Dahil horror ang Sem Break na bagong series ng Viva One ay pinagbahagi si Jerome Ponce ng nakakatakot niyang kuwento tungkol sa multo.
Bungad niya sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), “Ako kasi so many years since bata ako, naniniwala ako sa multo, na ngayon ang paniniwala ko is more on soul, hindi yung mga multo, kaluluwa.
“Magkaibang-magkaiba iyon sa akin. Yung kaluluwa yung may mga hindi natapos na misyon dito, mga hindi pa nila gustong ano kasi hindi nila matanggap."
JEROME PONCE'S STORY ABOUT SUWERTE
Nagkuwento rin ang aktor ng kanyang experience.
Lahad niya, “Experience-wise yung sa tita ko, kapatid ng dad ko, business kasi namin before is xerox machines, so ang nangyari merong bahay si Papa dati sa Makati.
“Hindi pa ako pinapanganak nun.
“May salamin sa may hagdanan, sobrang taas talaga, pataas.
“Ngayon sabi nila tuwing dadaan sila doon may nakikita silang white lady, legit talaga.
“Sabi daw huwag daw gagalawin iyon, hayaan lang.
“Ngayon binili agad ng tita ko na iyon sa Papa ko yung bahay, sila na ang tumira dun."
Saad pa ni Jerome, “Kaya pala gustong huwag paalisin or binili nila kaagad, suwerte daw yun.”
Ngayon raw ay milyonarya na ang naturang tita ni Jerome.
Nakapanayam ng PEP.ph ang cast ng Sem Break noong April 22, 2024, sa Viva Café sa Cubao, Quezon City.
kilig scenes with krissha viaje
Samantala, hindi lang katatakutan ang hatid ng Sem Break series kundi pati na rin kilig, lalo na sa pagitan nina Jerome at leading lady niyang si Krissha Viaje.
Read: Patok na tambalan nina Jerome Ponce at Krissha Viaje, nauwi na ba sa totohanan?
Kaya natanong si Jerome kung ano ang maipapangako nila ni Krissha na kilig factor sa mga fans at supporters nila kapag umere na ang Sem Break sa Viva One simula sa May 10, 2024.

Ayon kay Jerome, “Maipapangako? Siguro hindi naman namin kailangang mangako kasi gagawin at gagawin talaga namin is yung… hindi nga namin napapraktis na yung mga kilig scenes, e. Alam na kaagad namin, hindi na namin kailangang mag-internalize.
“May scene na inumaga na kami, dire-diretso, antok na antok kami but it turned out good, na-feel ko agad, as in, yung eksena na iyon.
“Antok na antok ako e, alam nila yun. Sabi ko, nahihiya na ako sa kanila na gigisingin nila ako, ‘Hindi, sige na, last na ito kaya na natin ito, five minutes, five minutes, hindi ko na talaga kaya, please, please, please.’
“Ginawa namin, ‘Aba ang galing, ah!’
“Parang na-feel ko yung eksena, parang ang free ko na sumayaw, gumalaw, mag-blocking, gumalaw.
"And ganun rin sa kanya, I guess very comfortable na kami sa mga scenes na kaming dalawa.
“Sooner or later, ma-master na namin ang mga ganung bagay.”
Sa Sem Break ay co-star nina Jerome (bilang si Arlo) at Krissha (bilang si Mich) sina Aubrey Caraan (bilang si Cora), Hyacinth Callado (bilang si Jessie), Gab Lagman (bilang si Pipo), at Keann Johnson (bilang si Timmy), at sina Dani Zee, Rose Van Ginkel at Felix Roco.
May fresh episode tuwing Biyernes, ang Sem Break ay sa direskyon ni Roni S. Benaid.
