PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Jolina Magdangal still not 100-percent sure about settling down

Jolina is not affected anymore by her detractors.
by Balot Antazo
Published Jul 30, 2008
"Nakakatawa sila dahil wala silang ginagawa kundi manira. Siguro wala na lang silang magawa, ibigay na kung ano ang kaligayahan nila. Bahala na si Lord sa kanila," says Jolina Magdangal about her detractors.

Nag-enjoy ang invited entertainment press sa presscon ng pelikulang I.T.A.L.Y ( I Trust And Love You) ng GMA Films aboard Island Cruise 7107 docked at Pier 6 in Manila North Harbor sa Tondo, Manila, kasama ang buong cast ng movie—Jolina Magdangal, Dennis Trillo, Rufa Mae Quinto, Mark Herras, Rhian Ramos, Edgar Allan Guzman, at Eugene Domingo. Sayang nga lang, dahil sa masungit na panahon ay hindi natuloy ang cruising sana ng for the press people, courtesy of GMA-7.

Ang daming kuwento ng mga bida tungkol sa naging experience nila while shooting the movie sa Europe, sakay ng barkong Costa Magica. It was indeed a memorable experience for them, lalo na kay Jolens na nakasama pa ang kanyang boyfriend na si Atty. Bebong Muñoz habang nagsu-shooting; plus the fact na nag-enjoy siya ng husto sa bonding nila nina Rufa Mae at Eugene.

"Ang saya-saya talaga ng buong cast at production ng movie na ito. Ang sarap magtrabaho kapag ganito kagagaling at ka-game ang mga kasama mo, lalo na't nasa malayong lugar pa kami nagsu-shooting. Walang nagpa-star sa amin kaya parang hindi kami nagtatrabaho, para lang kaming nagtu-tour at bakasyon grande. Super-happy ang set at hindi matatawaran ang bonding namin doon, ibang level ang friendship na nabuo sa amin nina Ate P-chi [Rufa Mae] at Ate Uge [Eugene], love ko talaga sila," kuwento ni Jolina sa PEP (Philippine Entertainment Portal).

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Since I Trust And Love You ang title ng movie nila and everybody knows naman how happy and in love si Jolina sa kanyang love life, naitanong kay Jolens kung ano ba ang mas mahalaga for her, trust or love?

"Para sa akin, love," sagot niya, "Kasi for me, love is the most powerful feeling and kumbaga, apat ng letra lang yun pero nakadikit na doon ang lahat, kasama na ang trust. Nandun na ang lahat 'pag love, yung tiwala, pagke-care sa 'yo and everything. And I'm so happy with my present relationship dahil almost seven and a half years na kami ni Bebong and going strong kami, I should say."

STILL WAITING FOR JOLINA TO SETTLE DOWN. Sabi pa ni Jolina, who will turn 30 years old on November 6, mukhang everybody is hoping and praying that she will eventually settle down with Bebong.

"Actually, parang lahat talaga yun na lang ang hinihintay sa akin, e. Kung pupuwede ko lang isa-isahin na, ‘Alam n'yo, hindi pala ganoon kadali ang lahat.' Kumbaga, maraming factors pa kaming dapat i-consider ni Bebong. Like, kauuwi lang niya galing Amerika. Kung noon na-excite kami sa pagpaplano ng wedding, pero kailangan palang i-establish yung sarili mo dito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Dapat kasi planado talaga lahat. Pero hindi naman kami nagsisi na nagplano pa kami ng ganoon, hindi kami nagsisi na tipong, ‘Naku, ba't kasi na-announce pa natin yung plans natin?' yung ganoon. Kasi yun naman ang nararamdaman namin noong time na 'yon, e. So ngayon, hindi pa namin nagagawa ang detalye, so hindi pa muna [magpapakasal]," paliwanag niya.

Sa tingin ba niya si Bebong na talaga ang right man for her?

"Para sa akin, gusto ko na siyang makasama," sagot ni Jolina. "Mararamdaman mo naman kasi 'yon, e. Hindi ko sinasabing ready na ako emotionally to get married, but I'm willing to start. Parang hindi ako natatakot, pero hindi rin naman ako yung tipong kaya ko na.

"Alam kong madadapa pa rin ako along the way, pero hindi ako natatakot dahil alam ko kakampi ko si Bebong. Yun yung una naming strength na dalawa, e, yung teamwork namin nandun, e. 'Pag naiisip ko ang future ko, siya lagi ang naiisip ko at alam kong panatag ang loob ko kasi kakilala na niya ako.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

"Sa ngayon, sa tingin ko ay 20 to 25 percent pa ang kailangan naming bunuin to make it 100 percent and finally masabi naming this is it na, we wanna get married. Hindi natin alam, e, basta enjoy kami. Teamwork kami, magkakampi kami ni Bebong at ‘yon ang importante sa amin."

DEDMA TO DETRACTORS. Naitanong din ng PEP kay Jolina kung naaapektuhan pa ba siya ng bad publicity, write-ups, at negative comments sa kanya ng mga detractors.

"I'm not affected at all," sabi niya. "Masaya naman ako sa apat na shows ko [SOP, Pinoy Idol, Dear Friend, at Unang Hirit]. Masaya naman ako sa ginagawa ko sa GMA.

"Kesa magmukmok ako sa paninira... Grabe yung iba, e. Parang ‘pag nababasa mo, ‘Saan galing ‘to? Mag-scriptwriter ka kaya dahil magaling kang gumawa ng kuwento!' Gusto kong ganunin, pero hindi ko na lang pinapansin kasi walang kuwenta, e.

"Hindi rin naman ako sobrang dedma, pero natatawa na lang kasi ako sa mga pinagsasabi at mga comments nila sa mga blogs. Pero siyempre, tinitingnan ko. Parang, ‘Ano'ng problema nito?' May rason ka ba para mag-comment ka ng ganun?' Wala, e.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
"Nakakatawa sila dahil wala silang ginagawa kundi manira. Siguro wala na lang silang magawa, ibigay na kung ano ang kaligayahan nila. Bahala na si Lord sa kanila," pagwawakas ni Jolina.
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
"Nakakatawa sila dahil wala silang ginagawa kundi manira. Siguro wala na lang silang magawa, ibigay na kung ano ang kaligayahan nila. Bahala na si Lord sa kanila," says Jolina Magdangal about her detractors.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results