Balik-showbiz via Ako Si Kim Samsoon ang tinaguriang "pasaway" na si Princess Violago.
Nakilala noon si Princess nang magkaroon ito ng sarili niyang segment sa now-defunct showbiz talkshow na S-Files at napasama siya sa teen series ng QTV-11 na Posh at sa horror series na Hoo U?.
Sa kalagitnaan ng nag-uumpisang showbiz career niya, bigla na lang nawala sa sirkulasyon si Princess. Nagkaroon pa ng magkakasunod na mga negative na balita tungkol sa kanya. Una na rito ay ang hindi niya umano pagsipot sa taping ng Posh, para magpa-spa; ang hindi rin daw niya pagsipot sa taping naman ng Hoo U? (na siyang ikinatanggal niya sa show); at ang diumano'y pagkakaroon niya ng attitude problem, kaya inalis na lang din siya sa S-Files.
"I WANT TO DO GOOD." Inamin ni Princess na dumaan nga siya sa pagiging rebelde sa edad niyang iyon. Alam naman daw niyang nagkamali siya kaya nga gusto na niyang ituwid ang lahat.
"Kaya nga I want to make up for all the bad things na ginawa ko," diin ni Princess. "I know that I've disappointed a lot of people, lalo na sa mga taong nagtiwala at naniwala sa akin. Pinagsisisihan ko lahat iyon noong umalis ako ng showbiz. Now that I'm given another chance, I want to do good. Hindi na ako pasaway and I want people to put their trust in me again."
May balita ring kaya siya nawala ay nabuntis daw siya ng kanyang non-showbiz boyfriend. May nakakita raw kasi sa kanya na medyo malaki ang tiyan at naka-maternity dress pa siya.
"Noong may nagpadala ng text message sa akin regarding that, natawa lang ako because nasa U.S. na ako that time. So, paano ako nakita dito sa Pilipinas na at the same time nasa States ako? Weird, di ba?
"Tsaka wala akong boyfriend that time. Hindi ako pinapayagan ng mommy at daddy ko na magkaroon ng boyfriend. At lagi kong kasama is my mom, kaya imposible na I got pregnant."
Paliwanag ni Princess na kaya sila lumipad sa U.S. ay dahil gusto ng kanyang parents na doon na lang siya magtapos ng pag-aaral niya. Dahil nga sa mga negative na mga balita sa kanya, minabuting ilayo na lang daw siya sa showbiz at mag-concentrate sa school.
"That was the plan talaga. Nakapag-enroll na ako sa NYU [New York University] pero halfway sa semester, parang hindi ko nagustuhan doon. Nalungkot ako kasi I missed my friends dito sa Pilipinas.
"Nagmakaawa ako sa parents ko na pabalikin ako sa Pilipinas. I promised na itutuloy ko na lang ang studies ko dito and I will be a good girl. Pumayag naman sila kaya since January of this year, nandito na ako.
"I am currently home schooled kasi nga dumating itong Ako Si Kim Samsoon. Pero kahit maging busy ako ulit sa showbiz, magiging priority ko ang studies ko."
