PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

John Estrada talks about his kissing scene with Sharon Cuneta in "Caregiver"

John says his current girlfriend Priscilla Meirelles and ex-wife Janice de Belen have not formally met each other.
by Julie E. Bonifacio
Published May 9, 2008
"Sabi nga ni Sharon, nag-quota na siya sa akin sa pang-dalawang taon na hindi siya gumawa ng pelikula. Magkaibigan talaga kami, kumbaga, walang malisya, e," says John Estrada about his kissing scene with Megstar Sharon Cuneta.

Tulad ni Sharon Cuneta, marami ring hirap ang inabot ng aktor na si John Estrada habang ginagawa nila ang pelikula ng Star Cinema na Caregiver, lalo na nang mag-shoot sila sa sa London.

Ibinahagi ni John sa PEP (Philippine Entertainment Portal) ang mga naging karanasan niya habang ginagawa nila ang pelikula nang makusap namin siya sa pictorial ng Caregiver last May 6. Ayon pa kay John, hindi lang daw ang Megastar ang nagkasakit nang nagsu-shooting sila sa London dahil sa unpredictable weather doon.

"Kaya nga sana, e, panoorin ng mga tao dahil ang laki ng pinaghirapan namin, aside from napakagandang pelikula nito. Magaling si Sharon dito. Magaling naman talaga si Sharon. Dito talaga, pinagtrabahuan niya. Maganda, maganda talaga yung pelikula. Pinaghirapan namin," lahad ni John.

Sa mga nakakita na ng rushes ng Caregiver, marami ang nagalingan sa ipinakitang acting ni John dito bilang isang nurse na asawa ni Sharon. Posible raw na hindi lang si Sharon ang manalo ng acting award dahil sa performance niya sa pelikula.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Sana kung mapapansin, di ba? Kung hindi, ayos lang din," nakangiting sabi ni John.

KISSING SCENE WITH SHARON. Hindi ba siya nailang o nanibago sa love scene nila ni Sharon sa movie?

"Kissing scene lang!" tawa niya.

May panghihinayang ba on his part na wala silang love scene ng Megastar sa movie?

"Hindi! Hindi naman."

Pero gusto niya ba na sana ay may love scene sila ni Sharon?

"E, kung kinakailangan sa pelikula, bakit hindi? But okay naman. Masaya na ako sa kissing scene. Sharon Cuneta ‘yan, e," sambit ni John.

Ilang takes inabot ang kissing scene nila ni Sharon?

"Take one lang," sagot ng aktor. "E, inayos na namin agad para ano... Pero sabi nga ni Sharon, nag-quota na siya sa akin sa pang-dalawang taon na hindi siya gumawa ng pelikula. Magkaibigan talaga kami, kumbaga, walang malisya, e."

What if mag-react ang mister ni Sharon na si Senator Kiko Pangilinan sa kissing scene nila ni Sharon?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Hindi! Nandun si Sen. Pumunta siya sa amin, huh."

Pinanood ni Senator Kiko ang kissing scene nila ni Sharon?

"Hindi naman. Hindi pa ‘yon. Pero okey kami ni Sen. Mabait si Sen."

Paano kung magselos si Senator Kiko sa kanya?

"Hindi ko alam. Pero mukhang hindi naman. Wholesome pa naman, e, siyempre."

PRISCILLA & JANICE. What about his girlfriend Priscilla Meirelles? Hindi ba ito magseselos kapag nakita ang kissing scene nila ni Sharon?

"Ay, hindi! Walang problema naman doon. Si Priscilla pa?"

Kumusta si Priscilla pagkatapos nilang maharang sa airport papuntang Malaysia dahil sa nakitang mga bala ng baril sa kanyang bag?

"Ayos naman."

Hindi niya ba isinama sa London si Priscilla?

"Wala siya, e. Umuwi siya ng Brazil. Almost three weeks na siya doon. Tawagan lang kami."

Bakit umuwi ng Brazil si Prisicilla?

"Binisita niya ang parents niya."

Wala bang kinalaman ang pag-uwi ni Priscilla sa Brazil sa nangyari sa kanila sa airport?

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

"Wala," diretsong sagot ni John.

Balak ba niyang bisitahin si Priscilla sa Brazil?

"Supposedly nga after nung London, pupunta talaga ako," sabi ni John. "Pero ang nangyari nga, we have to shoot here pa some scenes. So, kailangan na naming bumalik. Sa ngayon, mga two or three days pa. Mas marami pa rin yung sa London."

Sa huling pictorial ni Priscilla para sa isang men's magazine, sinabi niya na maayos ang relasyon niya sa mga anak ni John sa dati nitong asawa na si Janice de Belen. Ano ang masasabi ni John dito?

"Sobra! Sobra akong natutuwa. Wala na akong mahihiling pa. So, ano na lang ako ngayon, steady na lang ako."

Masasabi ba niyang behave na siya pagdating sa babae?

"Dati pa naman ako behave!" nakangiti niyang sabi.

Sa tingin niya kung meron man siyang pakakasalan ulit, si Priscilla na kaya yun?

"Sana, sana," sambit niya. "Pero hindi natin masasabi. But I hope."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nagkita na ba sina Priscilla at Janice?

"Nung graduation ng anak ko, but not formally naman. Magkasama kaming lahat. Nasa isang hall kaming lahat, pero okey lang."

Ipinakilala ba niya si Priscilla kay Janice?

"Hindi, kasi medyo malayo siya, e. Kaya talagang walang chance na maipakailala si Priscilla sa kanya."

Nakita na ba ni John yung sinasabing boyfriend ni Janice?

"Hindi pa. Hindi ko rin alam kung nandun siya [sa graduation]."

May plano ba siya na formally ay ipakilala si Priscilla kay Janice alang-alang sa kanilang mga anak?

"Hindi naman pinaplano yung ganun."

Naniniwala naman si John na maganda sanang opportunity na naipakilala niya si Priscilla kay Janice sa graduation ng anak nila.

"Yeah, oo, gusto ko sana. But medyo malayo siya kaya nag-hi na lang kami."

Iniwasan ba ni Janice si Priscilla?

"Hindi. Hindi naman. Wala naman siya dapat iwasan," pagtatapos ni John.
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
"Sabi nga ni Sharon, nag-quota na siya sa akin sa pang-dalawang taon na hindi siya gumawa ng pelikula. Magkaibigan talaga kami, kumbaga, walang malisya, e," says John Estrada about his kissing scene with Megstar Sharon Cuneta.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results