Matatagpuan sa Apayao ang isang strawberry farm na pag-aari ng pamilya ni Jhon Ray Lustre, isang local farmer.
Ito ang Lansad Farm na nasa paanan ng bundok sa maberdeng lambak ng Tanglagan, Calanasan.
Ang pagtatanim ng strawberry sa Lansad Farm ay isang experimental project katuwang ang Provincial Government sa pamamagitan ng Office of the Agricultural Services (OAS).

Read also: Meet Tatay Danilo: from encyclopedia vendor to “hari ng pares”
Ang proyekto ay panibagong dagdag sa local agricultural landscape ng Apayao matapos ma-produce ang kauna-unahang home-grown strawberries sa nasabing probinsya.
Brainchild naman ito ni Jhon Ray.
Pagbabahagi niya sa panayam ng PIO Apayao last March 10, 2023, “Nagsimula ang agri-business na ito noong August 2021.
“Noon, nagtatanim lang kami ng carrots at repolyo.
“Dahil sa suggestion ng provincial local government unit, nagdesisyon kaming subukan ang strawberry farming.”
Na-curious umano siya sa technology. “Nakakatuwa naman na maganda ang naging resulta.”

Read also: Couple naglunsad ng donation drive para sa mga napapabayaang hayop sa Negros Oriental zoo
Kuwento pa ni Jhon Ray, nagdesisyon siyang magtanim ng bagong crop na hindi pa nasubukang naitanim o napagtagumpayang itanim sa kanilang lugar.
Gusto rin niyang makapaghatid sa kanilang local community ng bago at exciting na produkto na magkakaloob ng sustainable source of income para sa kanyang pamilya.
Hindi naman naging madali para kay Jhon Ray ang kanyang naging journey bilang isang strawberry farmer.
Pinag-aralan niyang mabuti ang pagtatanim ng strawberry, mula sa paghahanda ng lupang pagtataniman, kung paano ang tamang pagtatanim, at maging kung paano aanihin.

Read also: Largest “wearable cake wedding dress” pasok sa Guinness World Records
Naglaan din siya ng mahahabang oras para mag-attend ng workshops tungkol sa strawberry production.
Humingi rin siya ng payo mula sa mga experts sa kanilang OAS, at maging sa mas may karanasan na mga magsasaka sa kanilang komunidad.
Sa kabila ng mga pagsubok, nagtiyaga ang kanyang pamilya—hanggang sa sumigla ang mga tanim nila at mamunga.
Noong 2022, naranasan nilang mapitas ang kauna-unahang bunga ng kanilang strawberries na sobrang juicy at napakapupula.
Ani Jhon Ray, “Simula noong July last year, nakapagsimula na kaming makapag-ani ng strawberries.
“Sana buong taon ang pamumunga para mapalawak pa namin ang aming farm.
“Sa ngayon ay kalahating ektarya pa lang ito. Sana maging dalawang ektarya.”
Idinagdag din niya na sikat na sikat ang strawberries sa kanilang probinsya.

Read also: “World’s largest flower” muling bumuka sa Antique
Naging commitment din ni Jhon Ray ang sustainable farming.
Gumagamit siya ng organic methods para mapalago ang kanyang strawberries.
Iniiwasan din niyang gumamit ng matatapang na pesticides at artipisyal na abono.
Dahil sa kanyang advocacy, tinuturuan ni Jhon Ray ang ibang local farmers tungkol sa importansya ng sustainable farming.
Nang tanungin kung ano pa ang kanyang plano para sa kanyang strawberry farm, ani Jhon Ray, "Gusto ko itong buksan sa mga tao.
“Sana maging agri-tourism destination din dito sa aming probinsya.
“Gusto ko ring maranasan ng aming komunidad at ng ibang tao kung gaano kasaya ang pagtatanim.”
Dagdag pa niya, “Gusto ko ring ma-encourage ang mga kabataang nagnenegosyo na ma-duplicate ang aming mga pamamaraan.
“Hindi lang kasi ito tungkol sa kikitain. Gusto kong malaman nila na may future sa farming."

Sa ngayon, ang Lansad Farm ay naging popular destination ng mga pamilya at foodies na bukod sa gustong matikman ang strawberry ay nais ding masilayan ang ganda ng lugar.
Mayroon na ito ngayong loyal customer base.
Sikat na rin ito sa social media, at nagse-share ng mga larawan nito ang mga nagiging bisita.
Kasama naman sa plano ni Jhon Ray ang pagtatanim ng mga punong namumunga, at iba pang gulay.
