Tila hindi na makatakas sa isyu si Manny Pacquiao ukol sa kontrobersiyal na binitawan niyang salita laban sa gay, lesbian, bisexual, and transgender (LGBT) community.
Kamakailan kasi ay ihinambing niya ang mga ito sa hayop.
Nang marami ang nadismaya sa kanyang pananaw, humingi ng paumanhin ang Pambansang Kamao, ngunit patuloy pa rin ang negative backlash laban sa kanya.
Halimbawa ay tinanggal na siya ng Nike bilang isa sa mga endorser nito.
Read: Nike cuts ties with Manny Pacquiao after 'abhorrent comments' toward gays
Sinabi rin kasi ni Manny na hindi magbabago ang stand niya kaugnay ng same-sex marriage.
Sa panayam niya sa DZMM kagabi, sinabi ng boxer-politician na itinuturing itong karumal-dumal ng Bibliya.
Read: Manny Pacquiao clarifies he is not condemning the LGBT, but their sexual act
Kaninang madaling-araw ay nag-post naman si Manny sa Instagram ng mga Bible verse na nagbabawal sa same-sex unions.
Sa account niyang @mannypacquiao ay in-upload ni Manny ang picture nila ng asawang si Jinkee Pacquiao.
Caption nito ay ang mga Bible verses, kabilang na ang isang quote mula sa Leviticus 20:13:
“If a man has sexual relations with a man as one does with a woman, both of them have done what is detestable. They are to be put to death; their blood will be on their heads.”
Ayon sa ulat ng ABS-CBN News Online, nakakuha ng 18,000 likes ang post na ito na nasa account ni Pacquiao ng dalawang oras lamang. Pero na-delete ito ng bandang 3 A.M.
Matatandaang nadawit na si Manny sa kaparehong kontrobersiya noong 2012 nang i-ban siya ng isang shopping mall sa Los Angeles, California, dahil umano sa pagsasabi ng kaparehong Bible verse sa kanyang panayam sa isang U.S. website.
Read: Manny Pacquiao barred from LA mall for quoting bible verse that sentences gay lovers to death
Agad naman itong pinabulaanan ni Manny kaya’t nawala rin ang ban sa kanya.
Read: The Grove lifts ban on Manny Pacquiao; Pinoy boxer apologizes to the gay community