Hindi na kailangan mag-abroad para ma-experience ang flower fields ng Amsterdam.
Mayroon din kasing ganito sa Cebu City!
Tara sa Sirao Garden, na kasing ganda ng Amsterdam pero di kasing mahal puntahan.
Di nakapagtatakang binansagan itong "Little Amsterdam."
Sirao Garden, dinarayo
Matatawag na isang flower haven ang Sirao Garden dahil sa dami ng bulaklak at iba pang nakakamanghang mga tanawin nito.
Picture perfect at Instagram worthy ang bawat sulok ng patok na pasyalang ito, ayon sa report ni Victoria Tulad ng Dapat Alam Mo!
Mahigit 100 species ng mga halaman at bulaklak na galing pa sa ibang bansa ang nagpatingkad ng buong paligid.
Mayroon ding mga windmills at stone structures, tulad ng giant caring hands.

Also Read:
- "Floating sari-sari store" patok sa mga turista sa Negros Oriental
- No vendors allowed! Mga nagtitinda sa Virgin Island sa Bohol, tuluyan nang ipinagbawal
- Meet Kach Umandap, dating OFW na nakalibot na sa 173 countries sa edad 33
ACCIDENTAL TOURIST ATTRACTION
Kuwento ng may-ari ng Sirao Garden na si Elena Sy Chua, hindi sinasadya ang pagiging tourist attraction ng lugar.
Ang unang plano nila rito ay isang retirement home para sa kanilang pamilya.
Ngunit nagbago ang lahat nang mag-viral ang mga tanim na Celosia ng kanilang mga caretakers para sana pagkakakitaan sa panahon ng undas.
Simula noon, nagsimulang ma-curious at dumayo ang mga tao sa kanilang lugar at binansagan nila itong “Little Amsterdam.”
Taong 2017, tuluyan nang nagdesisyon ang pamilya na gawin na lamang flower garden ang kanilang property at buksan ito sa publiko.
May mga imported ding halaman na kinawiwilihan ng mga dumarayo.
Dating flight attendant si Elena at naisipan niyang mag-uwi ng binhi ng mga halaman galing sa ibang bansa upang itanim dito.
“I was still flying, so bumibili ako ng mga imported seeds outside.
“Nauna yung Celosia flowers then we have this pink queen, then the sunflowers, which I got it from Vancouver.”

Bagamat may kalayuan sa siyudad ang Sirao Garden, marami ang turistang hindi pinapalampas ang nakabibighaning mga tanawin.
Kasabay ng pag-usbong ng kanilang makukulay na mga halaman ay ang patuloy na pagbuhos ng mga bisita mula sa iba’t ibang lugar.
At masaya si Elena na bahagi ang Sirao Garden sa muling pagsigla ng turismo sa Cebu City.
“I’m so overwhelmed and I’m so happy na na-a-appreciate ng mga Filipinos, ‘cause makikita mo sa mga mukha nila when they go around they will say na, ‘Ay, para tayong nasa labas!’”