Dalawampu’t tatlong taon nang kasal sina Jan Marini at Gerard Pizarras.
Hindi pa kasama rito ang tatlong taon nilang karelasyon bilang mag-boyfriend-girlfriend bago sila nagpakasal.
Meron na silang dalawang anak: sina Brianna Laney Pizarras, 21, at Raine Jarvis Pizzaras, 16.
View this post on Instagram
Bilang celebrity parents, paano ba sila ni Gerard bilang mga magulang sa dalawa nilang anak?
Kuwento ni Jan sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), “I would use the term intentional. Ibig sabihin, ayaw namin ni Gerad to take chances, yung parang we'll take everything by chance.
“Hindi kami yung tipong ganung magulang na kung may darating na problema saka lang kami gagawa ng aksiyon."
Naniniwala siya sa teaching by example.
“In fact, kami yung nagsi-set ng standards. Una naman talaga, dapat ang magulang ang nagsi-set ng moral standards sa anak, and then you really have to spend time in knowing your child.”
Dagdag pa ni Jan, ginagawa daw nilang akma ang pagdidisiplina sa anak depende sa kanilang personalidad.
Saad pa niya, “Lalo kami, isang babae, isang lalaki, so lalo kaming nagdi-delagate ng time with each of them and kinikilala namin kasi, di ba, hindi ka puwede mag-discipline nang uniform, e, di ba?
“Depende sa personality and also the need, and also yung age-appropriate discipline namin.
“So, I think we are also disciplinarian, but more than being disicplinarian, we are more than intentional in our parenting.”
Sa ngayon, visible sa mga public appearances nilang mag-asawa ang panganay na si Brianna, pero hindi ang bunsong si Raine.
Kuwento ni Jan, “Hindi masyadong na-expose yung bunso kasi minor pa, kasi yung daughter ko, 21 na siya so okay na siya idamay-damay sa mga parties.
"Kasi sa social media kasi ngayon, at least, she can defend herself kung kinakailangan.
“Or parang wala na akong… there’s no reason talaga para i-protect pa pero yung bunso ko kasi, 16 pa lang yun, so nililimitahan ko.”
Read: Jan Marini and Gerard Pizzaras open up about how they avoid temptations in their 23-year marriage
