Hinangaan ng netizens ang batang Indian na si Ankit dahil sa kabutihang loob niya sa cook ng kanilang pamilya.
Nanalo si Ankit sa ginanap na weekend badminton tournaments sa kanilang lugar.
Bilang premyo, nakatanggap siya ng 7,000 rupees o PHP 4,683.16.
Read: PHP500K-worth Gold Air Jordan 3 ng Hollywood director, natagpuan sa donation bin ng isang shelter
Mula sa kanyang napanalunan, ginamit ni Ankit ang 2,000 rupees (PHP 1,338.05) para bumili ng mobile phone.
Iniregalo niya ito sa kanilang family cook na si Saroja, ang nag-aalaga kay Ankit simula noong six years old siya.
Ang kabutihang loob ni Ankit ay ibinahagi ng kanyang amang si V. Balaji sa X (formerly Twitter) last December 13, 2023.
Read: Need to reheat food anytime, anywhere? Presenting the world's first microwave bag

Read: 3 magkakaopisina, nag-avail ng naka-promo na nose job; retoke, palpak
Nag-post ang kanyang ama ng larawan ni Ankit habang ibinibigay ang mobile phone sa kanilang cook.
Ang caption ni V. Balaji, published as is: "Ankit has so far earned 7K by playing weekend tournaments. And today he got our Cook Saroja a mobile phone for 2K from his winnings.
“She has been taking care of him from when he was 6 months.
“As parents @meerabalaji3107 and I can't be more happier."
Read: Son-in-law hindi welcome sa bahay ng biyenan, bakit kaya? Netizens pabor sa desisyon ng biyenan
Ang heartwarming gesture ni Ankit ay humaplos sa puso ng mga netizens na nagsabing ang ginawa ng bata ay “innocence coupled with maturity.”
Komento ng isa, "The kid is going to go a long way. A big congratulations to the parents for instilling the right set of values."
Pinuri rin nila ang mga parents ni Ankit dahil itinuro rito ang kasabihang, “It is better to give than to receive.”
Read: News anchor binuweltahan ang male viewer na pinintasan ang kanyang katawan at pananamit
Ayon naman sa isang nagkomento, “The joy of the giver and receiver speaks the tons of blessings.
“This is what our culture teaches and helps us evolve into responsible and kind-hearted citizens.”
Sinabi naman ng isang netizen na ang ganitong parenting style ay mainam para makalikha ng “more fulfilling, empathetic and productive society,” na binubuo ng mga tao na tunay na nakakaunawa sa kahalagahan ng human connection, collaboration, and compassion.
Read: Barber shop na maraming customer na panot, may kakaiba palang aktibidad

Read: 81-year-old lolo, walang tulog simula 1973
Maging ang cricket player na si Dinesh Karthik ay humanga kay Ankit, at ni-retweet ang tweet ng ama ng bata.
Si Dinesh ay isang Indian professional cricketer na miyembro ng Royal Challengers Bangalore, na naglalaro sa Indian Premier League.
Naging bahagi rin siya ng national cricket team ng India.
Ani Dinesh sa kanyang tweet, "Being a good human being is the first step towards being a successful one.
“Kudos to Ankit for such a thoughtful gesture and for making the world brighter with the joy of giving. Proud parents @cricketbalaji1 & @meerabalaji3107."
Read: Lola nabubuhay sa tubig at soft drinks matapos tamaan ng kidlat noong 1963
