Maraming netizens ang natutuwa sa mga social-media posts ni Juancho Trivino tungkol sa kanyang pamilya.
Makikitang priority ng Kapuso actor ang pagiging present sa lahat ng importanteng ganap ng kanyang asawa na si Joyce Pring at ng kanilang dalawang anak na sina Alonso Eliam at Agnes Eleanor.

Para sa aktor, pumapangalawa ang kanyang showbiz career sa kanyang hierarchy of priorities.
Aniya, "Ito na yung gusto ko, to be with my family. Gusto ko makita yung paglaki at pagiging successful ng mga anak ko," pahayag ni Juancho nang humarap siya sa mediacon para sa third anniversary ng Regal Studio Presents.
Pagbibidahan ni Juancho ang episode na "Somebody That I Used To Know" kasama si Arra San Agustin.
Pagpapatuloy pa niya, "Show business is just a small part of my life, but it's a big part of my journey kung nasaan ako ngayon.
"Pero in terms of my life, I have my kids, my wife, my life. That is more important."

juancho trivino's family moments with wife joyce pring and kids
In-e-enjoy ni Juancho ang mga pagkakataong kaya niyang ipasyal ang kanyang pamilya sa iba't ibang lugar dito at sa labas ng bansa.
Noong August 2024, nagbakasyon sila sa Australia kunsaan um-attend sila ng isang wedding.

Nag-participate din ang kanyang asawang si Joyce sa Sydney Half Marathon.

Nitong nakaraang weekend naman ay nasa isang beach resort sa Zambales ang Trivino family.
Dito ay nagawang i-recreate nina Juancho and Joyce ang photos nila na kuha in 2019 noong pareho pa silang segment hosts sa GMA morning show na Unang Hirit.

Ngayon at limang taon na siyang kasal with two kids, nasabi ni Juancho sa kanyang interview sa Kapuso Profiles na ang pagiging asawa at magulang ay walang "off switch" at walang day off.
Aniya, “Sabi nga nila when we were getting prepared for yung ito, yung marriage and parenthood, ito yung trabaho na no days off. Being a husband, walang off switch iyan, saka being a parent also.
"And nakaka-pressure siya in a sense na we are responsible for a soul that we’re going to mold from the very beginning, di ba?
"So it’s a very big responsibility to have because, siyempre, makikita mo kung papaano namin siya pinalaki, kung in a negative way or a positive way.
"Obviously, there are no perfect ways, but yun nga, yung pressure na pinag-uusapan ko is just a lot and it’s exciting also."
Ayon kay Juancho, kumpara sa mga roles niya sa mga teleserye, ang pagiging parent ay ang biggest role na kanyang nagampanan.
"Papaano pinaghahandaan yun? A lot of prayers. No matter how many books we read, minsan, di ba, iba pa rin kapag nandiyan na.
"Yes, we do our part. We read our books pa rin. We attend a lot of parenting classes sa ngayon.
"And we make sure that our marriage is strong, because isa rin yun sa makikita ng anak namin, kung papaano namin mahalin ang isa’t isa.
"I think, in general, it’s a lot of having an open mind and the willingness to change over time. That’s going to be important for us in the future.”
juancho trivino on playing supporting roles
Matapos ang mahusay na pagganap ni Juancho bilang Padre Salvi sa historical drama series na Maria Clara At Ibarra noong 2022, marami ang nag-expect na mabibigyan siya ng mas malalaking roles.
Pero supporting roles pa rin ang binibigay sa kanya, tulad ng kasalukuyang role niya sa GMA Prime teleserye na Widows' War.
Hindi naman ito issue para kay Juancho.
Paliwanag niya, "Playing Padre Salvi, every day sa set ng Maria Clara At Ibarra, we were always on our toes because of how difficult it was.
"Iyan yung gusto namin, natsa-challenge kami as artists. Parang ako, 12 years na ako sa industry, we've seen similarities and differences sa mga ginagawa namin.
"Kung ano man mangyari sa career ko, kung ano maging resulta niyan, siyempre ang Diyos na makapagsabi niyan. Wala akong magiging control diyan whatsoever.
"Tingnan na lang natin kung saan tayo papunta.
"Whatever works, di ba? Kung ano yung ibigay sa akin, gagawin ko.
"Pero yung expectations ng ibang tao, we can't just put an expectation sa lahat. Dapat yung ideal path.
"For me, I have my own life and I have my craft that I want to focus on. Hindi naman nagiging hadlang ang personal life.
"My work will speak for itself. Kung ano yung ibigay nila, pag-aralan ko, pag-huhusayan ko, that's what I will focus on."
