Amazed si Rikki Mae Davao sa kanyang parents—ang award-winning stars na sina Ricky Davao at Jackie Lou Blanco.
Nasaksihan ng 29-year-old showbiz newbie ang dedikasyon nila sa trabaho.
Aniya sa exclusive interview niya sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) via Zoom noong November 17, 2023, “Siyempre mas nakikita ko yung ginagawa nila, yung mga sacrifices nila, and even nung bata kami. dinadala nila kami sa mga taping, shooting.”
Ikinuwento rin niya kung paano siya nag-come out sa kanila bilang isang miyembro ng LGBTQ+ community.
“When I came out as a lesbian, I was in high school,” pagbabahagi ni Rikki Mae.
"Medyo sabay" niyang kinausap ang kanyang mga magulang, pero nauna siyang nag-out kay Jackie Lou.
Kay Ricky daw kasi siya mas ninerbiyos “kaya siya yung last, after mom, na sinabihan ko.”

Read: Jackie Lou Blanco recounts the moment daughter Rikki Mae told her, "Mama, I’m gay."
Bakit kay Ricky siya mas kinabahan?
“I guess it’s just different… I know that he’s accepting as a person kasi may mga friends siya.
"Siyempre yung ka-work niya sa industry, you know, iba-iba talaga yung mga types of people.
“So wala lang! Siguro pag sa dad, number one, mas strict din siya. And daddy’s girl din kasi ako.
"So siguro, hindi ko lang sure kung ano ba talaga yung magiging response niya, so kaya siya yung medyo natakot ako.”
Read: Ricky Davao, napaluha nang balikan ang pagka-come out ng anak na si Rikki Mae
Pagtitiyak ni Rikki Mae, tinanggap nila nang maayos ang sexual orientation niya.
Aniya, “When I told both of them, wala naman talagang isyu. Thankfully!
"Wala naman talagang, like hindi naman ako initsapuwera or pinagalitan or what.
“Siyempre may ano lang, getting used to certain ano lang. Pero wala naman pong naging main issue or nag-away kami or something.”
Wala raw mala-telenovelang kumprontasyon o anuman.
“Wala,” at natawa si Rikki Mae,
“Buti na lang. Baka sa mga shows ko in the future iyon yung puwede maging theme. Pero in real life, thankfully wala.”
Nilinaw ni Rikki Mae na kahit walang naging problema, dumaan pa rin sila sa adjustment period.
Pagpapatuloy niya, “Actually, hindi naman sa walang problema, meron namang having to get used to it.
"Or may mga questions na baka some things na hindi pa nila maintindihan or naa-accept completely.
“Pero open communication kasi siya, e, so it took a couple of years to really be like… wala nang awkwardness yung, ‘Oh, this is my partner.’
“It took a couple of years din to really be like very comfortable na ganun.”
RIKKI MAE'S RELATIONSHIP
Walong taon na ang pagsasama nina Rikki Mae at ng kanyang non-showbiz girlfriend na si Bloss.
“Schoolmate ko siya dati pero mas matanda siya sa akin ng four years,” kuwento pa ni Rikki Mae.
Ano ang sikreto ng walong taon nilang relasyon?
“Patience sa isa’t isa, pero mas sa kanya, patient siya sa akin” ang tumatawang bulalas ni Rikki Mae.
Supportive raw ang kanyang partner sa desisyon ni Rikki Mae na mag-showbiz.
“Kasi she knows na, palagi kong sinasabi na I really want to experience this, and I want to really put myself out there.
"So nung nagdadalawang-isip pa ako, should I join this workshop? Should I audition for this role? Siya talaga yung parang batok ko sa ulo.
“Siguro kung wala siya, baka wala ako dito ngayon."
Pumirma si Rikki sa Artist Circle ni Rams David noong araw na naganap ang Zoom interview na ito.
