Inamin ni Kokoy de Santos na sa sobrang matakutin niya, muntik na siyang mag-backout sa horror episode ng Running Man Philippines Season 2.
Kaya naman ito rin ang karanasan na hindi niya makakalimutan sa pag-shoot nila ng palabas sa South Korea, bukod pa sa napakalamig na klima at unang beses na makaranas ng snow.
Umpisang pahayag ni Kokoy sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), “Para po sa Running Man Season 2 unang-una na po yung horror.”

READ:
Kokoy de Santos, naglabas ng saloobin sa pagkakasibak ng Tahanang Pinakamasaya
Kokoy de Santos, "minamani" na lang ang intimate scenes sa pelikula
KOKOY DE SANTOS ALMOST QUIT BECAUSE OF THIS REASON
Sa trailer ng Running Man Philippines Season 2 ay ipinakita na pumasok sa tila isang horror house ang pitong runners na sina Kokoy, Glaiza de Castro, Angel Guardian, Lexi Gonzales, Buboy Villar at Mikael Daez at ang pinakabagong runner na si Miguel Tanfelix.
“Nakita niyo naman po yung episode na may horror, talaga naman pong hindi ko makakalimutan kasi gusto ko na pong mag-backout talaga,” at natawa si Kokoy.
“Isa po iyan sa mga kinatatakutan ko. Actually dalawa yan, rides saka horror. Yung rides nilagay nila ng Season 1, yung horror nilagay ng Season 2.
“So talagang parang ayaw nila akong mabuhay e,” at muling natawa si Kokoy.
“Pero iyon, sobrang ano naman yun, sabi ko nga kundi dahil sa Running Man hindi ko din mae-experience yung ganung klaseng production number.
"Talagang iba yung production design na… nilalagay ko sa kukote ko, paulit-ulit nung nag-i-start yung race na yun, 'Set-up lang ‘to, trabaho lang ‘to…'
"Pero hindi, parang ayoko rin talagang ituloy, e!
“Pero iyon lang talaga, sabi nga ni Boss G [Glaiza], sabi dun sa kanta namin [Running Man theme song], ‘Go lang nang go!’
“Iyon.”
Dumating ba si Kokoy sa punto na naisipan na niyang mag-quit sa race at umuwi na ng Pilipinas?
“Yung horror po talaga,” ang humahalakhak na bulalas ni Kokoy. “Pero hindi naman po para bumalik ng Pinas.
“Para lang mag-backout dun sa race. E, kaso parang bungad pa lang po yun, pang-ilang race pa lang po namin iyon.
“Kinausap lang din talaga ako nung interpreter namin na parang hindi puwedeng mag-backout. Parang pinaka sabi ko lang talaga baka puwedeng may kasama ako, at least kasama lang.
“Hindi talaga puwede.
“Iyon lang naman po. Mababaw lang naman para sa kanila pero sa akin hindi. Chariz,” at muling natawa si Kokoy.
“Matatakutin po ako.”
KOKOY DE SANTOS'S fiercest competitor
Samantala, tinanong din ng PEP.ph si Kokoy kung sino ang itinuring niya among the six other runners ng Running Man Philippines Season 2 na pinakamahigpit niyang kalaban.
“Wow,” una munang reaksyon ni Kokoy.
“Si Buboy na lang kasi parang nag-a-assume si Buboy, e. Chariz! Hindi, si Buboy, isa si Buboy din talaga.
“Kasi madalas kaming mag-abot talaga, e. Hindi rin namin alam kung bakit.
"Bukod sa amin ni Angel, si Angel kasi pag nagtatapat kami parang ang hirap hindian, alam mo yun, may ganun,” ang tila kinikilig na sambit ni Kokoy.
Pagpapatuloy pa niya, “Kami ni Buboy talaga pag nag-aabot kami, parang, ‘Ano ba yan?’
“Parang gusto namin lagi parang chill lang kami, pero pag kami ang nag-aabot parang, ‘Hindi e, minsan lang ito mangyari, ibigay na natin ito!’
“Pero kalmado, pero ibigay natin kung ano yung deserve ng mga manonood,” pahayag pa ni Kokoy sa mediacon ng Running Man Philippines Season 2 nitong Sabado, May 4, 2024, sa Studio 7 ng GMA.
Kaabang-abang ang Season 2 ng Running Man Philippines dahil special guest dito sina Sandara Park, Nancy McDonnie at Haha ng Running Man Korea!
Guest rin sina Josh ng SB19, Unis members Gehlee at Elisa, Pinoy athletes Eric “Eruption” Tai and Mark Striegl, award-winning actress Alessandra de Rossi, at Kapuso stars Rochelle Pangilinan, Herlene Budol, Paul Salas, Archie Alemania, Michael Sager, at Bianca Umali, at ang Running Man Season 1 original Pinoy runner na si Ruru Madrid.
Mapapanood na ito tuwing Sabado at Linggo simula May 11, 7:15 p.m., at May 12, 7:50 p.m.
READ:
Rhen Escaño finally breaks silence on breakup with Kokoy de Santos
Royce Cabrera at Kokoy de Santos, ipinauubaya sa GMA-7 kung puwede sila mag-BL movie
