“Father of the Year” ang tawag ngayon ng netizens kay Mark Zuckerberg, ang founder and CEO ng Meta, ang kumpanyang may-ari ng Facebook.
Nitong October 16, 2024, nag-post si Mark ng video sa Instagram kung saan makikitang maingat niyang nilalagyan ng nail polish ang mga kuko ng isa niyang anak na batang babae gamit ang makukulay na nail paints and sparkles.
Read: Empleyadong nag-relocate sa Canada para mag-work sa Meta, nasibak after 2 days

Read: Pinay teenager, kahanay nina Bill Gates, Mark Zuckerberg sa 7 Famous Computer Programmers
Matapos makulayan ang mga kuko, maririnig si Mark na napabulalas ng, "I crushed it."
Agreen naman ang karamihan sa mga netizens, na ilan sa kanila ay napansin ang potential niya bilang "manicurist."
Tatlo ang anak na babae ni Mark sa kanyang misis na si Priscilla Chan—sina August, Maxima at Aurelia.
Samantala, ang bonding moment ng mag-ama ay nagmistulang soft launch din ng Quest 3S, ang bagong produkto ng Meta na mixed-reality headset.
Nilagyan niya ang post ng caption na (published as is): “Leveling up dad skills with multiple screens on Quest 3S.”
Read: Pokwang wants to personally complain to Mark Zuckerberg over fake Facebook accounts
NETIZENS AMUSED BY MARK ZUCKERBERG'S BONDING MOMENT WITH DAUGHTER
Ang Instagram video ni Mark at ng kanyang daughter ay agad nag-viral.
Sa kasalukuyan, mayroon na itong 23,500 likes, 1,555 comments, at halos 700,000 views.
Komento ng isang Instagram user, "Bruh went from CEO to stylists for his daughter upgrade."
Marami ring naaliw sa bonding ng mag-ama.
Biro ng isa, kaya pala na-develop ni Mark ang Quest 3S ay para gamitin sa paglalagay ng nail polish sa mga kuko ng daughter niya.
Read: Jojowain o totropahin? Meet Mark Mateschitz, Europe’s wealthiest millennial
META CEO USES IG VIDEO AS ADVERTISEMENT
Inilunsad ng Meta ang bagong Quest 3S virtual reality headset sa US noong September 25.
Ang retail price ng gadget ay US$299.99 o PHP17,322.62 para sa 128 gigabyte version; PHP23,097.02 naman para sa 256 gigabyte version.
Read: Facebook is 20 years old today! How did it change your life?

Read: 1776 Continental coin found in tin can sold for PHP1.8M
Paglalarawan ng Meta website sa Quest 3S virtual reality headset: "From watching your favourite TV shows on a cinema-sized screen to your own personal trainer that you can take with you anywhere you go, plus multitasking capabilities, gaming and more, there's no better mixed reality device on the market at this price."
Siyempre, ilang netizens ang hindi napigilang maglabas ng kanilang hinaing tungkol sa "censorship" at "stealing of data" ng mga platforms na nasa ilalim ng kumpanya ni Mark.
But generally, positive ang reactions ng kanyang followers.
Read: How housemates with 51-year age gap get along: “We never argue.”
