PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Harry Roque on Ai-Ai delas Alas choosing to side with UniTeam

Ai-Ai delas Alas co-hosts UniTeam's grand rally in Manila this Saturday night.
by Rachelle Siazon
Published Apr 23, 2022
Ai-Ai delas Alas, Harry Roque
Senatorial aspirant Harry Roque jokingly tells Kapuso star Ai-Ai delas Alas that she won't lose "franchise" for choosing to side with UniTeam. Is he alluding to ABS-CBN's junked franchise renewal bid?
PHOTO/S: Bongbong Marcos Facebook

Hindi inaasahang nagbiro si presidential spokesperson Harry Roque ng tungkol sa usaping prangkisa sa UniTeam grand rally ng tambalan nina Ferdinand Marcos Jr. at Sara Duterte.

Ginanap ito sa Manila ngayong Sabado ng gabi, April 23, 2022.

Si Ai-Ai delas Alas ang isa sa main co-hosts ng campaign rally, at siya ang nagpakilala kay Roque bilang senatorial aspirant na bahagi ng UniTeam.

Nang humarap sa entablado si Roque, nagbiro siya na nang makita niya si Ai-Ai ay naisip daw niyang mas gumanda pa ang madalas na host ng UniTeam rallies na si Toni Gonzaga.

Iyon daw pala ay si Ai-Ai ang bagong host sa rally.

Sabay pabirong hirit ni Roque, "Ate Ai, hindi ka nagkamali sa sinamahang grupo. Hindi mawawala ang iyong prangkisa."

Hindi malinaw kung ano ang reaksiyon ni Ai-Ai dahil hindi nag-pan ang camera sa gawi ng Kapuso actress.

Ang tanging malinaw ay bukas si Ai-Ai sa suporta niya sa tambalang Marcos Jr. at Duterte sa 2022 elections.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ai-Ai delas Alas

HARRY ROQUE ON ABS-CBN FRANCHISE

Bagamat biro iyon ay malaman ang pagbanggit ni Roque sa usaping prangkisa. Hindi kaila sa publiko ang pagkawala ng prangkisa ng ABS-CBN noong 2020.

Read: ABS-CBN Corporation franchise renewal timeline; how much income did ABS-CBN lose in 2020?

Bilang presidential spokesperson noon, makailang-beses na naghayag noon si Roque na "completely neutral" umano si Pangulong Rodrigo Duterte hinggil sa pagpapasara ng National Telecommunications Commission sa broadcast operations ng Dos noong May 2020.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

July 9, 2022 naman nang magdesisyon ang Kongreso na ibasura ang franchise renewal application ng ABS-CBN.

Makalipas ang apat na araw, noong July 13, 2022, naringgan ang Pangulo na hindi raw kinailangan ng martial law para mapabagsak ang oligarkiya sa bansa.

Hinihinalang ang pinatungkulan niya ay ang ABS-CBN.

Pero nang tanungin si Roque hinggil sa isyu, dinenay niya sa press na ABS-CBN ang pinatutungkulan ng Pangulo.

Samantala, na-renew ang 25-year franchise ng GMA-7 noong April 2017. Magtatagal ito hanggang 2042.

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Senatorial aspirant Harry Roque jokingly tells Kapuso star Ai-Ai delas Alas that she won't lose "franchise" for choosing to side with UniTeam. Is he alluding to ABS-CBN's junked franchise renewal bid?
PHOTO/S: Bongbong Marcos Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results