PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

ABS-CBN pays tribute to Comedy King Dolphy via musical special

Stars perform to celebrate the 8o years of Dolphy.
by Balot Antazo
Published Aug 1, 2008
Comedy King Dolphy is overwhelmed by the importance given him by his home network ABS-CBN. The Kapamilya network hosted a birthday tribute for the Comedy King last night, July 31, at the Meralco Theater.

Isang maningning na gabi ang presentasyong handog ng ABS-CBN sa Comedy King sa pamamagitan ng isang birthday tribute na pinamagatang The King of Comedy: Dolphy At 80. Ginanap ito sa Meralco Theater, Ortigas Center, Pasig City, kagabi, July 31. Ang parangal ay bilang pasasalamat ng Kapamilya network para sa ilang taon, magpahanggang ngayon, pagiging tunay na simbolo ng tawa at saya ng mga Pinoy.

The man in Puruntongs who once lived along da riles, along da airport, as Golay, Pidol, Kosme, John, ay maituturing na institusyon sa industriya ng telebisyon at pelikula. Kaya ganoon na lang karaming artista at pulitikong nagmamahal kay Mang Dolphy ang nakisaya sa isa sa pinakaimportanteng araw ng nag-iisang Hari ng Komedya.

Bagamat maghapong umulan nang araw na ‘yon at marami ang na-traffic on the way to the venue ay halos 100 percent in attendance pa rin ang mga artista na naging bahagi ng career ni Mang Dolphy. Sinimulan ang pagkukuwento ni Dolphy through a video ng kanyang buhay-artista mula noong nagsisimula siya hanggang sa hirangin siya bilang Comedy King.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Opening number ang bonggang awitin mula sa magagaling na singers na sina Iya Villania, Toni Gonzaga, Bituin Escalante, Robert Seña, Christian Bautista, Sam Concepcion, Sheryn Regis, Yeng Constantino, Jed Madella, Mark Bautista, Ronnie Liang, Charice, Sarah Geronimo, at Kuh Ledesma.

Sumunod na umakyat sa stage ang bagong presidente at chief operating officer ng ABS-CBN na si Ms. Charo Santos-Concio. Sinabi niyang ang pagtatanghal na ‘yon ay ang kanilang "humble way in paying tribute to the King of Comedy na nagpasaya at nagpamana ng komedya sa industriya." Nagkatambal noon sa pelikulang My Juan En Only (1982) sina Mang Dolphy at Charo.

Sinundan ito ng nakaaaliw na production number from Goin' Bulilit kids. Ipinakita nila ang highlights ng prolific TV career ni Mang Dolphy mula sa shows na Buhay Artista, John En Marsha, Home Along Da Riles, Quizon Ave., at John En Shirley.

Next number ay ang pagpapakita sa screen ng mga naging leading ladies ni Mang Dolphy sa movies at TV—Daisy Romualdez, Gloria Romero, Susan Roces, Barbara Perez, Amalia Fuentes, Charo Santos, Lotis Key, Nora Aunor, Alma Moreno at Zsa Zsa Padilla—habang may romantic tribute songs sina Christian Bautista, Sam Milby, Mark Bautista, Richard Poon, at Erik Santos.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Of course, hindi mawawala ang espesyal at pinakamamahal ni Dolphy na si Zsa Zsa Padilla. Bagamat nasa Canada ang Divine Diva for a show, hindi ito pumayag na hindi makarating ang kanyang message of love kay Dolphy, na partner na niya for almost 20 years.

Sumunod na ipinakilala nina Dawn Zulueta at Roderick Paulate ang nakatutuwang production number bilang comic relief sa gabing ‘yon nina Ai-Ai delas Alas, Chokoleit, Pooh, at Vice Ganda.

Bukod sa pagiging magaling na komedyante, kilala ring mahusay na dancer si Mang Dolphy. Kaya isang dance medley ng mga pinasikat na dance steps ng Hari ng Komedya ang number mula kina Vhong Navarro, Shaina Magdayao, Iya Villania, John Prats, Archie Alemania, Rayver Cruz, Pokwang, Carmi Martin, Roderick Paulate, kasama ang G Force.

