PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Ai-Ai delas Alas advised by lawyer not to face her son's alleged assailant yet

Ai-Ai delas Alas's son undergoes session with psychiatrist.
by Nerisa Almo
Published Jan 16, 2008
Amidst the crisis that Ai-Ai delas Alas and her son are going through, the actress says that they never forget to seek help from God. She says that to calm herself, "Nagdadasal, yun lang naman ang kaya naming gawin today, humingi ng strength."

Nagpakita na diumano ngayong hapon, January 16, sa National Bureau of Investigation (NBI) ang kahero ng Mini-Stop na sinasabing nambugbog sa anak ni Ai-Ai delas Alas.

Kaninang hapon din diumano nakatakdang tukuyin ng kanyang anak kung ang taong iyon ang nambugbog sa kanya sa Mini-Stop sa P. Noval Street, España, Manila.

Ibig sabihin ba nito ay makikita na niya ng harap-harapan ang taong nanakit sa kanyang panganay na anak?

"Hindi muna," matipid na sagot ni Ai-Ai sa interview kanina sa kanya sa press conference ng Volta sa 9501 Restaurant, ABS-CBN compound. Paliwanag niya, "In-advise ako ng attorney ko , siguro it's not proper na hindi ko muna siya makita kasi baka madagdagan yung kaso."

SESSIONS WITH PSYCHIATRIST. Ayon kay Ai-Ai naging traumatic para sa kanyang anak ang mga pangyayari kaya naman isinailalim niya ang kanyang anak sa ilang sessions with psychiatrist upang matulungan siya.

Ayaw man tukuyin ng comedienne ang trauma na nararanasan ng kanyang anak, inamin ni Ai-Ai na nararamdaman niya ang mga ito. Aniya, "Marami pero siyempre hindi ko lang ma-identify medically pero feeling ko marami."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sinabi pa niya, "Hindi naman drastic ang changes niya pero noong bagong nangyari yun, sinabi niya din sa psychiatrist na may times na nagigising siya bigla, nagugulat. Siyempre, na-trauma yung bata. Hindi man niya aminin ng todo-todo, bata pa yun, e."

Bukod sa anak, maging mismong si Ai-Ai daw ay na-trauma sa nangyari sa kanyang panganay.

Ayon sa kuwento ni Ai-Ai, "Every time na naalala ko, naluluha talaga ako. Walang joke, hindi talaga. Hindi ko nga malaman... Ngayon ko lang na-realize na ang nanay pala talaga ganun ang pakiramdam [mas nasasaktan]. And every time naalala ko, nai-imagine ko kung ano yung ginawa niya sa anak ko.

"Helpless yung bata. Kung meron man siyang counter na laban dun, still hindi pa rin kasi alam mo yung shock, e. may shock yung bagets. Ako rin, hindi ako makapaniwala na may mga taong gumagawa ng ganun. And in spite of nagawa nila, mayroon pa silang karapatan gumawa pa ulit ng ibang counter na gagawin against us."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Dagdag pa ng aktres, kahit ano pang mangyari, ang anak pa rin niya ang kawawa sa situwasyong kinalalagyan niya.

"Naaawa ako sa anak ko kasi sa lahat naman ng gulo na 'to, ang ending yun mararamdaman niya, e, kasi siya yung nabiktima and siya yung haharap sa court. Kawawa naman yung bata," malungkot na pahayag ni Ai-Ai.

Sa ngayon, determinado pa rin ang aktres na ipagpatuloy ang laban para sa kanyang anak. Nakahanap na rin sila ng ilang saksi diumano sa pangyayari, na puwedeng humarap sa korte para sa kanila.

"Sabi ko nga, ang suwerte naman ng anak ko, mayroong nakakita sa kanya mismo doon," malugod na balita ng aktres.

Read Next
Read More Stories About
Ai-Ai delas Alas, Volta
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Amidst the crisis that Ai-Ai delas Alas and her son are going through, the actress says that they never forget to seek help from God. She says that to calm herself, "Nagdadasal, yun lang naman ang kaya naming gawin today, humingi ng strength."
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results