“Because God is kind to those who wait and pray.”
Ito ang caption ni Rocco Nacino sa kanyang Instagram post kung saan ipinakita niya ang photo ng sonogram na pahiwatig na preggy na ang kanyang misis na si Melissa Gohing.

Sa ulat ng "Chika Minute" sa 24 Oras noong May 6, 2022, sinabi ni Rocco na nalaman niya ang pagbubuntis ng misis habang nasa lock-in taping siya.
Ikinasal ang Kapuso actor at si Melissa na isang professional volleyball player noong January 21, 2021.
Naikuwento noon ni Melissa na mayroon siyang polycystic ovary syndrome (PCOS) kaya mahirap para sa kanya ang magbuntis.
Pero napagbigyan ang kanyang kahilingan.

Ani Melissa sa kanyang Instagram post: “I asked God for a new purpose in life, and this was His answer. Our answered prayer. God’s timing is perfect.”
Ibinahagi ng mag-asawa ang mga detalye ng pagbubuntis ni Melissa sa kanilang YouTube channel na Life with the Nacinos.
“Excited to meet you soon, Baby Nacino,” ang caption ni Rocco sa Instagram video.

Bumuhos naman ang pagbati kina Rocco at Melissa mula sa kanilang mga kaibigan at kapwa celebrity.
