Very private ang GMA Integrated News personality at veteran broadcaster na si Arnold Clavio pagdating sa kanyang pamilya.
Mahirap maghanap sa internet ng mga detalye tungkol sa kanyang asawa at mga anak.
Pero kapag may magagandang nangyari sa kanyang pamilya ay nagbahagi naman si Arnold ng kanyang kaligayahan sa social media.
Ngunit, hindi pa rin ito madetalye.
Miyerkules ng gabi, September 20, 2023, masayang ibinahagi ni Arnold sa Instagram ang achievement ng kanyang anak na babae dahil nagtapos na ito ng kolehiyo sa Canada.
Binati ni Arnold si Adrienne Maria Karyna Veluz Clavio — kilala sa palayaw na Ayka ng mga katrabaho ng broadcaster — dahil natapos nito ang kursong Food and Beverage Management - Restaurant Management “with honours” noong September 18.
Buong mensahe ni Arnold: “ Congratulations @aykikay on your graduation at George Brown College @gbcollege Food and Beverages Management - Restaurant Management (with honours). Proud papa here [heart emoji] !!! #thankyoulord #grateful”

Sa comments section ay nagpaabot ng kanilang pagbati ang mga kasamahan ni Arnold sa GMA Integrated News na sina Lyn Ching, Vonne Aquino, at Pia Arcangel, pati na ang ilang netizens.

Noong nakaraang Valentine’s Day, binati ni Arnold ang kanyang asawa sa pamamagitan ng pagbili nito ng bouquet of onions.
Kasagsagan noon ng pagbulusok paitaas ng presyo ng sibuyas.
Mensahe ng GMA News pillar, “Happy [heart emoji]’s Day Mamu …
And you deserve the most expensive bouquet on this special day … 14324 [smiling face with heart emoji]”

