PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Man chooses country to travel to by throwing dart at world map

Yup, he lets a dart decide his travel plans.
by KC Cordero
Published Aug 3, 2025
Photo of Sorin Mihailovici
Malayo, malapit, magastos o mapanganib, kung saan tumama ang dart ni Sorin Mihailovici sa world map, doon siya pupunta. (Photo: Sorin Mihailovici)

Kakaiba ang paraan ni Sorin Mihailovici sa pagpili kung saang bansa siya magta-travel.

Naglalagay siya ng blindfold.

Gamit ang dart, ipupukol niya iyon sa isang world map.

Kung saang bansa tumama ang dart, iyon ang kanyang bibisitahin.

Man throwing dart on world map
Si Sorin Mihailovici habang nagpupukol ng dart sa world map. Photo: Sorin Mihailovici
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Isang small business entrepreneur si Sorin, 48, na tubong Romania.

Sa Canada na siya ngayon namamalagi.

Ayon sa artikulong nalathala sa website ng Fox News last July 27, 2025, sinimulan niya ang ganitong journey noong 2012.

Sinabi kasi niya sa isang kaibigan na gusto niyang gumising isang umaga, maghagis ng dart sa mapa, “and go there."

Read: Google to pay PHP715K to man captured naked by Street View camera

MAN TRAVELS TO 16 COUNTRIES A YEAR

Unang narating ni Sorin ang North Pole, Russia, at Indonesia.

Sa umpisa ay isang bansa kada taon lang ang kanyang binibisita.

Ngayon, umaabot na sa 16 destinations ang kanyang nararating kada taon.

Ang pondong ginagamit niya sa pagbibiyahe ay mula sa kanyang ipon at kita sa sariling kumpanya.

Read: YouTuber converts Fiat Panda into slim, one-seater electric car

MAN’S MOST FAVORITE AND LEAST FAVORITE TRAVEL DESTINATIONS

Hindi sa eksaktong spot kung saan tumama ang dart ang pinupuntahan ni Sorin, sa halip, sa pinakakabisera nito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Paliwanag niya, may mga bansang gaya ng Uruguay na sobrang liit para sa precise targeting—considering na may takip pa ang kanyang mga mata pag nagpukol ng dart.

Pinakapaborito niya sa mga bansang narating ang Iceland, Argentina, at Thailand.

Hindi naman niya nagustuhan ang Madagascar.

Ani Sorin, nagkaroon kasi siya ng misconception sa naturang bansa dahil sa animated movie of the same title, na nagbahagi nito at nagsalarawan na ang mga naninirahan doon "didn’t have the best intentions."

Pinuri naman niya ang Vietnam dahil masasarap ang pagkain.

Sa Vietnam din umano siya nakatikim ng pinakamasarap na street food.

Ito rin ang bansang pinakakonti ang kanyang nagastos dahil mura ang travel expenses.

Magastos naman, aniya, ang paglipad niya sa Norway, Sweden, Switzerland, at Maldives.

Read: Japan recalls China-made toy guns that can fire real bullets

MAN PRODUCES SHOW FROM HIS TRAVELS

Nang lumaganap ang pandemic at hindi makapag-travel, nagsimulang gumawa si Sorin ng videos na kuha sa kanyang travels.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Noong una ay ini-upload niya ang mga videos sa Internet para i-promote.

Ibinenta niya ang concept sa isang distribution company.

Sa dami ng kanyang videos, nakagawa siya ng isang season na may 13 episodes.

Ani Sorin: "Most of the time it’s just me on location.

“I hire a local videographer, film and create episodes for YouTube.

“Over the years, I’ve started doing a show for Amazon Prime."

Read: Teen turns mom's Christmas gift into PHP1M-monthly business

MAN TRAVELS TO PLACES HIT BY DART NO MATTER WHAT

Sa kabila ng kakaibang paraan ni Sorin ng pagta-travel, hindi umano siya natatakot magpunta kahit sa mga bansang medyo delikado kung iyon ang natumbok ng dart.

Kamakailan ay nakarating siya sa Iraq.

Maraming kakilala ang nagsabing para siyang nasisiraan ng bait.

In fact, sa Iraq, hindi lang isa kundi dalawang lugar ang nakarating niya: Baghdad at sa Babylon.

Inamin niyang nakaramdam siya ng kaunting takot.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Pero dapat sundin kung ano ang inihimatong ng dart na kanyang ipinukol sa mapa.

Read: Owner fails to find wallet after it blends with tile pattern

MAN HAS ALREADY TRAVELLED TO 60 COUNTRIES, AND COUNTING

Umaasa si Sorin na madadagdagan pa ang nasa kanyang travel list.

Sa kasalukuyan, sa pamamagitan ng dart na ipinukol sa mapa ay nakarating na siya sa 60 countries.

Nasa bucket list niya ang Australia at Spain, na mahirap daw amaan ng dart.

Ngayong August, sisikapin niyang matudla na ang mga ito.

Ibinahagi rin ni Sorin na dahil nakikilala na siya, may mga pagkakataong nag-o-offer ang mga hotels na tinutuluyan ng exchange deal para maitampok sila sa kanyang show.

Read: Why is there a giant rock inside this shopping center?

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Malayo, malapit, magastos o mapanganib, kung saan tumama ang dart ni Sorin Mihailovici sa world map, doon siya pupunta. (Photo: Sorin Mihailovici)
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results