PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Vin Abrenica vows to be good example of real man for daughter

Vin: "Lahat ng purpose ko in life, everything I do is for her."
by Jerry Olea
Published Jun 13, 2023
vin abrenica fatherhood
Vin Abrenica on being a father to two-year-old Avianna: “Gusto ko… mabigay sa kanya kung ano talaga ang tunay na imahe ng isang lalaki, kung paano siya dapat tratuhin ng isang lalaki. Na ibibigay ko sa kanya lahat para eventually she knows na dapat, ‘O, tatay ko, tinatrato ako na ganito.’ Or I wanna give her the world.”
PHOTO/S: Jerry Olea / @vinabrenica on Instagram

Two years old na ang daughter nina Vin Abrenica at Sophie Albert na si Avianna.

Ano ang plano nila para sa Father’s Day sa Hunyo 18, 2023, Linggo?

Read: Sophie Albert, Vin Abrenica welcome their "little princess"

“Ahhmm wow!” bulalas ni Vin sa mediacon ng pelikulang The Revelation nitong Hunyo 10, Sabado, sa Rafael’s bar, Newport World Resorts, Pasay City.

“This is my second year sa Father’s Day, wow. Ahhmm wala pa… ako, magpapakatotoo ako. Wala pa, wala pa kaming plano.

“But ang weird, ‘no? Kapag Mother’s Day, andami nang plano kapag ano, anything. Pero for me, walang plano. But I’ll make sure na meron pa rin.

“Paplanuhin ko pa naman, para rin naman sa anak ko, e! Ha! Ha! Ha! Ha!”

Read: Sophie Albert and Vin Abrenica finally tie the knot

HJOW FATHERHOOD CHANGED VIN ABRENICA

Paano siya binago ng fatherhood?

“Well, it changed me… to who I am now. Lahat ng purpose ko in life, everything I do is for her,” pagngiti ni Vin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“It changed me in a way na I want to set up my life straight. It’s hard, kasi the question always pops up in my mind na iniisip ko, ‘Do I want to be that person na she will end up being with one day?’

“So para sa akin ahhhm, I wanna be that guy. I wanna set up an example na especially sa akin, e, babae.

“Gusto ko… mabigay sa kanya kung ano talaga ang tunay na imahe ng isang lalaki, kung paano siya dapat tratuhin ng isang lalaki.

“Na ibibigay ko sa kanya lahat para eventually she knows na dapat, ‘O, tatay ko, tinatrato ako na ganito.’

“Or I wanna give her the world.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Aminado si Vin na hindi pa siya ganap na handa sa pagiging ama nang dumating si Avianna.

“I guess you will never be ready pala siguro, ano? Ahhmm kasi kami ni Sophie, that time we were going nine years,” pagtatapat ni Vin.

“Eight years kami nun. On our tenth year, nagpakasal kami. So… that time hindi kami ready. Hindi namin plinano na makabuo.

“That time noong nakabuo kami, ahhmm… it was the height of the pandemic.

“So, buntis si Sophie, magkasama lang kami sa iisang kuwarto the whole nine months. I was part of the journey.

“And ahhh… kahit hindi ka handa, magiging ready ka talaga, e. Alam mo yun. Kasi, the responsibility calls for it, e.

“So ako naging ready ako in a way and I loved every part of it. Nagustuhan ko talaga yung journey. Sobrang nag-enjoy ako.

“Na parang naramdaman ko, may postpartum din pala, yung mga stages of being pregnant… well, naging challenge yun at naging means yun para lalo kaming magmahalan.”

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Read: Vin Abrenica describes fatherhood as "most rewarding" although "naduduling na ako"

HOW FULFILLING IS IT TO BE A FATHER?

Gaano ka-fulfilling ang maging ama?

Mabilis na tugon ni Vin, “I’m living the best time of my life! So far ngayon na I just turned 32, it’s the best part of my life. It’s the best years of my life na nabubuhay ako so far.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“And I’m so thankful to God. Ngayon, present. Actually, sinabi ko rin yun last year, and now sasabihin ko pa rin yun — I’m still living the best days and the best part of my life.”

Kailan nila susundan si Avianna? Lalo pa’t nae-enjoy niya ang pagiging daddy…

“Ako honestly, ahhmm… let’s give respect to my wife. If she’s ready, it’s her body. Ako anytime she wants, let’s do it,” saad ni Vin.

“Ako, I want to have na kung tatanungin niyo ako kung ready ako. Hopefully boy naman, or twins, I don’t know.

“Basta I’m ready. Kapag sinabi niya, she is ready… let’s do it!”

Napag-uusapan na nila iyon?

Tumango si Vin, “Oo, napag-uusapan na. Kasi sanay kami sa ganyan, e. Magkakasunod. Yung sa brother ko, magkasunod. Kami, magkasunod. Yung hindi malayo ang gap.

“And my daughter now, two years, napag-uusapan namin. Well, aaminin ko naman… bumabalik siya [Sophie] ngayon, e. Meron siyang soap with GMA.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“So, respeto ko yun sa kanya na meron pa rin siyang dreams. So whenever she’s ready, then…”

BACK TO WORK

OK lang sa kanya na magbalik-trabaho na si Sophie kahit two years old pa lang ang daughter nila?

“Oo naman. Oo naman. That’s also good for her, kasi ang sarap din ng… well, sa pagiging buntis, alam naman natin, di ba, na well, your life — not naman stopped — but nagbuntis ka for nine months and all,” pagmamatuwid ni Vin.

“Now, nakikita ko yung improvement niya how happy she is na nagtatrabaho siya, meron siyang naa-achieve. She earns.

“And not only that, nag-e-excel siya sa work niya. Nag-e-excel din siya being a mom.

“So well, para maging happy ang life namin, I have to give her her choice. Lahat ng gusto niyang gawin, gawin niya.

“And I love her for doing that. And I love her for being who she is.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Pero kaya na niyang buhayin ang kanyang mag-ina kahit hindi magtrabaho si Sophie, di ba?

“Yes. Yes. Alam naman ni Sophie yun. Ever since, alam naman natin kung saang family siya nanggaling,” sagot ni Vin.

“And for the longest time na eight years kami, alam ko yun. Lalaki ako. Huwag na tayong magpakaplastik, alam ko kung saan siya nanggaling. I have to level up.

“So the whole journey ng naging kami, kailangan kong patunayan na, ‘I’m worth of your daughter. I’m worth of Sophie.’

“So, wala naman kayong nabalitaan sa akin na magara ang buhay ko. Wala kayong nabalitaan sa akin na may ginastos akong ganito kalaki.

“I really saved up, and I really put my money in good use.”

Siyanga pala, co-stars ni Vin sa suspense-thriller na The Revelation sina Aljur Abrenica, Ana Jalandoni, at Jelai Andres, sa direksiyon ni Ray An Dulay.

Ipalalabas ang pelikula sa mga sinehan sa Hunyo 21.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Vin Abrenica on being a father to two-year-old Avianna: “Gusto ko… mabigay sa kanya kung ano talaga ang tunay na imahe ng isang lalaki, kung paano siya dapat tratuhin ng isang lalaki. Na ibibigay ko sa kanya lahat para eventually she knows na dapat, ‘O, tatay ko, tinatrato ako na ganito.’ Or I wanna give her the world.”
PHOTO/S: Jerry Olea / @vinabrenica on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results