Aminado ang Magandang Buhay host na si Jolina Magdangal na hindi biro ang mag-aalaga at magpalaki ng mga anak sa panahon ngayon.
Dalawa na ang anak ni Jolina sa kanyang asawa na si Mark Escueta. Sila ay sina Pele, 9, at Vika na magse-celebrate ng kanyang 5th birthday sa darating na Mayo.
Ayon kay Jolina, very hands-on silang mag-asawa sa sa pagpapalaki ng kanilang mga anak lalo't ngayong wala na silang yaya na katuwang sa pag-aalaga sa kanila.
"Siguro mga almost a year na kumbaga walang helper," kuwento ni Jolina sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang press nitong February 27, 2023.
"So kami talaga ng asawa ko yung nag-asikaso ng lahat, and nasabayan ng tour sa States na [ilang] months siya wala, so ako talaga."
Patuloy nito, "Home school po sila, wala po kaming helper, so kami ang teacher.
"May books kami at wala kaming tutor, at hindi kami nagre-rely online [kahit] may computer ganyan. So lahat yun, nakaayos ang time talaga, and para mas ma-excite yung mga bata."
Ramdam rin ni Jolina ang bilis ng panahon lalo't nakikita nitong lumalaki ang kanyang mga anak.
"Hindi mo puwede masundan talaga lahat, dahil ang bilis talaga nila mag-isip."
Nakapanayam ng PEP.ph si Jolina sa press launch nito bilang bagong ambassador ng GrabMart.
Read also: Look at Jolina Magdangal's collection of Betamax recording her 1990s TV shows
OVERCOMING MODERN PARENTING CHALLENGES
Para kay Jolina, proper time management ang susi upang maayos na mapalaki at maalagaan ang kanyang mga anak bilang isang working mom.
Paliwanag nito, "I think, dapat tama lang yung choice mo, kung magpapaka-stress ka ba? or magpapaka-busy ka? Kailangan na ba ito matapos?
"Or pwede naman na unahin mo na yung ganito? So nasa sayo rin yun kung paano mo maiisa-isahin ang lahat nang hindi ka pagod na pagod."
Malaki ang pasasalamat ni Jolina dahil may mga app na ngayon na nakakatulong sa kanya upang mapagaan ang kanyang mga responsibilidad bilang ina, gaya na nang pagbili ng mga groceries.
Ang mga malilitt na bagay gaya nito ay nagbibigay sa kanya ng mas maraming oras para sa kanyang mga anak.
Aniya, "Okay talaga na ambilis ng makabili at mabilis lang dumating sayo nang hindi ka pa um-effort na, 'Oh sige sige alis na ako.'
"E, yung time na sana na yun, nalambing mo sila, di ba? Na-extra paliguan mo nang mas maaga, parang ganon...
"Kasi sabi ko talaga dati, gusto ko talaga hangga’t kaya ko, gusto ko hands-on ako, and kahit na may mga work, alam ko na hindi ko napapabayaan ang mga anak ko at ang family ko...
"At kung paano ko sila pasayahin, mapa-simpleng bagay at mapa-bongga, and eto yung naging kasagutan talaga sa akin isang click lang kahit ang taga-meron..."
"And nasimulan kasi namin yung mga anak namin na kahit nasa bahay gusto namin ma-feel nila talagang bonding kami...
"At saka kapag bibigyan namin sila ng time, as in quality time, kaya kahit na wala isa sa amin, napapanindigan namin yun, di ba?"
Payo ni Jolina, dapat ding mabilis mag-adapt ang mga magulang sa mabilis na pagbabago ng panahon.
"Yung struggle kasi, wala naman talagang struggle, it’s how you deal with everything, it’s how you handle everything.
"And para sa akin, pag ganito yung ginawa niyo na mag-adapt kayo sa ano ngayon…
"I think kaya niyo din maranasan, at masarap siyang maranasan na hindi siya struggle.
"Sa totoo lang, mas nakakatulong, mas nakakapagbigay pa sa akin ng idea paano ko pa iba-bond yung mga anak ko for next week kasi ang bilis na, e, ang bilis talaga sa panahon ngayon mabilis talaga, at mas mabilis…
"So yun ang aking maa-advice sa mga mommy ngayon na, yes, balance everything.”
eating CHALLENGE among kids
Isa rin sa major challenge na na-e-experience ng bawat magulang ay kung paano ma-train ang kanilang mga anak na hindi maging picky-eater.
Para kay Jolina, masuwerte ito dahil hindi mahirap pakainin ang kanyang mga anak at kumakain sila ng gulay.
Nang tanungin kung ano ang paboritong ulam ng kanyang mga anak, sagot nito, "Ngayon, alam mo ang favorite nila, yung Humba?
"Yung matamis na pork, yung medyo manamis-namis na medyo maalat-alat, yun ang mga gusto nila."
Kadalasan ay black beans lang ang sahog ng Humba ngunit naka-discover si Jolina ng iba pang paraan upang mapakain ang kanilang mga anak ng gulay.
Aniya, "Lalagyan ko na lang ng gulay. Minsan hindi nila namamalayan, 'Si Mama yung Humba may malunggay...' Yun kasi kapag may napipitas lang sa kapitbahay, di ba?
"Pero mas nakakapag-experiment ako sa gusto nilang pagkain, yung masarsa ba."
READ MORE:
- Blackpink member Jisoo's pigtails remind netizens of Jolina Magdangal's iconic hairstyle
- Jolina Magdangal, Melai Cantiveros tease new co-host replacing Karla Estrada in Magandang Buhay
- Jolina Magdangal looks back on her GMA-7 days with Kyla, Rachelle Ann Go
- What's behind story of Mylene Dizon "bullying" Jolina Magdangal in Gimik