PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Nino Muhlach released from jail after posting P200,000-bail

The former child wonder temporarily gets out of jail after posting a P200,000-bail for drug possession.
by Erwin Santiago
Published Mar 16, 2007
Former child star Niño Muhlach was arrested for possession of shabu last Tuesday.


Nakalabas na ng kulungan ang dating child wonder na si Niño Muhlach pagkatapos magpiyansa ng P200,000 dahil sa isinampang drug possession charges laban sa kanya.

Ayon sa report ng GMA News, nagtungo si Niño sa sala ni Quezon City regional trial court executive Judge Thelma Ponferrada kaninang alas-tres ng hapon. Sinamahan ang aktor ng tatlong miyembro ng Bicutan Regional Police Office nang hindi naka-posas.

Inaresto noong Martes, March 13, si Niño ng dalawang pulis pagkatapos nilang makatanggap ng impormasyon na may magaganap na ilegal na pagbebenta ng droga sa Shopwise mall sa Libis, Quezon City. Ayon pa sa impormasyon, isang lalaking nagngangalang Niño ang sangkot sa ilegal na bentahan ng prohibited substance.

Sa food court ng Shopwise ay huli sa akto na inaabot ni Niño ang droga mula sa isang babae. Nahuli ng anti-drug operatives ang aktor ngunit nakatakas ang babae.

Hindi raw nanlaban si Niño nang maaresto siya. Nakiusap lang daw ang aktor na huwag gumawa ng eksena ang mga pulis at sasama siya sa kanila sa presinto.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nakulong si Niño sa police headquarters ng Camp Bagong Diwa sa Taguig.

Kinumpirma ng Philippine National Police (PNP) Crime Laboratory na ang "white crystalline substance" na nakumpiska kay Niño ay ang prohibited drug na shabu. Ang plastic sachet daw na nasa possession ni ng aktor ay naglalaman ng 1.9 grams ng prohibited substance.

Kahapon, March 15, ay kinasuhan si Niño ng paglabag sa Section 11 Article 11 ng Dangerous Drug Acts of 2002.

(With additional reports from gmanews.tv)

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Former child star Niño Muhlach was arrested for possession of shabu last Tuesday.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results