Matatagpuan sa ituktok ng kabundukan ng Maasin City sa Southern Leyte ang replica ng Noah’s Ark.
Nakaposisyon ito base sa ginawang paglalarawan ng Book of Genesis sa Bible tungkol sa pagbaha.
Ang ark ay pag-aari ni Oscar Catajoy, 78, isang retiradong marino na may mahabang karanasan sa paglalayag sa mga karagatan sa buong mundo.

Aniya sa panayam ng Philippine Information Agency (PIA) na nalathala last October 13, 2025, “This project is 12 years in the making.”
Ibinahagi ni Oscar na sinimulan niya ang pagpapatayo ng Noah’s Ark noong 2021.
Binuksan ito sa publiko noong April 3, 2023.
Dinarayo ito ng mga bisita mula sa iba’t ibang lugar, and so far, umabot na sa mahigit 36,000 ang nakabisita sa Noah’s Ark, kabilang ang mga kawani ng PIA Southern Leyte.
Read: What makes this longganisa from Sampaloc, Quezon one of a kind?
NOAH’S ARK PLASTIC REPLICA SPARKS AN INSPIRATION
Nagsimula ang idea ni Oscar na itayo ang arko noong minsang nagbakasyon siya sa Pilipinas taong 2010.
“We had our clean-up in the surroundings of our Church, the United Church of Christ in the Philippines (UCCP).”
Aktibong miyembro siya ng United Church Men (UCM).
Habang naglilinis ng church storeroom, nakakita siya ng plastic replica ng Noah’s Ark, at dinala niya iyon sa UCM office para sa safekeeping.
Pagbabahagi ni Oscar: “I was thinking that someday, if God permits, I will build this boat replica on our land on the mountain in Barangay Hanginan, in a lot owned by my late mother.”
Nagretiro si Oscar sa pagiging marino nang lumaganap ang pandemic.
Noon na rin siya nagkaroon ng pagkakataong maitayo ang pangarap na Noah’s Ark.
Read: Filipina architect Christine Espinosa wins award in Dubai
NOAH’S ARK LOCATION IS A PILGRIMAGE SITE
Ang Barangay Hanginan na pinagtayuan ni Oscar ng Noah’s Ark ay isang malawak na mountainous territory.
Sikat din itong pilgrimage site sa Maasin City.
Ang kanilang patron saint ay si St. Francis Xavier o San Francisco Javier, na pinaniniwalaang ipinagkakaloob ang hiling ng mga taong nagsasakripisyong umakyat para manalangin sa chapel sa bundok.
Ilang dekada ang nakalilipas, ang matarik na lugar na ito ay nararating lang sa matiyagang paglalakad.
May layo itong limang kilometro buhat sa national highway.
Ang Barangay Hanginan ang pinakamataas na lugar sa lungsod.

Sa ngayon ay meron ng concrete road access mula sa Barangay Soro-Soro.
Nakakarating na ang sasakyan malapit sa ituktok at konti na lang ang aakyatin ng mga bisita.
May mga habal-habal namang maaaring arkilahin, lalo na ng mga persons with disability at senior citizens, papuntang chapel.
Kapag naglalakbay sa concrete road access papuntang Barangay Hanginan, makikita sa dakong itaas ang ipinatayo ni Oscar na Noah’s Ark.
Mas maraming pilgrims tuwing Biyernes.
Ang ibang bisita ay dumarayo naman para sa adventure.
Kapag nasa Noah’s Ark, makikita ng mga bisita ang panoramic 360-degree view ng mga kabundukan at karagatang nakapalibot sa structure.
Read: Live to 100? Centenarian says alak and watwat are her secrets
HOW MUCH DID THE CONSTRUCTION of NOAH’S ARK cost?
Ayon kay Oscar, inabot ng PHP10 million ang nagastos niya sa pagpapatayo ng Noah’s Ark.
Kinontrata niya ang 20 trabahador na gumawa rito sa loob ng tatlong taon.
Ang mga bisita naman ay parang nagbabalik sa nakaraan sa pamamagitan ng mga kuwento sa Bible na naka-print sa tarpaulins at naka-display sa barko.
Si Oscar mismo ang nagsasalaysay sa mga bisita ng mga pangyayari sa Bible.
Pagdedetalye niya sa kabuuan ng Noah’s Ark: “The dimension here, according to the Bible, the length is 300 cubits, about 133 meters; the breadth is 50 cubits, about 22 meters; the height 30 cubits, about 13 meters.
“The replica measurement is 27 meters long, 14 meters wide, and 13 meters in height.”

