PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

JC Santos enjoys daddy duties in between work commitments

"Sobrang blessed na matalino ang anak ko, sobrang lambing niya."
by Melba R. Llanera
Published Aug 2, 2024
JC Santos with daughter River and wife Shy
JC Santos emphasizes that effective time management is crucial to ensuring he always has time for his wife Shy and daughter River.
PHOTO/S: @j.c.santos Instagram

Kuntento si JC Santos sa kanyang buhay-pamilya.

ikinasal siya noong September 2019 sa non-showbiz girlfriend na si Shyleena Herrera, na ang palayaw ay Shy.

Ang anak nilang si River ay apat na taong gulang.

Read: JC Santos speaks about how he married the woman who turned him down in high school

"Masaya, lagi akong excited umuwi, and I'm always inspired with my work," kuwento ni JC na proud family man.

"Mas challenging kasi di na sarili mo lang ang iniisip mo, mas marami na akong roles sa buhay.

"Bukod sa pagiging artista, I'm a husband, I'm a father, and I'm also a friend.

"Nadagdagan lang yung responsibility, but it's time management."

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si JC sa 40th Star Awards for Movies na ginanap sa Henry Lee Irwin Theater noong July 21, 2024.

Nitong July 30, nagbahagi si JC ng post sa Instagram ng mga larawang kuha sa bakasyon niya sa El Nido, Palawan, kasama ang pamilya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Malinaw na na-enjoy niya ang bonding moments nila ng kanyang misis na si Shy at anak na si River.

"Sobrang blessed na matalino ang anak ko, sobrang lambing niya," saad ni JC patungkol kay River.

Dagdag niya, "Excited ako magkaanak tapos kung paano yung gusto ko sa anak, heto siya."

Tinanong din ng PEP si JC kung papayagan niya kaya si River kung sa paglaki nito ay magdesisyon itong pasukin ang showbiz.

"Hindi, parang maiba naman sa pamilya," sagot ng aktor.

Gusto raw niya sana maging doktor o engineer ang kanyang anak.

Architect daw kasi ang kapatid ni JC.

"Tapos asawa niya doktor. Baka puwedeng maiba naman," dagdag niya.

Pero kung sakaling gustuhin ng anak niya na maging artista rin gaya niya, "hindi ko naman siya mapipigilan kung gusto niya kasi lagi niya akong napapanood."

Read: JC Santos posts photo of his "little sunshine" for the first time

BEST SUPPORTING ACTOR AWARD

Ilang beses nang nakasungkit ng Best Supporting Actor Award si JC mula sa iba't ibang award-giving bodies, dahil sa mahusay na pagkakaganap niya sa pelikulang Mallari.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Pinakabagong karangalan na natanggap niya ay mula sa 40th Star Awards For Movies.

Inspired daw siya na mas pagbutihan ang performance sa mga proyektong ipagkakatiwala sa kanya.

"Of course, this is an exciting award. Lagi kong sinasabi na it's an inspiration pag nagkaroon ka ng ganito.

"It's a little pressure kasi kailangan mo pang galingan sa susunod na project mo.

"I'm glad na nagkaroon ako ng ganitong inspirasyon na na-recognize ako ng PMPC. I'm super happy."

Kapansin-pansin sa acceptance speech ni JC ang paulit-ulit na pasasalamat kay Piolo Pascual na siyang bida sa Mallari.

Paliwanag niya, "Oo, kasi kung di dahil sa kanya, di ko magagawa yung performance ko na yun na binigay ko sa kanya.

"Saka sa hirap na dinanas ni Kuya PJ sa Mallari sa buong shoot na yun, he's my Best Actor."

Labis din ang pasasalamat ni JC Sa Mentorque Productions.

Dugtong niya, "Sana marami pa akong pelikula sa kanila."

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Read: Muhlach family declares war amid controversial issue

FATHER SEVERINO MALLARI BIOPIC

Ang Mallari ay hango sa tunay na kuwento ni Father Severino, isang Filipino priest sa Pampanga na natalang unang serial killer sa bansa noong panahon ng pananakop ng Espanyol.

Hiningan ng reaksyon si JC sa balitang magkakaroon ng bagong proyekto na hango sa buhay ni Father Severino Mallari, na pagbibidahan nina Dennis Trillo at Dolly de Leon.

"I'm excited kasi baka may bago sila na puwedeng ikuwento, or bagong interpretation sa kuwentong ito ni Father Severino Mallari. I'm excited to watch it."

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
JC Santos emphasizes that effective time management is crucial to ensuring he always has time for his wife Shy and daughter River.
PHOTO/S: @j.c.santos Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results