PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Glady Reyes: "Sigurado ako na Paras-Reyes ako!"

Parents of Gladys Reyes react to rumors about the Ayala couple that claim she is their daughter.
by Nerisa Almo
Published Apr 29, 2007
"Kahit anong duda wala, kasi talagang alam na alam ko, di ba, minsan mararamdaman mo naman 'yon? Pero wala talaga, e, alam ko from the very start na wala akong hinahanap. From the very start, complete ako at 'yon ang nararamdaman ko," says Gladys Reyes.

Muli na namang pinabulaanan ng aktres na si Gladys Reyes ang mga balita tungkol sa nagpapakilalang diumano'y tunay niyang mga magulang, na sina Eduardo at Corazon Ayala.

"Alam mo, kung totoo sanang Ayala itong nagke-claim sa akin, well, maiintindihan siguro ng mga...as in Zobel de Ayala. Alam mo, siguro maiintindihan ng mga tunay kong magulang kung i-deny ko muna sila," pabirong sagot ni Gladys sa Startalk noong Abril 28.

Nagsimula diumanong magparamdam ang mag-asawang Ayala nang mag-email ang mga ito sa executive producer ng Bahay Mo Ba 'To?, kung saan regular cast si Gladys. Sinasabi sa email na ang tunay diumanong pangalan ni Gladys ay Bernadette Ayala at ipinaampon siya dalawang buwan matapos ipanganak dahil sa kahirapan.

Idiniin naman ng aktres na kailanman ay hindi niya pinagdudahan ang tunay niyang mga magulang. Paliwanag ni Gladys, "Sabi nga nila, ako raw ang anak nila. In the first place, never talaga akong lumabas na naghahanap talaga ako ng magulang or medyo nagda-doubt ako.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Kahit anong duda wala, kasi talagang alam na alam ko, di ba, minsan mararamdaman mo naman 'yon? Pero wala talaga, e, alam ko from the very start na wala akong hinahanap. From the very start, complete ako at 'yon ang nararamdaman ko."

Reaction of Gladys's parents. Dahil sa muling pagkabalita ng mga umaangking magulang diumano ni Gladys, nagbigay na rin ng pahayag ang mga tunay magulang ni Gladys.

Sa paglalarawan ni Gladys, "'Yong mother ko, affected siya. Pero 'yong papa ko, cool lang 'yan kasi alam naman nila talaga 'yong totoo."

Sa taped interview ng Startalk, pinatunayan ng ama ni Gladys, si Sonyer Reyes, na tunay nilang anak ang aktres.

Pagsasaad ni Sonyer, "Tumawa na lang kami [ni Gladys] pareho dahil alam naman namin kung ano 'yong totoo. Tapos natawa pa nga siya noong nalaman niya na ang tunay daw niyang pangalan is [Bernadette] Ayala.

"Ngayon, ako naman, sabi ko ay lalong mali dahil hindi naman gumamit ng screen name si Gladys dahil produkto nga siya ng Eat...Bulaga! Isa siya sa first batch noong ‘Little Miss Philippines' kaya gamit namin ang tunay niyang pangalan, which is Gladys Paras Reyes."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Hindi naman naitago ng ina ni Gladys na si Zeny Reyes ang pagkadismaya tungkol sa isyu. Aniya, "Alam mo, kung sila tawa nang tawa, ako lang 'yong parang pikon na nag-iisip, kasi kung may pinaampon sila, hirap daw sila sa buhay, bakit sa amin pa? Hirap din kami noon, e. Bakit sa mahirap pa at sa malayong lugar pa. Bakit ganoon, bakit si Gladys pa?"

Hinala ng mag-asawang Sonyer at Zeny na maaring may nambuyo lamang kina Eduardo at Corazon o di kaya'y mayroon lamang gustong manloko sa kanila.

Paliwanag ni Sonyer, "Unang-una, kung ikaw ang magpapaampon, kilala mo kung sino ang pagpapaampunan mo, di ba? Sabi nila, nasa abroad na daw ang pinagpaampunan nila. Ang tanong doon, e, kung ang pinagpaampunan niya ay nasa abroad na ngayon, bakit naiwan dito ang bata? Bakit naiwan siyang hindi isinama?"

Dagdag pa ni Sonyer, "Alam ninyo, naawa ako sa inyo kasi nagpapadala kayo sa buyo. Pero maganda na rin ito, para kung mapanood man ng tunay na Bernadette Ayala, siya mismo lalabas siya at saka lalo na iyong pinagpaampunan ninyo."

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Sa kabilang banda, nagbigay naman ng mensahe si Zeny para sa mag-asawang Ayala. Aniya, "Masyado ho kaming masayang pamilya para sirain ninyo. Hindi ho kami masisira kahit ho guluhin ninyo kami. Masyado kaming maligaya sa buhay namin kaya sorry to disappoint you."

Samantala, nabalitaan din ng pamilya Reyes na nais makita at mayakap ng mag-asawang Ayala si Gladys. At para kay Gladys, wala naman daw problema sa kahilingang ito ng mag-asawa.

Ayon kay Gladys, "Hindi ko naman ipagkakait sa kanila na, halimbawa, sabi gusto nila akong yakapin, o gusto nilang pumunta dito para makita ako at makausap...Kung 'yon bang presence ko kahit papaano ay maiibsan ang pangungulila nila, why not, di ba?

"Pero huwag lang po ninyo isipin na ako na ang anak ninyo kasi ayoko sila bigyan ng false hope. Para makapag-move on din sila at mahanap nila kung sino ba talaga 'yong anak nila."

At ang panghuling mensahe ni Gladys sa diumano'y nagpapakilalang tunay na magulang niya: "Nakikiramay po ako sa pagkawala ng anak ninyo. Alam ko po na, dahil ina na rin ako ngayon, masakit talaga na mawalan ng anak. Pero pasensya na po kayo, hindi po ako 'yong hinahap ninyong anak."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Read Next
Read More Stories About
gladys reyes, Sonyer Reyes
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
"Kahit anong duda wala, kasi talagang alam na alam ko, di ba, minsan mararamdaman mo naman 'yon? Pero wala talaga, e, alam ko from the very start na wala akong hinahanap. From the very start, complete ako at 'yon ang nararamdaman ko," says Gladys Reyes.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results