Isinunod niya ang kayarian nito batay sa totoong form and shape ng orihinal na arko.
Mayroon din itong three-level decks.
Ang ibang bahagi ay mas pinaliit kumpara sa orihinal.
Nakaposisyon din ito sa bundok na parang stranded—gaya ng nakasaad sa Old Testament.
Read: Kristine Soguilon’s art exhibit for West Philippine Sea soldiers
NOAH’S ARK INCLUDED IN CITY TOURISM OFFICE’S PROMOTIONAL MATERIALS
Ibinahagi ni City Tourism Officer Atty. Chen Abrea na ang Noah’s Ark ay kasama sa promotional materials ng kanilang tanggapan.
May branding kasi ang Maasin City bilang City of Faith, kaya nakabilang ang naturang site.
Nasa Barangay Hanginan din ang iba pang faith-based attractions gaya ng Mama Mary Shrine, na kitang-kita sa city proper ang giant statue nito.
Naririto rin ang Monte Cueva, isang secluded natural cave na ginawang chapel.
Kabilang din ang daan-taong Maasin Cathedral na nasa public plaza. Kamakailan, idineklara itong National Shrine ng Catholic Bishops' Conference of the Philippines (CBCP).
Read: Life story of Minda Teves: From OFW to farm and resort owner
ACTIONS AND SUGGESTIONS FOR NOAH’S ARK IMPROVEMENT
Ayon kay Atty. Abrea, sa kasalukuyan ay sinisikap na ma-accredit ang Noah’s Ark ng Department of Tourism (DOT).
Ito ay para magkaroon ng sapat na impormasyon ang site sa DOT database, at maging bahagi ng DOT-led promotions.
“There is history behind at the time of Noah. It is one of the best, another site to be visited in Maasin City, so relaxing.”
Kuwento pa niya, ang Barangay Hanginan ay sagana sa dragon fruit na maaaring bilhin ng mga turista.
Inirekomenda rin niyang mag-open si Oscar ng restaurant para may makakainan ang mga bibisita kahit gabi.
Maganda rin kasi ang mga tanawin dito pagsapit ng dilim dahil sa evening lights sa pinakalungsod.

Sa ngayon, limitado lang ang pagmamasid sa kapaligiran tuwing araw.
Refreshments din lang, gaya ng biscuits, soft drinks at coffee, ang maaaring mabili sa second deck ng Noah’s Ark.
Sinabi naman ni Oscar na nasa plano niyang magtayo ng restaurant sa kabilang bahagi ng kalsada sa malapit na hinaharap.
Read: Cows painted with zebra stripes to keep flies away win award
NOAH’S ARK, A SITE FOR PHYSICAL AND SPIRITUAL JOURNEY
Nang matapos ang pagpapatayo ng Noah’s Ark, kasagsagan ng tag-araw ay nagkaroon ng bush fire sa ibaba ng kinatatayuan nito.
Mabuti na lang at hindi nakarating ang sunog sa mismong site.
Ani Oscar, ang insidente ay isang “God’s intervention.”
Nang mabalitaan ni Oscar ang tungkol sa sunog ay nasa kanyang bahay siya sa Barangay Asuncion.
Mula sa city proper, agad siyang sumugod sa Barangay Hanginan at binuhat ang mga laman ng Noah’s Ark.
Ang insidente ay nagsilbi ring isang spiritual dimension sa kamangha-manghang structure ng arko.
Pangarap lang ang Noah’s Ark noon para kay Oscar.
Ngayon ay isa na itong reyalidad na nagkakaloob sa mga bisita ng spiritual journey kahit medyo may kahirapang lakbayin.
Source: Marcelino Pedalino, PIA Southern Leyte
Read: Leatherback sea turtle found dead; preserved for public awareness
