriend at ama ng anak ni Carlene na si Dennis Trillo.

Patuloy niya, "Mabait talaga ako. Kakanta lang ako nang kakanta. So sana ma-enjoy n'yo yung show. And I'm so thankful na part ako ng Celebrity Duets kasi dream ko po talagang kumanta, hindi po maging beauty queen. So fulfillment ito ng dream ko, so sana po tulungan n'yo ako."

THEIR EDGE ON THE OTHER CONTENDERS. Sa question-and-answer proper, may nagtanong kay Chairman Fernando kung prelude na raw ba ang pagsali niya sa Celebrity Duets sa napipintong pagtakbo niya sa 2010.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Kailangan pa bang itanong mo ‘yon?" maikli niyang sagot, na ikinatawa ng lahat.

Ano naman ang naging reaction nila nang una nilang malaman na kasali sila sa Celebrity Duets? Ano rin sa tingin nila ang kanilang edge sa mga kalaban nila?

Chairman Fernando: Si Chairman Fernando ay dapat nung unang season pa lang kasali, but he had to back out because of his busy sked. "First reaction is, I don't have the time. I find it hard to find the time for seven weeks—the practice sessions and yung taping. Yun ang aking fears noon. I simply don't have that luxury in time. But the second time around, I decided to join with the prodding of my wife [Marikina Mayor Marides Fernando]. Yung wife ko ang nagsabi na, ‘Sige, sali ka! This is good exposure,'" pag-amin niya.

"I'm very honest, ano, di ba?" patuloy niya. "And you like it, di ba? Now, ano ba ang lamang ko sa mga ito [fellow contenders]? Matanda ako sa kanila, yun lang. I hope age does matter. But somehow, I've heard them sing. Younghusband, and si JC Buendia, mukhang ninerbiyos ako. Pero kaya pa, kaya pa siguro.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"I think people will be kinder to me. Alam mo yung mga tao maawain din sa mga matatanda, e. I just wish yung mga nahuli ng MMDA, yung mga ganun, e, hindi ako babalikan. But I might just resort to vote buying... At least practice ko ‘yan for 2010," seryosong biro niya.

JC Buendia: "Balik ako dun sa hula. Kasi sabi ng manghuhula, ‘You have so much luck in your life. And people who allow you to enter their life, you bring much luck to them and wealth.' So I believe for Celebrity Duets allowing me to enter, so I hope to bring luck to the show and maybe we can double the ratings.

"Pero talaga, suwerte talaga ako. Yung mga ginagawan kong artista, nagiging Best Actress [Judy Ann Santos], Best Actor [Piolo Pascual], even President [GMA]," habol niya."

JL Cang: "Panay ang inom ko, pero hindi ko pa nagagalaw yung pagkain ko!" pag-amin ni JL dahil pa rin sa sobrang nerbiyos.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Pagkatapos nito ay kinantiyawan siya na magbigay naman ng sample ng kanta. Pero pakiusap niya, "Naku, huwag, kasi talagang nanginginig yung boses ko, e!"

Dagdag niya, "Sa totoo lang ang dami kong iniisip, puwede po bang i-repeat yung question mo?"

Nang inulit ang tanong sa kanya, ito ang naging sagot niya na nanginginig pa rin ang boses: "Bale ang first reaction ko, umoo kaagad ako nang hindi nagdadalawang-isip. Actually, lahat ng mga Filipino mahilig talagang kumanta, e. Kumakanta po talaga ako sa bahay namin. Kaya po talaga ako umoo dahil ang habol ko po talaga, e, makikita po ako ng mga kaibigan ko na kakanta sa TV.

"'Tsaka ang edge, naku, hindi ko po talaga alam," sabi niya. Nang hiritan siya ulit na magbigay ng sample, pumayag na si JL at kinanta ang ilang linya mula sa "Magkayakap Sa Dilim" ng APO Hiking Society kahit halatang kabado pa rin siya. Binigyan siya ng masigabong palakpakan at hiyawan sa kanyang effort at pagkatapos ay humirit si JL, "Yun ang edge!"

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Cory Quirino: "Nung tumawag sila, sabi ko, ‘Teka muna, I'm not a singer.' Sabi nila, ‘Ma'am, performer ka.' ‘Tapos sabi ko, ‘Sige, flattered ako. Sa tingin ng GMA, I can perform.' ‘Tapos sabi ni Tessa, you should vote buy. Mahirap sa akin ‘yan, Ilokana ako, e. At mahirap umasa sa mga Ilokano, kasi matipid sila. Pero I'm going to perform," sabay hirit ng ilang linya mula sa kantang "Dahil Sa ‘Yo."

Joey Marquez: "The first time they told me about joining the competition, four-letter word: ‘What?!' Ganun ako, e. Pero I realized, why not? It's a new field. Who knows, I'll get a contract from GMA Records? Anyway, my advantage to them, I'll enjoy it as much as you like me to enjoy. Now, I'll sing...by James Ingram, ‘Just Once.' Just once moment in time..." loko niya.

