PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Sarah Geronimo fears Madam Auring's prediction about her career

If her showbiz career becomes unsuccessful this year, the Popstar says she will continue her studies.
by Julie E. Bonifacio
Published Jan 13, 2008
When asked about rumors that she will transfer to GMA-7, Sarah Geronimo said she's happy with ABS-CBN.

Natakot ang Popstar na si Sarah Geronimo noong makarating sa kanya ang prediksyon ng kilalang manghuhula na si Madam Auring—malalaos raw siya sa taong 2008. Lalong kinabahan si Sarah nang malaman pa niya na nahulaan din ni Madam Auring ang pagbubuntis ni Jennylyn Mercado late last year.

“Uhm, whatever happens, alam ko na lahat ng nangyayari sa buhay ko, kalooban ng Diyos. Basta ako, kailangang i-prepare ang sarili ko kung anuman ang mangyari. I’m doing all of these for my family. Kung malaos man o kung ano ang mangyari, okey lang,” ang pahayag ni Sarah sa presscon ng All 4 Love concert niya. Kasama sa conccert sina Erik Santos, Rachelle Ann Go at Christian Bautista sa Araneta Coliseum on February 13.

Pumasok din ba sa isip niya yung nasabing hula? Na baka mas maaga siyang malaos?

“Oo naman po. Everyday, talagang naiisip ko ‘yan. Actually, hindi ko iniisip na sikat ako. Sana huwag naman, kasi marami pa akong pangarap para sa pamilya ko, para sa sarili ko, so, sana huwag naman po’ng mangyari ‘yan," ang sagot ng young actress-singer.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Dugtong pa niya, “Uy, nakakatakot naman ’yan.”

Kasunod ng hula ni Madam Auring ang intrigang natabunan na raw si Sarah ng dating grand finalist sa Little Big Superstar na si Charice Pempengco.

Aniya, “Alam ninyo po si Charice, talagang ina-idolize ko siya. Nung malaman ko ang balita, nagulat po talaga ako. Mas na-inspire po ako. Talagang inspiration si Charice. Pero kita ninyo ang nangyari sa kanya, hindi man siya nanalo sa Little Big Superstar pero yun pala ang plano sa kanya ng Diyos.”

Nararamdaman ba niya na threat sa kanyang career si Charice?

“Sobrang proud po ako kay Charice. Mas na-inspire po ako sa kanya. Wala pong ganun na nate-threaten. Mas na-inspire ako sa kanya. Napanood ko yung Ellen [DeGeneres Show], talagang nakakapanindig-balahibo, lalo [noong] nag-standing ovation sa kanya ang mga Amerikano,” ang nakangiting sabi ni Sarah.

Sa reaksyon ni Sarah sa hula ni Madam Auring sa kanya, halatang hindi pa handa ang pop star na dumating ang panahong hindi na siya tangkilikin ng publiko.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Naku, sana huwag po naman muna. Kasi nga po, hindi pa ako ready. Pero kung anuman ang mangyari, kailangan ko po yung tanggapin.”

May naisip na ba siyang alternatibo, just in case magkatotoo ang hula?

“S'yempre mag-aaral po ako ng mabuti at ang pagkanta, hindi ko pa ‘yan maiiwanan. Mahal na mahal ko ang pagkanta,” ang mabilis na sagot ni Sarah.

Nakaapekto raw ng malaki sa kasikatan ni Sarah ang madalas na pag-alis niya ng bansa. “ Uhm, siguro ano po, siguro po.”

Napabalita rin na aalis na si Sarah sa ABS-CBN, totoo ba?

Sagot niya, “Ay, hindi po totoo yun. Siyempre, nakakahiya po, kasi talagang ABS, binigyan ako ng malaking break. Pinagkatiwalaan nila ako, so, nakakahiya po na ganun ang gawin ko."

Ang Viva bigwig na si Vic del Rosario ang manager ni Sarah, hindi ang anak nito na si Veronique del Rosario na siyang namamahala ng Viva Artist Agency. Five years pa ang natitira sa 10-year contract ni Sarah with Viva. Umugong ang tsismis na ililipat na diumano ni Veronique ang talents nila from ABS-CBN to GMA-7.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Kahit hindi nais umalis ni Sarah sa ABS-CBN at ang manager naman niya ang magdesisyon, may magagawa kaya ang Popstar?

“Tingin ninyo po ba, dapat may say ako?” balik-tanong niya.

Tututol ba siya kapag inilipat siya?

“Hindi ko po alam, e. Pinagpapawisan na ako,” nakangiting sagot ni Sarah. "Hindi ko po alam pero sana huwag naman dumating sa point na ganun kasi napakaganda naman pong mag-build up ng artista ng ABS-CBN. So, malayo naman po mangyari ang ganun.”

Bukod sa malaking Valentine concert nila nina Erik, Rachelle at Christian sa Big Dome on February 13, produced by ASAP Live at Viva, wala pang alam si Sarah kung ano ang susunod na project niya sa ABS-CBN.

“Wala po muna. Hindi naman sa ayaw ko. Siguro pahinga po muna at saka tamang konspeto, bagong istorya. Siguro...sana po matuloy yung movie [with John Lloyd Cruz]. Talagang sinisiguro po nila para hindi nakakatakot. Hopefully, mag-start na kami ng shooting. Sana ngayong February. Co-production po ng Star Cinema at Viva Films,” pagtatapos ni Sarah.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Read Next
Read More Stories About
Sarah Geronimo, Madam Auring
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
When asked about rumors that she will transfer to GMA-7, Sarah Geronimo said she's happy with ABS-CBN.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results