Kasabay ng summer season sa bansa ang pagbabakasyon ng rumored couple na sina Janella Salvador at Klea Pineda sa Coron, Palawan.
Sa Instagram nitong Huwebes, April 9, 2026, ibinahagi ni Janella ang ilang litrato at video mula sa kanilang bakasyon.
Makikita sa post na kasama rin ang anak ni Janella na si Jude, 5, pati ang mga magulang ni Klea.
Read: Janella Salvador hints at real score with Klea Pineda

Kapansin-pansing nag-enjoy ang grupo sa kanilang bakasyon. Ilan sa island activities nila ay scenic motorcycle ride at diving adventure ni Janella. Nagkaroon din sila ng boodle fight sa tabing dagat.
Tila sinorpresa rin ni Klea si Janella ng isang bouquet of red roses and pink daisies.

Bukod dito, makikita rin ang pagsakay ni Klea sa crystal kayak, at tinuturuan pang magsagwan si Jude.

Si Jude ay anak ni Janella sa kanyang dating partner na si Markus Paterson.
Simpleng caption ni Janella sa kanyang IG carousel, "This summer is summering."
Noong April 3, unang nag-post si Klea ng Palawan trip nila ng kanyang pamilya kasama si Janella.
Iyon daw ang summary ng kanyang birthday month. Birthday ni Klea noong March 19, habang si Janella naman ay March 30.
May kuha sina Klea, Janella, at Jude sakay ng yacht.
Meron ding solo photo si Janella na ang caption ni Klea ay "Quiet mornings and breakfast with you will always be my favorite."
May photo rina sina Klea at Janella na naglalakad sa dagat. Sabi ni Klea, "Kasama ka kahit saan magpunta."

Janella bonds with Klea's family
Hindi ito ang unang beses na nakita si Janella at ang anak niyang si Jude kasama ang pamilya ni Klea.
Noong February 10, 2026, ibinahagi ni Klea ang mga larawan mula sa birthday party ng kanyang ina na si Charito Pineda sa isang resort sa Angeles, Pampanga. Present din sa okasyon sina Janella at Jude.
Read: Janella Salvador, son Jude bond with Klea Pineda’s family
JANELLA-KLEA VACATION GATEWAYs
Maging ang pagbabakasyon na magkasama nina Janella at Klea ay hindi na rin bago sa kanilang mga tagahanga.
Noong March 9, 2026, namataan ang dalawa na magkahawak-kamay habang naglalakad sa Mactan-Cebu International Airport.
Read: Janella Salvador, Klea Pineda spotted HHWW at Cebu airport
Noong December 14, 2025, magkasama rin silang nakita sa Los Angeles, California, at noong December 27, naman ay sa La Union.
Read:
- Klea Pineda, Janella Salvador get cozy amid their L.A. vacation
- Netizens buzz over Janella Salvador-Klea Pineda La Union clips
KLEA CALLS JANELLA "MY JANJAN"
Hanggang ngayon ay wala pa ring direktang pag-amin ang dalawa tungkol sa tunay na estado ng kanilang relasyon.
Pero sa birthday post ni Klea para kay Janella noong March 30, 2026, tinawag niyang "aking Janjan" si Janella.
Masuwerte raw si Klea na nakikita niya ang side ni Janella na "mas totoo at di madalas nasisilayan ng iba."
Masuwerte rin daw ang mga minamahal ni Janella kabilang siya.
Sabi pa ni Klea, "Ikaw ang paborito kong tula at paborito kong himig sa mundong ito."
Nagsimulang ma-link sina Janella at Klea matapos nilang pagsamahan ang 2025 Cinemalaya queer film na Open Endings.
Read: Katrice Kierulf, Chezka Carandang finally confirm relationship
