PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Karen Davila: “I am so proud”

Karen: “I encourage more companies to hire persons with disabilities."
by Chan-Chan Torres
Published Mar 1, 2023
karen davila and son david sta. ana
Karen Davila is a proud mom to son David Sta. Ana, 22, who recently finished his internship in a retail store. David has autism.
PHOTO/S: iamkarendavila on Instagram

Bida ang anak ni Karen Davila na si David Sta. Ana sa ilang Instagram posts ng kilalang ABS-CBN anchor.

Si David, 22, ang panganay sa dalawang anak nina Karen at asawa nitong si DJ Sta. Ana.

Ipinagmamalaki ni Karen ang artworks ni David na may kondisyong autism.

Sa kasalukuyan, pumapasok si David sa The Vanguard Academy, na ayon sa website, "caters to students with learning disabilities."

Sabi ni Karen sa kanyang Instagram post, “The school is safe and has the support our kids need including occupational and physical therapy rooms.”

Sa pamamagitan ng kanyang social-media accounts, naipapakita ni Karen na namumuhay nang normal ang kanyang anak at marami itong kayang gawin sa kabila ng kondisyon.

Noong nakaraang May 2022 National Elections, ipinost ni Karen nang bumoto ang anak na si David sa unang pagkakataon.

Sumali rin si David sa isang exhibit kasama ang mga kaklase at iba pang mga manlililok.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Bakas din sa captions ni Karen kung gaano siya ka-proud sa accomplishments ng anak.

Sa ganitong paraan, nagpapakalat si Karen ng awareness para sa mga katulad niyang magulang na nasa parehong sitwasyon.

MUMUSO.PH INTERNSHIP AS PWD

Kamakailan lamang, maraming na-inspire at natuwa sa IG posts ni Karen, na masayang ibinalita ang pagdu-duty ni David bilang intern sa Mumuso, isang retail store.

Ipinakita rin na suot ni David ang ID niyang may makasaad na, “Thank you for your patience. I’m a PWD [Person with Disability].”

pwd id

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

david sta ana

Bilang intern, kasama sa kanyang job responsibilities ay batiin ang customers at i-check ang mga pinamili ng mga ito.

Sa isa pang IG post, sinabi rin ni David na natuto na siyang kumuha ng barcodes ng items sa checkout counter. Siya rin mismo ang nag-a-assist sa customers.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Ito ay sinang-ayunan naman ng kanyang manager, na pinuri ang dedikasyon ni David na matuto.

Sa caption ni Karen, binanggit niya kung gaano siya ka-thankful sa eskuwelahang pinapasukan ng anak.

“I am so proud of my son David who is finishing his job internship at @mumusoph with his classmate, Beacon.

“Kudos, @thevanguardacademy for putting together a program that will help build their life skills.”

GIVING MORE PWD’S CAREER OPPORTUNITIES

Dahil sa paghikayat at pagkuha sa PWDs as interns o staff members, naging magandang halimbawa para sa mga kumpanya ang @mumusoph.

Isa ito sa ikinatuwa rin ni Karen bilang ina ng isang PWD.

Dagdag niya sa kanyang IG post, “And good job @mumusoph for having kids with special needs in your job training pool!

“I encourage more companies to hire persons with disabilities and special needs. Inclusion is how we build a better and a more compassionate world.”

Sa totoo lang, may stigma pa rin ngayon sa mga PWDs, at marami pa rin ang komukuwestiyon sa kanilang kakayahan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Malaking bagay na dumarami ang mga kumpanyang magbibigay ng oportunidad sa PWDs.

Malaking pagkakamali ang pananaw na hindi kayang gawin ng isang person with disability ang mga normal na gawain.

Hindi pa rin sapat ang kaalaman ng publiko tungkol sa mga taong may ganitong kondisyon.

AUTISM HAS NO CURE, BUT CONDITION can be improved

Ang autism o autism spectrum disorder (ASD) ay isang “disability,” pero hindi lahat ng autistic ay pareho ang pinagdadaanan.

Wala pa ring lunas o cure ang neurological at developmental condition na ito.

Pero may iba't ibang paraan ng intervention para mapabuti at maging kumportable ang buhay ng isang may ASD.

Dahil sa murang edad, nadi-detect na kung may kakaiba sa bata at mas maiging ipasuri agad ito sa isang developmental specialist.

Ayon sa isang artikulo ng SmartParenting, binanggit na malaking bagay ang therapy habang lumalaki ang batang may autism.

Along the way, kakailanganin din ng bata ang tulong ng developmental pediatrician, speech therapist, occupational therapist, at ng special education (SPED) teacher.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Samahan pa ito ng pag-aaruga at pagtutok ng mga magulang para sa common goal.

Sa ganitong paraan, malaki ang pag-asang makamit ang progress na hangad para sa batang may ASD.

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Karen Davila is a proud mom to son David Sta. Ana, 22, who recently finished his internship in a retail store. David has autism.
PHOTO/S: iamkarendavila on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results