Ramdam ang excitement ng mag-asawang Dingdong Dantes at Marian Rivera sa bago nilang endorsement na kasama pa ang mga anak na sina Zia at Ziggy Dantes.
Nitong nakaraang linggo, pormal na ipinakilala sa press ang A-list couple ng New Way of Work—NWOW, isang electric vehicle company—bilang kanilang unang brand ambassadors.
Ang produktong ini-endorso ng DongYan ay ang EMC Golf, isang pampamilyang electric vehicle.

Sakto daw kasi sa kanilang apat ang isang model nito, na tiyak magagamit sa pag-travel sa malalapit na lugar sa pag-create ng family memories.
Kuwento ni Dingdong, “Kaya kami na-excite sa partnership na ito. It's to build more memories with our family.
“Sa pamamagitan ng bagong vehicle na ito, nakakapunta kami sa mga malalapit na lugar sa aming barangay.
“Malaking bagay na nagagawa namin siya nang magkakasama.”
Ayon naman kay Marian, “Very excited kami. Actually, nung prinesent sa amin ito, parang sabi namin, ‘Patingin.’
“Tapos nakita namin yung ganito, parang, 'Wow, kasya kaming apat.’
“Kasi gusto namin talaga, palagi kami nagba-bonding.
“So, siguro magki-create pa kami ng maraming memories na kasama yung mga anak namin.”
Sa launching nila as endorsers ay naganap din ang contract signing sa Novotel Hotel, Cubao, Quezon City.

Perfect naman para sa kumpanya ang pagkapili nila sa Dantes family bilang ambassadors ng kanilang produkto.
Ayon kay Julius Santos, brand manager ng NWOW: “Ito na yung sagot, which is EMC (golf).
“Ilan ba yung capacity niyan? Which is, ano ba yung tagline namin?
“Maging close yung family...pag magkakasama kayo, nagda-drive, mas makakabuo kayo ng moments.”

Gawang Pilipino ang NWOW kaya rekomendado niya ito para sa pamilyang Pinoy.
At makakatulong pa ito sa kalikasan.
Dagdag ni Santos, “One of our points here, or keys, is pinapangalagaan natin yung Earth.
“Even the President, ang usapin niyan is climate change.
“So, sa mga vehicle natin ngayon, dapat talaga is electric ang gagamitin.
"Kung mapapansin n'yo, daanan tayo ng kalamidad. So why not take this opportunity?
“Kung dito lang naman sa city, mas maganda pang gamitin yan.”
Mensahe naman ni Marian sa lahat, “Sa pagtanggap ng ating Bagong Taon, gumawa tayo ng mas maraming memories kasama ang ating pamilya.”
