"You shouldn’t post your travel photos on social media too much."
Kadalasa, ito ang payo sa mga nag-o-overshare sa kani-kanilang feeds.
Minsan, nagiging komento ito ng ibang netizens sa post naman ng iba.
May dalawang schools of thoughts tungkol dito: una, naiinggit ang nag-comment; ikalawa, puwedeng out of concern ito para sa security ng nag-post.
Anuman ang dahilan, hindi ito pinansin ni John Steven Soriano, mas kilala bilang Nurse Even.
Isa siyang licensed nurse na nagtatrabaho sa United Kingdom.
Vlogger din siya, at aniya ay nagpo-produce ng content para magpasaya ng mga tao.

Read also: "Yun na yun?!" Relatable memes dealing with Holy Week vacation
Last April 9, 2023, binasag ni Nurse Even ang mga netizens na naniniwalang hindi dapat mag-post ng travel photos.
Nagbahagi siya sa kanyang Facebook at Instagram accounts ng mga larawan niya habang namamasyal sa Barcelona, Spain.
Nilagyan niya ito ng caption na (published as is), “You shouldn’t post your travel photos on social media too much.
“AY HINDEEEE! Halos ikamatay ko ang pag-aaral ng IELTS at OET para makapagpaandar sa social media, tapos pipigilan mo lang ako?
“Buklatin mo yang English reviewer mo jan, GEW!”

Read also: Tara na sa Mapanuepe Lake, ang “New Zealand ng Zambales”
Wala siyang binanggit kung sino ang pinatutungkulan niya sa caption.
Ang IELTS o “International English Language Testing System” ay ang world's most popular English language proficiency test para sa higher education and global migration.
Pinagtitiwalaan ang IELTS ng 11,500 educational institutions, employers, governments, and professional bodies sa buong mundo.
Ginagamit ang IELTS ng mga pamahalaan ng Australia, Canada, New Zealand, at ng United Kingdom sa pagpoproseso ng immigration applications.
Read also: Lansad Farm sa Apayao, dinarayo dahil sa sobrang sarap na strawberry
Ang OET naman o “Occupational English Test” ay isang international English language exam na specifically designed for healthcare professionals.
Ina-assess ng OET ang English reading, listening, writing, and speaking proficiency ng isang indibidwal.
At kung parehong nalusutan ni Nurse Even ang mga pagsusulit na ito, maging ang iba pang proseso para makapagtrabaho siya sa UK, deserve niya ang mag-celebrate sa alinmang paraan dahil pinaghirapan niya ito.
Aniya, “Hirap-hirap mag-apply ng visa tapos ilo-low key ko lang ang mga travels ko? Ano ito??! EME HAHAHAHA!”
Read also: Pinay nilibot 82 provinces sa Pilipinas; PHP500K ang total expenses
netizens react
Naaliw naman ang netizens sa post ni Nurse Even.
Ayon sa isang nagkomento, “Post lang nang post. You deserve to travel and have time for yourself. Enjoy life to the fullest.”
Pagsang-ayon ng isa pa, “Walang pakialaman sa mga travel photos, di ba?
“Hirap kayang magtrabaho sa nosebleed country, chars!
“Pag inggit, pikit na lang!”
May mga naka-relate din sa kanya sa pagkuha ng IELTS at OTE.
“True, deserve mo yan, Nurse Even.
“Ako nga, nagbalik-loob sa hospital dahil inspired ako at natuto rin sa mga vlogs at posts mo.
“Para makapag-travel din at step up career sa field of nursing lalo na sa abroad. Comfortable lifestyle din sa future.”

May pumuri rin sa kanyang mga shots na para raw talagang travel documentary, at maging sa kanyang OOTDs.
Ang post ni Nurse Even ay nakakuha na ng 76K reactions, 3K comments, at 4.4K shares.
Naghatid din ito ng mensahe sa netizens na hindi dapat basta magpaapekto sa sasabihin ng iba, at hindi rin dapat i-judge ang tao dahil lang sa post niya.
Ika nga ng isang sikat na kanta ni Bon Jovi: "I just want to live while I'm alive...It's my life."
