PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Actress Jean Saburit claims she was physically attacked by daughter Nicole Anderson

Jean considers young actress Bianca King as a bad influence on her daughter Nicole Anderson
by Nerisa Almo
Published Jan 14, 2008
"‘Nicole, I can't believe na anak kita.' Sabi ko, ‘Kasi hindi ako ganyan sa magulang ko. Kanino ka nagmana? Or is it your friend?'" narrates Jean Saburit (left) in her interview in The Buzz about her heated argument with daughter Nicole Anderson (right). Jean is referring to young actress Bianca King (inset), whom the veteran actress considers a bad influence on her daughter.

Walang pag-aalinlangang inamin ng aktres na si Jean Saburit ang bali-balitang sinaktan at nilayasan siya ng kanyang dalagang anak na si Nicole Anderson.

Sa exclusive interview ng The Buzz na ipinakita kahapon, January 13, ikinuwento ni Jean ang mainit na pagtatalong naganap sa pagitan niya at ng kanyang anak ilang oras matapos sumapit ang Bagong Taon.

Kuwento ni Jean, "Pagdating niya, may tinatanong ako sa kanya kung nasaan yung Louis Vuitton bag ko. 'Tapos sabi niya, ‘This is not the time to talk about it.' Sabi ko, ‘When is the time to talk about it, Nicole? You're never home.'"

Hindi umano inakala ni Jean na aabot sa pagiging pisikal ang argumento nila ng kanyang 18-year-old na anak.

"'Tapos lumaban siya sa akin," patuloy ni Jean. "Paglaban niya sa akin, tinadyakan niya ako sa ano, sa tiyan. Nung nasa floor ako, nakatayo lang siyang ganyan.

"Sabi niya, ‘You started it.' Sabi ko, ‘Nicole, I can't believe na anak kita.' Sabi ko, ‘Kasi hindi ako ganyan sa magulang ko. Kanino ka nagmana? Or is it your friend?'"

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ang kaibigang tinutukoy ng dating aktres ay ang young actress na si Bianca King. Sa paglalarawan ni Jean, nagbago raw si Nicole simula nang mapabarkada siya kay Bianca. Dagdag pa niya, may pagkakataon pa raw na lumayas si Nicole at kina Bianca siya nakitira.

Dagdag ni Jean, "Simula nang mabarkada kina Bianca, this was two years ago, nag-argument kami [Nicole]. Tinext ba naman siya ni Bianca, ‘You're stupid, b*tch, mom.' And who is she to tell me na b*tch ako? Na stupid ako?"

Pagtataka pang sinabi ni Jean, "Kung talagang kaibigan mo sila, bakit ka nila ie-encourage na maglayas? Dapat ine-encourage niya [Bianca] yung anak ko na bumalik sa akin, di ba? Na asikasuhin yung pag-aaral sa States?"

Dahil sa mga pangyayari, isang mensahe ang inihayag ni Jean para sa anak. Aniya, "Nicole, I am not perfect, okay? I'm sorry if I screwed up before o kung may nakita kang hindi maganda sa akin. Pero siguro naman, favor naman, siguro kung may nagawa man akong negative, hindi mo na nakita yung magagandang nagawa ko. Kung ano'ng gusto niya, ibinibigay ko. Why are you treating me like this?"

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Samantala, sumama din ang loob ng dating aktres nang malaman niya na boyfriend na pala ng kanyang dalaga si Jeremy Marquez, ang panganay na anak ng komedyanteng si Joey Marquez.

"Mukha nga akong tanga, ako nga yung huling nakaaalam, e," salaysay ni Jean.

Tila wala talagang kaalam-alam si Jean sa pakikipagrelasyon ng kanyang anak kay Jeremy dahil natanong pa nito na, "Si Jeremy yung nakabuntis nung babae, yun ba yun?"

Patuloy pang pagtatanong ni Jean sa The Buzz, "Matanda na yun, di ba? Eighteen lang yung anak ko, e. E, kung buntisin niya yung anak ko? Papakasalan ba niya yung anak ko?"
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
"‘Nicole, I can't believe na anak kita.' Sabi ko, ‘Kasi hindi ako ganyan sa magulang ko. Kanino ka nagmana? Or is it your friend?'" narrates Jean Saburit (left) in her interview in The Buzz about her heated argument with daughter Nicole Anderson (right). Jean is referring to young actress Bianca King (inset), whom the veteran actress considers a bad influence on her daughter.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results