Nag-viral ang isang short video na ini-upload ng X (formerly Twitter) user na si Abhishek last August 18, 2024.
Si Abhishek ay isang Indian researcher and journalist.
Ang video ay kuha ng isang smartphone shop owner sa India.
Tampok doon ang isang teener na lalaki na nagsabing nag-hunger strike siya sa loob ng tatlong araw para kumbinsihin ang kanyang ina na bilhan siya ng bagong iPhone.
Nakapanayam mismo ni Abhishek ang mag-ina na hindi na tinukoy ang mga pangalan.
Hindi na rin binanggit kung anong model ng iPhone ang gusto ng teener.

Ayon sa nanay ng teener, mahirap lang sila at nagtitinda lang siya ng mga bulaklak sa labas ng temple para may maipambili ng kanilang mga pangangailangan.
Habang nagsasalita ay kitang-kita sa kanyang mukha ang pagiging helpless niya sa sitwasyon lalo pa't mas prayoridad ng kanyang anak ang iPhone.
Pagbabahagi ng ina, "I sell flowers outside a temple, and my son hasn't eaten anything in three days because he wanted an iPhone for himself."
Pumayag na umano siya sa gusto ng anak at ipinambili ang naipon niyang pera para sa kapritso nito.
Read: Soldier becomes influencer amidst chaos of war
ANAK DAPAT BAYARAN ANG INA SA IPINABILI NG IPHONE
Gayunpaman, kahit pinagbigyan ng ina ang anak sa gusto nito, sinabihan niya ito na dapat magtrabaho, pag-ipunan kung magkano ang ibinayad nila sa iPhone at kapag nakaipon na ay dapat siya nitong bayaran.
Masaya umano siya para sa anak dahil mayroon na ito ng gustong gadget, pero, “I want him to earn and bring back the money."
Sa video ay makikita ang malaking ngiti ng teener habang hawak-hawak ang perang pambili sa gadget.
Matapos iabot ng smartphone shop owner ang unit kay Abhishek, ibinigay iyon ng journalist sa teener.
Ang journalist na rin ang nag-abot ng bayad sa smartphone shop owner.
Binuksan na ng teener ang kahon ng iPhone, at binigyan pa ito ng smartphone shop owner ng libreng earphones.
Read: Woman wins lotto; big brother demands half of her prize
NETIZENS NAAWA SA INA NG TEENER
Matapos i-share ni Abhishek ang video, nakakuha ito ng 3.1M views, 2.3K comments, 15K reactions, at 4.9K shares.
Naging mitsa rin iyon ng talakayan ng netizens kung paanong ang mga gadgets sa panahon ngayon ay naging status symbol at entitlement ng mga kabataan.
Pinuna rin ng netizens ang pag-uugali ng teener sa ina nito.
Gumamit umano ang teener ng emotional blackmail mapahinuhod lang ang ina.
Anila, kitang-kita sa expression ng ina ang financial and emotional torture na ginawa rito ng anak.

Masyado rin umanong insensitive ang teener na alam namang maliit ang kita ng kanyang ina bilang isang flower vendor, pero nagpilit pa ring magpabili rito ng iPhone.
Kaya naman ang caption ni Abhishek sa video, published as is: “This video is saddening.
“This boy’s mother sells flowers outside a temple.
“He insisted on buying an iPhone and went on a hunger strike for 3 days.
“In the end, the mother gave up and bought him an iPhone with her hard-earned money.
“Her expression says a lot.”

Komento ng isang netizen, “Spending this much money on a phone when you don’t work, while your mother toiled hard by selling flowers, doesn’t make any sense.”
Sambit ng isa pa, “His mother gave up because he went on a hunger strike. I don’t know what to say. This video broke my heart.”
May nagsabi ring kahiya-hiya ang inasal ng teener.
Dapat umanong sinampal ito ng tsinelas sa halip na bigyan ng perang pambili ng gadget.
Dagdag pa ng nagkomento, “This selfish bugger will not hesitate to sell his own parents for his greed.”
Marami rin ang naawa sa ina ng teener.
Sumbat ng isang netizen sa teener, “He doesn't even realize how much hard work his mom put in to make that much money.”
Pagsusuma naman ng isa pa sa sitwasyon, “Parents like her deserve respect and gratitude.
“Children like this with no sense of responsibility or respect, often grow up to abandon their parents in old age homes when they're no longer useful to them.”
Read: Groom learns bride is 25 years older than him on eve of wedding
