Kasama ulit ang Pilipinas sa 13 countries na binigyan ng visa exemption. `
Lumabas ang balitang ito sa mga Canadian news sites, Canada government sites, at iba't-ibang travel blogs.
Pero may mga itinakdang eligibility criteria.
Una, valid lamang ito sa air travelers.
Ibig sabihin, ang mga papasok sa Canada via other travel modes tulad ng cruise ships o boat, bus, train, at car ay kailangang mag-present ng visitor visa.
Pangalawa, dapat nabigyan na dati ng Canadian visa sa nakalipas na 10 years, o kaya ay nagtataglay ng valid non-immigrant U.S. visa.
Required din ang travelers na magkaroon ng Electronic Travel Authorization (eTA).
Narito ang listahan ng 13 countries na eligible sa visa-free travel sa popular na North American country:
- Antigua and Barbud
- Argentina
- Costa Rica
- Morocco
- Panama
- Philippines
- Kitts and Nevis
- Lucia
- Vincent and the Grenadines
- Seychelles
- Thailand
- Trinidad and Tobago
- Uruguay
Sa tulong ng eTA program na ito, ang travelers ay maaaring manatili sa Canada ng hanggang anim na buwan.
Layunin nitong isulong ang international relations at palakasin ang turismo.
“Introducing visa-free air travel will facilitate faster, easier, and more affordable visits to Canada for up to six months, whether for business or leisure purposes,” pahayag ni Canada Immigration Minister Sean Fraser.
Hindi naman tinukoy kung hanggang kailangan ang validity ng eTA program na ito.
Matatandaang una itong inilunsad noong 2023.

Read: Pulmonologist warns public about “super flu”
Important Details Regarding Visa Requirements for Canada
Tinalakay rin sa FWCanada website ang ilang mahahalagang impormasyon ukol sa Canadian visa.
Mayroong single-entry, kung saan isang beses lamang makakapasok ang isang foreigner sa Canada, at multiple-entry, kung saan puwedeng maglabas-pasok ang foreign national sa Canada hangga’t valid ang hawak na visa.
Puwedeng tumagal ng hanggang anim na buwan ang visitor visa, pero ang final decision ay nasa kamay ng immigration officer.
Puwede namang mabigyan ng super visa ang mga magulang o grandparents kung mayroon silang mga anak o mga apo na naninirahan sa Canada at residents na roon.
Huwag hahayaang ma-expire ang visitor visa dahil puwedeng makaapekto ito sa future immigration requests.
Kung nagsumite naman ng extension application para sa malapit nang mag-expire na visa, maaaring manatili sa Canada sa ilalim ng implied status hanggang sa madesisyunan ang application.
Posibleng i-require ang business visitor visa kapag business travel ang ipinunta sa Canada.
Nilinaw rito na hindi sakop nito ang temporary foreign workers.
Kinakailangan daw ng separate work permit kung direktang papasok sa Canadian labor market.
Read: Cake Studio responds to feedback on Carla Abellana’s wedding cake
