PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Criselda Volks warns Lara Morena: "Magtago ka na!"

Criselda Volks is angered by the inclusion of her name in the latest Lara Moreno-Tonio Quiazon fight
by Maricris Valdez-Nicasio
Published Jan 11, 2007
Criselda Volks has harsh words for Lara Morena, who accused her of having an affair with Tonio Quiazon


Halos umusok ang tenga ng sexy star na si Criselda Volks sa galit nito kay Lara Morena nang idawit siya ni Lara sa pinakabagong gulo nito sa boyfriend niyang si Tonio Quiazon, a former Viva Hot Men member.

Sa birthday party ng actor-director na si Ihman Esturco sa Aruba Bar last Monday, January 8, nagmistulang impromptu press con ito ni Criselda para ibulalas ang galit kay Lara. Ayon sa sexy star, nasa labas siya ng bansa nang magsalita si Lara ng kung ano-ano laban sa kanya kaya ngayon lang siya nakabuwelta rito.

Si Criselda ang itinuturong dahilan ni Lara kung bakit sila nag-away ni Tonio. Ayon kay Lara ay may relasyon sina Tonio at Criselda, bagay na pinagselosan niya.

Dahil sa away ni Lara at Tonio ay nagtamo ng ilang sugat sa iba't ibang bahagi ng katawan ang huli, mula sa pananaksak ng gunting ng sexy star.

"Wish ko lang dumating si Lara rito. I'm out of the country nang magsalita siya ng kung ano-ano against me e," tila naghahamong sabi ni Criselda.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"I really don't know Tonio personally. Ang sabi, lasing na lasing si Lara at kung ano-ano ang pinagsasasabi sa akin. Before, acquaintance kami ni Lara e. Tigilan na sana ni Lara ang paglalasing. I want to see her personally and I'm not afraid to see her dahil wala naman akong masamang pinagsasabi sa kanya," dagdag pa niya.

"Siya siguro ang dapat matakot sa akin dahil kung ano-anong kasinungalingan ang pinagsasabi niya. Sobrang below the belt ang sinasabi niya and kung ano-ano talaga ang mga pinagte-text niya sa mga kaibigan namin. Lahat 'yon ay naka-save, kaya kapag hindi niya ako tinigilan, ilalabas ko lahat ‘yon—pati na ang mga baho niya!" mataray na wika ni Criselda.

Sinabi pa ni Criselda na hindi niya uurungan ang isang Lara Morena kahit anong oras.

Aniya, "Sinabi niya raw na I'm a bitch, whore, had an affair with her boyfriend... Actually, kung ano ang mga pinagsasabi niya sa akin, siya ‘yan e!

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Wala pang taong ipinanganak na katatakutan ko! Kahit presidente ka pa, kung alam kong tama ako, lalaban at lalaban ako!"

Patuloy niya, "Sabi ko sa kanya tutulungan ko siya sa kanyang kaso, tutulungan ko siya. Pero once I find out na she's lying, ‘Magtago ka na!' sabi ko sa kanya.

"The next day I found out, lahat ng sinabi niya sa akin ay kasinungalingan. Kaya tinawagan ko siya, umiinom daw siya ng gamot. Sabi ko, ‘Huwag ka ng uminom ng gamot at alisin mo na iyang benda mo. Kung nasa ospital ka pa, tingnan natin kung totoo yung findings at kung malala, sana ay matuluyan ka na!' Iyon ang sabi ko sa kanya," nagngingitngit na wika pa ni Criselda.

"Patikim pa lang ‘yan, and if I hear anything bad against me na galing sa kanya, marami akong ilalabas na ginawa niya—detalyado! Lahat kasi ng pinagtrabahuhan niya nang nasa Guam pa siya, kaibigan ko 'yon lahat.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

"Basta ang masasabi ko na lang sa kanya, if she wants to say something bad against me, say it in front of my face and not behind me. Because if she'll say it in front of my face, tiyak na nasa burol na siya ngayon at wala siya sa ospital!" galit na pahayag pa ng sexy star.

Ayon pa kay Criselda, hindi siya naghahanap ng publicity dahil hindi naman siya ang nagka-comeback sa pelikula.

"Siya [Lara] ang nagka-comeback, hindi ako," mariin niyang salaysay. "In fact, hindi ko alam na nandito pala siya sa movie [Troika] namin. Kasi naman, kung maliit lang yung role, natural na hindi ko na inaalam kung sino pa yung ibang kasama."

Isa si Criselda sa producer ng pelikulang Troika, directed by Ihman Esturco, na ipalalabas na sa February 14. Isang reporter/researcher ang papel niya rito, na ang setting ay sa isang minahan sa Benguet.

Read Next
Read More Stories About
Criselda Volks, Lara Morena
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Criselda Volks has harsh words for Lara Morena, who accused her of having an affair with Tonio Quiazon
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results