An exchange of cultures ang pangunahing dahilan kung bakit nagkaroon ng Big Swap ang Pinoy Big Brother (PBB) at ang Slovenian Big Brother (SBB).
Nakapanayam ng PEP (Philippine Entertainment Portal) ang 22-year old Slovenian na si Tina Semolic, isang Tourism student (although ang nakalagay sa kanyang profile ay Technician of Economic and Commerce) at matatawag na very liberal woman.
Magaling magsalita ng English si Tina kaya't mas madali para sa kaniya ang adjustment sa Pinoy Big Brother house, at kahit one week lang siyang mag-i-stay dito, she expects to go home with a lot of experiences.
She was given some data by her housemates in Slovenia about our country. When we asked her to describe the Philippines according to her perception and her first hands-on experience since she arrived, she said, "There are many islands. Food is great. There are fresh fruits and vegetables. And also Filipinos are rice eaters, which I also like very much, and people are very warm and always smiling."
Mayroon na siyang boyfriend and she swears na imposible sa kanya ang ma-fall sa isang Pinoy housemate. Isa rin siyang beauty titlist ng isang local TV pageant sa kanila at kahit hindi siya ang big winner, naging advantage daw yun sa pagkakapasok niya sa Big Brother house sa Slovenia.
First edition pala sa Slovenia ng naturang reality-search kaya't magkahalong excitement at kaba ang kaniyang nararamdaman dahil kahit napakaliit daw ng bansa nila, "my countrymen expect me to showcase what we have and who we are," sabi ni Tina.
Matangkad si Tina sa kanyang 1.77 meters na height. Mahilig siya sa fruits and vegetables and looking forward siya na matikman ang seafoods dito, especially ang ating mga hipon at shells.
Nakakagulat ang malaking pagkakaiba ng ating PBB sa kanilang bansa na very liberal. Although Catholic ang kinalakhang pamilya ni Tina, she is an atheist. Nang tinanong siya ng PEP kung gaano ka-daring ang mga housemates sa kanila, "We can wear anything. We can be ourselves at any given time and, yes, we can be naked inside the house," ang sunud-sunod nitong sagot.
Kaya naman segue agad kami sa pagtatanong kung allowed ba silang makipag-sex while inside the Big Brother house?
"Yes. We can do that," ang maliksi nitong tugon.
At press time ay kakapasok lang ni Tina sa Bahay ni Kuya. Ang Pinoy counterpart niyang si Bruce Quebral ay papasok na sa rin sa Slovenian Big Brother house ilang oras pagkatapos pumasok ni Tina sa Bahay ni Kuya.
After one week ay pareho nang babalik sina Tina at Bruce—na hindi pa nagkikita—sa kanilang mga original houses. They also have one week para malibre sa posibleng nominations nila for eviction. Gaya ni Bruce ay never pang na-nominate for eviction si Tina, kaya naman malaki talaga ang chance niya to win the prize of 75,000 euros sa SBB.
Ayon kay Tina, it was her mom who encouraged her to join the contest. Ulila na siya sa ama at mayroon siyang mga kapatid na babae at lalaki na trinatong parehas ng kanilang nanay at tinuruang maging matapang sa buhay. Marunong siyang mag-panday, magpintura ng bahay, at gumawa ng mga gawaing lalaki.
"But I am a very loving woman especially to my boyfriend," hirit pa ni Tina.
Idol ni Tina sina Bruce Willis, Sean Connery, at Nicolas Cage. Open daw siya sa lahat ng bagay. She loves music (except for the heavy metal) and her favorite color is red. Handang-handa raw siya sa summer climate ng bansa natin kaya nang mag-impake siya ng mga gamit ay siniguro niyang lahat ay swak sa klima natin sa ngayon.