Sa August 22, Friday, ang taping ng pilot episode ng Year 2 ng Celebrity Duetsna eere kinabukasan, August 23, at papalit sa timeslot ng Pinoy Idol. Eight contestants uli ang maglalaban-laban at makikipag-duet every week sa maiimbitahang singers ng GMA-7.
Sa walong contestants, anim pa lang ang nakukumpirma ng PEP (Philippine Entertainment Portal). Pero siguradong kumpleto na sila kapag nag-promote na sa TV. O baka naman, kumpleto na sila sa launching ng show bukas, August 17, sa SOP.
Ang six confirmed Celebrity Duets contestants ay sina Joey Marquez (TV host-comedian) at ang kapatid nitong si Melanie Marquez (beauty queen), MMDA Chairman Bayani Fernando (public servant), Carlene Aguilar (beauty queen), Cory Quirino (TV host and columnist), at JC Buendia (fashion designer).
Kumpleto na sana ang contestants, pero nag-backout ang entertainment columnist na si Ricky Lo at ang misis ni Manny Pacquiao na si Jinkee. Last minute na ring nag-backout ang dating Purefoods player na si Jerry Codiñera.
Bukod kay Codiñera ay may iba pang basketball player na na-consider mapasama sa Magic 8, pero hindi lang makapag-commit ang mga kinausap dahil conflict sa schedule ng taping, practice, at basketball game.
Sa Season 1 ng Celebrity Duets, si Tessa Prieto-Valdes ang nanalo at naging runners-up sina Dr. Hayden Kho at Jessica Rodriguez. Masaya ang Season 1 ng singing contest kung saan nakasama rin sina Dr. Manny Calayan, Tim Yap, Wyngard Tracy, Frederick Peralta, at Anna Theresa Licaros.
Sina Regine Velasquez at Ogie Alcasid pa rin ang hosts ng Year 2 ng Celebrity Duets.