Pagkatapos nito ay nagbirong mag-walkout ang judge na si Freddie Santos.

Melanie Marquez: "Nung in-invite po ako, ang first reaction ko was, ‘Ha, lalaitin n'yo ako?' Pero sabi ko, ‘Okay lang, babaklain ko lang yun!' Pero nung sinabi ko sa mga anak ko... Yung isang anak ko magaling kumanta. ‘Mommy, I have to coach, I'll coach you how to sing. You might be out of tune...' English-speaking yung mga anak ko, e!" tawa niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"So anyway, to make it story....short!" hirit ni Melanie sa kanyang classic English. "Sa totoo lang, natuwa ako. Kasi nung ibinigay nila sa akin yung lyrics ng ‘Fever,' ang haba... Sabi ko, ‘Papaano ko mame-memorize ‘to, e, may memory gap ako?' Pero buti na lang nung actual recording na, in-edit, ginawa lang nilang one minute. Tuwang-tuwa ako!"

Pagkatapos ay nagbigay rin si Melanie ng sample ng Broadway song mula sa Sweet Charity, ang "Big Spender," kahit na hindi niya kabisado ang lyrics.

Carlene Aguilar: "Bale nung unang malaman ko na invited ako sa show na ‘to, siyempre natuwa ako. Kasi nagawa ko nang lahat... Dancing, sumali na ako sa competition, natalo ako. So siguro this time, sana manalo na ako, di ba? Kasi ibang field ‘to and dream ko talagang kumanta.

"Pero hindi talaga ako sure kung may talent talaga ako sa singing. Pero naniniwala ako sa sarili ko na meron, and yung parents ko, naniniwala rin sa akin. Actually, nung sinabi ko sa kanila na, ‘Ma, isinasali ako.' Sabi nila, ‘Sasali ka? Huwag na, baka mapahiya ka. Tama nang beauty queen ka at saka ang dami-dami mo nang sinalihang contest.' Sabi ko, ‘Ma, habang may buhay join lang nang join!'

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Pero meron akong aaminin sa inyo," patuloy ni Carlene. "Nung nalaman ko na sasali si Chairman Fernando, muntik na akong mag-backout. Kasi naisip ko, ‘Naku, ang daming magte-text sa kanya.' Saka talo talaga kami! Pero naisip ko din ha, naisip ko din, disadvantage din yun. Chairman, I'm sorry kasi marami ding nagagalit sa ‘yo... Hindi pala galit, medyo inis kasi madaming naghuhuli ng MMDA... Ako, actually dalawang beses na ako, Sir, nahuli, beating the red light. ‘Tapos hiningan talaga nila ako ng lagay! Pero Chairman, may kasalanan din ako, binigyan ko sila ng pera!

"So naisip ko na marami rin ang inis sa kanya, so may chance pa kami! So, huwag nang sample surprise na lang," nakakatuwang saad ni Carlene, na lumabas ang pagiging komedyana.

Pero hindi siya pinayagan na hindi magbigay ng sample kaya humirit din siya ng ilang linya mula sa kantang "Bubbly" na kakantahin niya sa first episode ng Celebrity Duets.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Habol ni Carlene, "Meron pa akong isang reason kung bakit hindi ako nag-backout. May bagong inspiration ako kaya hindi na ako magba-backout," na ang tinutukoy niya ay ang katabi niyang si Phil.

Sabi naman ni Phil, "Hindi ko maintindihan," na ikinatawa na naman ng lahat.

Phil Younghusband: Pagkatapos ay sinagot na ni Phil ang common question sa kanilang lahat. Aniya, "When I first found out, I was in a coffee shop. When I was told, I though I know I can't sing. So I ran to the toilet, to the CR, I started singing in the mirror. And then, I was like, ‘No, I can't do this.' So I ran out and I immediately asked the person I was with, ‘Can you get me a karaoke machine?' So recently, well, pretty much every day, every second, I've been on the karaoke machine, singing, getting 100 [perfect score].

"But what gives me the edge? Hindi ko alam," sabi niya. Pero nang sabihan siya ng ilang entertainment press na cute at guwapo siya, inulit niya ito. "Cute at guwapo..." tilian ang lahat.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Dagdag ni Phil, "Playing football, you learn if you want it the most, you'll succeed. So I need to prove that I wanted it the most. I need to want it more than all of you [fellow contenders], although I know all of you also want to win. I need to prove I wanted it the most. Salamat po."

Hinilingan ulit siya ng kanta at nagpaubaya naman si Phil at sabay banat ng "All you need is love..."

Kung pagbabasehan ang enjoyment na naramdaman ng lahat ng um-attend ng presscon ng Celebrity Duets, siguradong magiging exciting and fun na naman ang second season nito dahil sa very interesting set of celebrity contenders.

Click here for more photos.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Celebrity Duets Season 2 contenders: (top, from left) Bayani Fernando, Cory Quirino, Joey Marquez, and Melanie Marquez; (bottom, from left) JL Cang, Carlene Aguilar, Phil Younghusband, and JC Buendia. More photos.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results