May interesting anecdote si Divine Lee tungkol sa dalawang kids niya.
Matatandaang ikinasal ito sa businessman na si Blake Go noong August 18, 2017.
Makalipas ang dalawang buwan, inanunsiyo ng host na siya ay buntis sa kanilang panganay. May 2018 nang ipinananganak niya ang kanyang baby boy na si Basquiat Delfin, a.k.a. Baz. March 2019 nang inanunsiyo nito ang pangalawang pagbubuntis. October 2019 nang ipinanganak niya ang kanyang baby girl, si Blanca Dietrich
Walang kahira-hirap si Divine sa pagbubuntis, salamat sa payo ni Korina Sanchez.
Lahad niya, "Medyo late ako nag-asawa, thirty five. But thanks to Korina who taught me how to freeze my eggs.
"Hindi naman ako nagkaroon ng problema with having children because a few guys don’t know that all my children are IVF," na nangangahulugang in vitro fertilization (IVF), kung saan ang "mature eggs" mula sa ovaries ay nape-fertilized ng sperm sa isang lab.
Sa pagpapatuloy ng celebrity mom, "They’re all IVF kids...because I was pretty close to Korina, so, at 26, she told me, ‘Bakit hindi mo pa i-freeze yung eggs mo since you’re so high on life?'"
Sa parte ng 56-year-old broadcaster na si Korina, 40 years old nang nagdesisyong ipa-freeze ang kanyang embryos. Taong 2019 nang isinilang ang twins niyang sina Pepe at Pilar.
Nang narinig ni Divine ang ideya, nag-alangan daw siya noong una dahil "at that time, it was taboo to freeze your eggs."
Sinabihan pa nga raw siya ng ilang taong malapit sa kanya na aksaya lang ito ng pera.
Dagdag na kuwento ni Divine, "Pero ako, parang sige na. Siyempre parang Chinese pa kami, di ba?
"Yung mga tita, tito ko nagsasabi, 'Ano ba iyan, aksaya ng pera! Wala ka bang balak mag-asawa?'
"But I did it, that’s why I think ang tagal ko ring gumigimik kasi wala akong parang fear na kailangan ko nang mag-asawa, kailangan ko nang magkaroon ng anak.
"The month of our wedding was also the same month I had them put in Baz, so wala talaga akong waiting point.
"I didn’t have a problem trying to conceive because I already had my eggs frozen."
Ang plano nina Divine at Blake ay magkaroon pa ng dalawang anak bago ito mag-40 years old.
Pero thirty nine years old na ito sa taong ito, kaya kung may natitira pa siyang embryos, mangyayari ang plano nilang mag-asawa kapag twins ang ipagbubuntis niya.