Sinimulan na ng Air Canada ang direct “non-stop” flights nito mula Vancouver, Canada patungong Manila, Philippines at vice versa.
Magkakaroon ng biyahe mula Vancouver patungong Manila tatlong beses kada linggo ngayong buwan. Nag-umpisa ito nito lamang Abril 3, 2025.
Pagsapit ng Mayo, gagawing apat na beses ang Vancouver-to-Manila flights, ulat ng OMNI Philippines.
“You can find our prices are very competitive,” ani Timothy Liu, Air Canada managing director, sales planning, and effectiveness.
Tiniyak din niyang magkakaroon ng Filipino flight attendants at Filipino dishes sa biyahe para maging maganda ang flight experience ng Pinoy passengers.
Read: Simple living "in the middle of nowhere" in Camarines Sur
ADDITIONAL OPTION FOR PINOYS IN CANADA
Natuwa naman ang Philippine Embassy in Canada dahil karagdagang option daw ito para sa mga Filipinos na bumibiyahe patungong Canada at vice versa.
Samantala, ang mga bagong direct flights ay bahagi ng expansion moves ng Air Canada sa apat na key destinations—Pilipinas, France, Australia, at United Arab Emirates.
