Isa nang ganap na ama ang dating Goin’ Bulilit star na si Carl John Barrameda, 28.
Sa Facebook noong April 28, 2023, ibinahagi ni Carl ang pagsilang ng asawang si Nikolai Cimatu Barrameda ng kanilang anak na si Baby Ezekiel.
Sabi ni Carl sa caption: “Thank you to our doctors for Nik’s safe delivery. Welcome to the world, Ezekiel!”

Sa pamamagitan ng Facebook messaging kagabi, May 2, hiningan ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ng maiksing pahayag si Carl ukol sa kanyang panganay na supling.
Pagbabahagi niya: “Hello po. 7.3 pounds po si baby. Ang binyag po ni baby ay gusto namin isabay sa 1st birthday niya.”
Seryoso naman niyang sinabi na, “Isang privilege ang pagiging ama.”
Nagbalik-tanaw rin si Carl sa madalas niyang gampanang roles sa defunct gag show ng ABS-CBN na Goin' Bulilit. Lagi raw kasing tatay ang kanyang role sa mga skit or situational comedy nila.
Aniya, “Yes, kasi dati po daddy roles ang ginagampanan ko sa Bulilit. Ngayon, isa na talaga akong ganap na ama.”
September 21, 2022, ipinaalam ni Carl sa kanyang Facebook friends na magiging ama na siya.
Ibinahagi niya ang sonogram kung saan kumpirmadong buntis ang misis niyang si Nikolai.
Sabi niya sa kanyang caption: “Thank you Lord! Tatay na ako! @nikolaicimatu”
Read: Goin' Bulilit star Carl John Barrameda, wife Nikolai expecting their first baby
Ikinasal sina Carl at Nikolai sa Las Casas Filipinas de Acuzar, Quezon City, noong March 7, 2020.
Read: Goin' Bulilit’s Carl John Barrameda marries Nikolai Cimatu
Si Carl ay bahagi ng unang batch ng Goin’ Bulilit, na nagsimulang umere sa ABS-CBN noong 2005.
Labing-apat na taon ang itinakbo ng show sa ere, at nagtapos noong August 4, 2019.
