Proud si Gelli de Belen na lumaking independent ang dalawa nilang anak ni Ariel Rivera.
Ang panganay niyang si Joaqui ay 26 taong gulang, habang ang pangalawang anak nila na si Julia ay edad 24.
Parehong sa Canada nag-aral ang mga ito.
“Ang natapos, si Julio. Si Joaqui next year. So early next year, tapos na siya so yohoo,” masayang pagbabalita ni Gelli.
Kinesiology ang kurso ni Julio, habang Physics naman ang kay Joaqui.
Alam daw ni Gelli na importante ang suporta nila ni Ariel sa pag-aaral ng kanilang anak.
At kahit na nasa ibang bansa ang mga ito ay nag-e-effort silang mag-asawa na lagi silang makausap.
Ano ang advice na lagi niyang binibigay kina Julio at Joaqui?
“Kung wala man kami dun physically, andudun kami palagi, nagpapaalala, nagsasabi na, 'O, this is what you need to do. Always remember na you only have one life.
"Kung nahihirapan man kayo ngayon, okay lang iyan, nag-aaral kayo, mahirap, ganyan talaga ang buhay. It won’t get any easier so might as well just face the music.
"Pagbutihin niyo na iyan kasi you only have one life to live."
Read: Gelli de Belen's son Julio earns master's degree in Kinesiology
GELLI DE BELEN ON SPENDING TIME WITH DAD
Samantala, walang kapantay na presyo ang regalo ni Gelli de Belen sa kanyang ama.
Ang ama ni Gelli ay nagdiwang ng ika-77 kaarawan noong August 18, 2025.
Nang tanungin kung anong iniregalo sa ama, ang mabilis na sagot ng aktres, "The best gift would be to be a good person na pinalaki niya."
Dagdag pa ng aktres, nais niyang magbigay ng oras sa kanyang Daddy Philip.
“Next would be to be with him all the time, anytime, every time he needs me or even pag hindi niya ako kailangan.
"Minsan nga napapagod na siya sa akin kasi Dada raw kami ni Janice nang Dada sa kanya."
Ang tinukoy niyang Janice ay ang nakakatandang kapatid na si Janice de Belen.
Read: Meet Gelli de Belen and Ariel Rivera’s sons Joaquin and Julio
ON HONORING HER PARENTS
Dahil sa pinagbidahan niyang pelikula na Outside de Familia, napaisip din si Gelli tungkol sa karanasan niya bilang anak.
Pag-amin niya, may mga pagkakataong may pagkukulang siya sa kanyang mga magulang.
“I’m grateful that I was able to make up for whatever pagkukulang with my parents, with my mom.
"My mom has passed since 2016. Alam kong hindi naman ako nagkulang in any way.
"But still, kahit anong sabihin natin, di ba, parang ang magulang ay magulang.
"It’s not that we are obligated to give back, it’s what is just right for our family,” pahayag niya.