PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Panganiban on Fiancé Homan on Father's Day

"Napaka swerte ni Amila at ikaw ang una nyang pag ibig, kalaro at dada."
by Bong Godinez
Published Jun 18, 2023
Angelica Panganiban, Gregg Homan
Actress Angelica Panganiban thanks Gregg Homan for being a loving dad to their daughter, Amila Sabine. Her touching message didn't go unnoticed, prompting Gregg to comment, "How not to cry po? You get me every time, Honn!"
PHOTO/S: Angelical Panganiban (Instagram)

Hindi pinalagpas ng aktres na si Angelica Panganiban ang pagkakataon para batiin ang kasinatahang si Gregg Homan ngayong Father's Day.

Si Gregg ang ama ng anak na babae ni Angelica na si Amila Sabine o Baby Bean.

Sa Instagram post ni Angelica ngayong araw, June 18, 2023, makikita ang video na naglalaman ng iba't ibang clips ni Gregg kasama si Amila.

Bukod sa nakakatuwang video ay may kasama ring letter ang post ni Angelica kung saan ay pinuri at pinasalamatan niya si Gregg sa pagiging mabuting ama nito sa kanilang anak.

READ The star-studded baptism party of Angelica Panganiban's daughter Amila Sabine

hands-on dad

Lumaki si Angelica na salat sa kalinga ng isang ama.

Amerikano at dating miyembro ng US Navy ang tatay ni Angelica na nagngangalang Mark Charlson.

Taong 2010 noong personal na makita at makilala ni Angelica ang kanyang ama nang magtungo siya sa Los Angeles, California.

Sa liham na sinulat ni Angelica para kay Gregg ay dama ang kalungkutan nito habang inaalala ang mga panahong naghahanap siya ng pagmamahal mula sa ama na hindi niya nakilala habang lumalaki.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Angelica Panganiban at Gregg Homan, five months nang engaged

Sambit ni Angelica (published as is), "Mula noon pa, kung saan saan ako naghahanap ng ibig sabihin ng pagmamahal ng isang ama.

"Madalas napapanood ko lang sa mga pelikula, nababasa sa mga libro, o paminsan nakikita ko sa mga kaibigan ko."

Nagpapasalamat naman si Angelica dahil sa pamamagitan ni Gregg ay nakikita niya ang pagmamahal at kalinga ng isang ama sa anak, bagay na ipinaparamdam nito kay Amila sa araw-araw.

Dagdag ng aktres, "Hindi ko akalain na magiging mapalad ako ngayon, na nakikita at nararamdaman ko na siya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Napaka swerte ni Amila at ikaw ang una nyang pag ibig, kalaro at dada.

"Maraming salamat sa pag ganap ng buong buo at higit pa. Mahal na mahal ka namin. Happy Father’s Day daddy."

Nagpasalamat naman si Gregg sa mensahe ni Angelica, dahilan para mag-comment ito ng, "How not to cry po? You get me every time,Honn! Daddy love you both so much."

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Actress Angelica Panganiban thanks Gregg Homan for being a loving dad to their daughter, Amila Sabine. Her touching message didn't go unnoticed, prompting Gregg to comment, "How not to cry po? You get me every time, Honn!"
PHOTO/S: Angelical Panganiban (Instagram)
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results