Well-applauded din ang taped number ni Mang Dolphy at ni Vic Sotto, na magkasama for the first time sa pelikulang Dobol Trobol. Nakatutuwang panoorin ang duet ng dalawang mahuhusay na komedyante. According to Vic, first time daw niyang tumuntong sa ABS-CBN Recording Studio 1 para sa number nila, kaya kinakabahan daw siya. Ang kanyang mensahe kay Pidol ay mag-asawa na raw ito.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Nagtagisan din sa pag-awit sina Sarah Geronimo, Charice, Rachelle Ann Go, at ang mga theater actors na sina Michael Williams, Audie Gemora, at JM Rodriguez. Sinundan ito ng magandang awitin mula sa 11-year-old Filipino-British na si Charlie Green na naririto ngayon sa ating bansa.

Umakyat din sa stage sina Ms. Susan Roces at Eddie Gutierrez, na parehong nagbalik-tanaw sa kanilang mga karanasang kapiling si Dolphy na kapanahunan nila.

Sinundan ito ng isang napakagandang awitin mula sa Megastar na si Sharon Cuneta, na umaasang makakasama na sa isang pelikula ang kanyang idolo.

Ang sumunod na number ay ang Wowowee host na si Willie Revillame na naghandog ng awiting "Send In The Clowns" at "Smile." Pagkatapos nito ay nagtagisan sila ni Mang Dolphy sa pagsayaw ng tap dance, na ikinagiliw ng mga nanonood sa Meralco Theater.

Ang deskripsiyon ni Willie sa kanyang idolo ay para raw itong "kanin at ulam dahil siya ang bumubusog sa ating kalungkutan." Si Mang Dolphy rin daw ay isang bayani ng kalungkutan at hindi puwedeng pantayan pero maaaring sundan ang yapak.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sumunod na tinawag ni Willie at umakyat sa entablado ang Chairman and Chief Executive Officer ng ABS-CBN na si Mr. Gabby Lopez. Nagpahayag ito ng pasasalamat kay Mang Dolphy na itinuturing na hari dahil sa napakalaking kontribusyon nito sa ABS-CBN bilang Kapamilya sa loob ng mahigit 50 years. Umani ng mahigit tatlong standing ovations si Mang Dolphy dahil dito.

Labis-labis ang pasasalamat ni Mang Dolphy sa lahat ng nakisaya, dumamay, at sumuporta sa kanyang career all these years. Masasabi raw niyang ang kanyang 80th birthday ang happiest day of his life. Ang tanging hiling daw niya sa Maykapal ay bigyan pa siya ng magandang kalusugan upang makasama pa nang matagal ang kanyang mga mahal sa buhay.

Closing number ay nang umakyat sa stage ang lahat ng nag-perform, habang hinahandugan ng awitin ang King of Comedy.

Ilan pa sa mga importanteng personalidad na dumalo sa birthday tribute ay sina former President Joseph Estrada, Senator Jinggoy Estrada, Annabelle Rama, KC Concepcion, Richard Gutierrez, Gloria Diaz, Celia Rodriguez, Barbara Perez, Robert Arevalo, Jean Saburit, Agot Isidro, Roxanne Guinoo, Smokey Manaloto, Bayani Agbayani, Lotlot de Leon, Riza Santos, Will Devaughn, at marami pang iba.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Siyempre pa ay naroroon din ang mga anak ni Mang Dolphy na nasa showbiz: Eric Quizon, Epi Quizon, at Vandolph.

Naging espesyal din ang gabi at halos maiyak si Mang Dolphy dahil sa isang sorpresa pang ibinigay recently sa kanya ng ABS-CBN. Ito ay nang ipangalan after him ang Studio 1 ng Kapamilya at ngayon ay "Dolphy Theater" na ito. Labis-labis na kasiyahan ang naramdaman ni Dolphy sa pagbibigay-halaga sa kanyang mga naging kontribusyon sa industriya.

Kamakailan din ay naganap ang launching ng kanyang autobiography, Dolphy: Hindi Ko Ito Narating Mag-Isa, na dinaluhan ng mga taong nagmamahal nang tapat mula sa mundo ng pelikula at pulitika. Kaya mas lalong nag-uumapaw ang ngiti at tuwa sa mukha ng King of Comedy.

Read Next
Read More Stories About
dolphy
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Comedy King Dolphy is overwhelmed by the importance given him by his home network ABS-CBN. The Kapamilya network hosted a birthday tribute for the Comedy King last night, July 31, at the Meralco Theater.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results