PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Pokwang posts bonding moments of Lee O’Brian, daughter Malia

Pokwang: "Finally after two years its Nana, Grandpa, and Tita Mimi time."
by Arniel C. Serato
Published Jul 26, 2022
Pokwang, Lee O'Brian co-parenting
Pokwang and estranged partner Lee O'Brian fulfill duties as co-parents to four-year-old daughter Malia.
PHOTO/S: Courtesy: @itspokwang27 on Instagram

Pinanindigan ni Pokwang at dating partner nitong si Lee O’Brian ang co-parenting status nila sa anak na si Malia O’Brian.

Sa Instagram ngayong araw, July 26, 2022, ibinahagi ni Pokwang ang ilang larawan at videos nina Lee at Malia, kasama ang panganay na anak ng Kapuso star na si Mae Subong, habang nagba-bonding sa isang theme park.

Mukhang sa Amerika ito kuha dahil may mga dayuhang kasama sina Lee sa videos.

Sabi ni Pokwang, nagkita na sa wakas si Malia at ang mga magulang ni Lee matapos ang dalawang taon dahil sa pandemya.

Hindi nakasama si Pokwang sa family bonding dahil kasama siya ni K Brosas sa kanilang concert tour sa Amerika rin.

Caption ng Kapuso comedienne: “Finally after two years its nana, grand pa and tita mimi time [heart, kissing face emojis] enjoy lang ate @maesubong and @malia_obrian [kissing face emoji] see you soon mga anak”

Kasunod ng pagbubunyag ni Ogie Diaz sa hiwalayan nina Pokwang at Lee, si Pokwang na mismo ang nagkumpirma nito sa pamamagitan ng kanyang Instagram post noong July 10.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Lagpas pitong buwan na raw silang hiwalay ng dating partner.

Read: Pokwang and Lee O’Brian have broken up in November 2021—Ogie Diaz

Sabi pa ni Pokwang, nananatili silang co-parents sa four-year-old daughter nilang si Malia.

Bahagi ng pahayag ni Pokwang sa caption (published as is), “Yes its been seven months since tapusin namin ni papang ang lahat, pero maayos at mapayapa, at bilang magkaibigan na lamang mas nagagampanan namin ang mga tungkulin bilang magulang ni Malia,

“Natapos man ito sa di inaasahang panahon hindi dito hihinto ang pagiging nanay ko sa mga anak ko. at mas lalo kong minahal ang mga biyayang sakin ay binigay ng panginoon”

Read: Pokwang breaks silence on breakup with Lee O'Brian

Sa panayam naman niya sa 24 Oras, inalmahan ni Pokwang ang mga paratang na “palamunin” niya umano si Lee kaya sila naghiwalay.

Pagtatanggol pa niya rito, “Una sa lahat, walang third party, wala, in all fairness kay Papang.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Di rin pera kagaya ng mga lumalabas na pera, hindi ho, walang ganun.

“Siguro naano lang kami, ano ba tawag dun? Napagod.

"Sana alam ng tao na yung hinuhusgahan niyo na si Lee O’Brian ay mabuting tao naman po. Mabuting ama.

“Nasasaktan lang ako sa mga nababasa ko. Kesyo palamunin ko raw. Masipag po yung tao.”

Read: Pokwang defends ex-partner Lee O’Brian from "palamunin" accusation: “Masipag po yung tao.”

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Pokwang and estranged partner Lee O'Brian fulfill duties as co-parents to four-year-old daughter Malia.
PHOTO/S: Courtesy: @itspokwang27 on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results