Iba ang dalang kaligayahan ng pagiging ama kay Tom Rodriguez ngayong unti-unti nang lumalaki ang kanyang anak na si Korben.
Sa pamamagitan ng Instagram nitong Lunes, May 19, 2025, muling nagbahagi ng short video si Tom kung saan naglalaro ang anak.
Kita ang ganda ng kulay ng balat ni Baby Korben pati na ang blonde hair nito.

Sa unang bahagi ng caption ni Tom, gumawa siya ng isang tula para sa nine-month old na anak.
Nakasulat dito: "Never knew love could be so small
"Ten tiny fingers say it all
"My whole world wrapped in cotton white
"Learning how to love at first sight"
Sa mensahe ni Tom, sinabi nitong naghahatid ng magic ang anak sa araw-araw na pamumuhay nila.
Ang mga tawa raw nito ay nagbibigay ng saya sa kanilang mga puso.
"Every day with you has been a quiet kind of magic, my son.
"Your laughter fills our home, your wonder fills our hearts, and your presence—however small—has made our world infinitely bigger.
"Your momma and I still catch each other smiling and asking, how did we ever get this lucky?
"And we mean it, every single time," mensahe ni Tom.
View this post on Instagram
Read: Tom Rodriguez reveals relationship status: "I am seeing someone."
TOM RODRIGUEZ'S BIG REVELATION
Noong November 2024, masayang inamin ng Kapuso actor na mayroon na siyang "four months old" son.
Noong panahong iyon, ayaw i-deny ni Tom ang kanyang anak.
Ayon sa ulat ng PEP Troika, ayaw raw ng aktor na dumating ang panahon na pag lumaki na ang anak niya at nag-Google ito, mababasa na itinanggi siya ng ama.
Saad ni Tom: “I wouldn’t want that for me as well. So I wouldn’t want him growing up na yun din ang mararamdaman niya.
“I’m very proud, I’m very happy… I learned now, biggest learnings from the past few years of my life, that you really have to ano...
“I love to work, I’m very thankful for it, and I love the industry. Pero you do need now the reason. Para sa kanya din yun.
“It’s something I wanna pass down to him. I wanna teach him to have proper boundaries between your main life and your professional life.”
Read: Tom Rodriguez, inamin ang pagkakaroon ng four-month-old baby boy
