Aminado si Aga Muhlach na umiiral ang kanyang pagiging ama kina Atasha at Andres Muhlach kapag nasa taping sila ng TV5 sitcom na Da Pers Family.
Bagamat napag-usapan nila ng asawang si Charlene Gonzalez na tatratuhin nila ang isa't isa bilang co-actors sa set, hindi raw niya maiwasang siguraduhin na maayos ang lagay ng kanyang dalawang anak sa set.
Read: Charlene Gonzalez, Aga Muhlach treat children Atasha, Andres as "co-actors" on the set
Pahayag ni Aga, “Mahirap iyon, ha. Kasi kailangan isipin ko ang sarili ko rin para [sa] kung anong gagawin ko.
"Kaya lang minsan, gaya sa bihis ko, basta pag nakita ko na maganda na ang mga itsura nila, okay na ako.
“Tapos ako, minsan, nakakalimutan ko na kung anong kulay dapat ang damit ko, mali-mali, parang ganun.
“Basta happy sila, basta okay na sila, okay na ako.”
Read: Aga Muhlach reveals his kids' school allowance

AGA MUHLACH DOES NOT GIVE ACTING ADVICE TO ATASH AND ANDRES
Pero kabaligtaran naman ang sitwasyon kapag nasa bahay na sila.
Wala raw eksenang, "O, Andres, dapat ganito ang atake mo. O. Atasha ganito dapat…"
Pagtitiyak ng aktor, “No, no. hindi naman, hindi naman. Pagdating sa pag-aartista talaga, parang sila na iyan, di ba? Kaya nila iyan.
“Kung magtatanong sila sa akin, magsasabi ako.
“Kung hindi sila magtatanong, normal lang kami sa bahay."
AGA MUHLACH'S CONSTANT REMINDERS
Ano ang advice ni Aga sa kambal na nag-uumpisa sa kani-kanilang showbiz careers?
“Basta ang sinasabi ko lang always, what’s really important sa industriya natin is pakikisama, pakikitungo sa tao.
“Growing up, iyan ang sinasabi ko, ‘Always be kind, just be kind to everyone.’
“Kasi it’s nice to just be nice to people.
“Kahit may mayabang kayong maka-engkuwentro, hindi mo lang alam, may pinagdadaanan iyon.
"Just never judge, you know."
Isa rin lang ang acting tip ni Aga para kina Atasha at Andres.
“At the same time, pagdating naman sa pag-arte niyo, it’s all about confidence, really."
