PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

May listahan na nga, kulang pa rin? Funny stories ng dads sa grocery

Kulang man o mali ang nabili nila, bravo pa rin para sa frontliner ng pamilya.
by Ana Gonzales
Published Apr 21, 2020
Iba man sa nakalista ang nabibili ng mga daddies na ito, labis-labis pa rin ang tulong—at katatawanan—na binibigay nila sa mga mommies.
PHOTO/S: KATH TAN VALENZUELA / MARY FATIMA RAMILO MACABALE

Dahil sa enhanced community quarantine, isang miyembro lang ng pamilya ang pinapayagang lumabas para pumunta sa mga groceries at drug stores.

Kalimitang naaatasan dito ay ang mga haligi ng tahanan.

Willing na willing naman ang mga tatay.

Iyon nga lang, pagbalik mula sa grocery o sa drug store, kalahati ng inilista ni mommy ay wala o di kaya ay mali ang nabibili nila.

Kaya naman naging tampulan tuloy ng tukso ang mga nakakatawang struggles ng mga daddies tuwing pumupunta sila sa grocery.

Kamakailan, nagtrending ang isang Malaysian daddy nang i-post niya ang litrato niya kasama ang iba pang mga tatay na kanya-kanyang paraan para ipa-check ang kanilang mga binibili sa kanilang mga misis. May kumukuha ng litrato at mayroon pang nakikipag-video call sa mga asawa nila.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Pumutok ang post na ito sa Facebook group na Smart Parenting Village dahil talaga namang relate na relate ang mga nanay.

Bigay todo rin sila sa pagbabahagi ng kanilang mga experiences!

Narito ang mga nakakatawang karanasan ng mga nanay tuwing pupunta sa grocery ang mga asawa at partners nila. Ihanda niyo na ang inyong mga sarili sa unlimited tawa!

IYONG NABILI NAMAN NIYA LAHAT, PERO NAIWAN NAMAN NIYA SA BILIHAN

Ito ang naging experience ni mommy Gerlyne Mari Bajan-Bautista.

Hindi niya alam kung matatawa ba siya o maiinis dahil dumating si daddy na hindi naman dala ang mga binili niya.

Kamot ulo na lang si mommy!

Nasaan na ang nabili mo daddy!
PHOTO BY courtesy of Gerlyne Mari Bajan Bautista
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

IYONG "WALA" RAW PERO KAPAG IKAW NAMAN ANG NAMIMILI, MERON NAMAN

Maraming nanay ang talaga namang agree dito!

Karaniwang palusot kasi nina daddy ay "wala," pero hindi lang pala nila alam kung saan hahanapin.

Yung "wala" raw pero alam mong mayroon naman—hindi lang niya makita!
PHOTO BY Ana Gonzales
Ito ring si daddy kulang-kulang din ang pinamili!
PHOTO BY courtesy of Kath Tan Valenzuela
CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!
Ito namang si daddy, dahil hindi mahanap ang bibilhin, ito na lang katunog ang balak ipalit!
PHOTO BY courtesy of Tal Laxamana

Ito namang hubby ni mommy Mary Ann, napakaraming mga nakakatawang tanong tuwing mamimili.

Pag-uwi rin raw ni daddy, napakarami ring kuwento na para bang nanggaling siya sa field trip! Daming tawa ni mommy palagi.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
"Anong sasabihin kong part ng beef? Sabihin ko ba pang Beef Broccoli?"
PHOTO BY courtesy of Mary Ann

IYONG SIGE RIN SILA SA KUHA NG MGA TREATS NA GUSTO NILA

Sabi naman ni mommy Glaiza Adan, sira ang budget nila dahil sa chips at treats na sinisingit ni daddy.

Daming natawa at nakarelate kay mommy!

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Hala ang daming singit ni daddy sa pabili ni mommy!
PHOTO BY courtesy of Glaiza Adan

Itong hubby ni mommy Mau Fernandez, may mga pa-extrang dagdag, pero may mga essentials namang nakakalimutan!

Natatawa na lang si mommy sa kanya.

May pa-melon pa si daddy pero nakalimutan naman niya ang mantika.
PHOTO BY courtesy of Mau Fernandez
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

May nabili naman ang asawa ni mommy Facebook user Daile Pencilcat—iyon nga lang, panat na panat naman!

Itatanim ba ito, daddy o uulamin?
PHOTO BY courtesy of Daile Pencilcat

Wrong spelling si mommy Jane Tejada Meredores sa kanyang pinapabili, kaya nalito tuloy si daddy kung anong kukunin!

Dairy Creme o Dari Creme?
PHOTO BY courtesy of Jane Tejada Meredores
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

IYONG KAILANGAN MONG PIKTYURAN PARA SIGURADO

Marami rin ang nagsabi na hindi sapat ang listahan lang. Kailangan piktyuran mo rin!

Iyan ang experience ni mommy Jhoana Adriano Adriano.

Pictures dapat para walang sisihan!
PHOTO BY courtesy of Jhoana Adriano Adriano

I-che-check muna ni mommy Jhoan Cabral ang buong basket bago magbayad si daddy.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Kabisado ni mommy kung saan kukunin ang mga kailangang bilhin.
PHOTO BY courtesy of Jhoan Cabral

Pagbabahagi naman ni mommy Lala Tellano-Viray, magaling ang asawa niya sa pamimili. Iyon nga lang, pag wala na ang eksaktong nakasulat sa listahan ni mommy, hindi na ito bibili ng kapalit!

Kuwento ni mommy, "Kung may pinalit man, hindi magagamit! (hahaha) Tulad ng kangkong at pechay, walang stocks.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"So, pumulot na lang siya ng ibang gulay na may dahon, which is saluyot!"

Pang-nilaga sana o sinigang, daddy, kaso saluyot naman binili mo.
PHOTO BY courtesy of Lala Tellano Viray

SIYEMPRE, KUNG MGA MGA BLOOPERS, MAY MGA TAGUMPAY DIN!

Ang hubby ni mommy LJ Mcblow naman, check muna sa kusina bago pumunta sa grocery para sure na walang makakalimutan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Wais naman itong si daddy. Iche-check muna niya ang kusina bago lumabas para bumili ng mga kailangan.
PHOTO BY courtesy of LJ Mcblow

Ang kuwento naman ni mommy Beatriz Aeysha Asher, isang magaling na cook ang asawa niya.

Matipid din itong mamili, kaya wala siyang problema!

Galing mag-budget ni daddy!
PHOTO BY courtesy of Beatriz Aeysha Asher
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Wala nang inabutan nang minsang mag-grocery ang hubby ni mommy Belle Alconcel Salido.

Ang dami sanang ipapabili ni mommy kaso wala namang stocks.
PHOTO BY courtesy of Belle Alconcel Salido

Para naman sa hubby ni mommy Mary Joyce Fullado-Aguja, very helpful ang kanyang asawa—hindi takot mamili, kahit ang mga "feminine" needs ni mommy.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Kailangan picturan muna talaga, para lang sure!
PHOTO BY courtesy of Mary Joyce Fullado Aguja

"Quaran-eating" naman ang ginagawa ng mga anak ni mommy Jhem Bon kaya naman "pang-fiesta" ang ipinapabili niya kay daddy.

Panic eating ang mga bata? Si daddy na ang bahala diyan!
PHOTO BY courtesy of Jhem Bon
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Hindi naman akalain ni mommy Mary Fatima Ramilo Macabale na napakalaking bahagi ng puno ng malunggay ang kukunin ni daddy nang utusan niya itong humingi sa kapitbahay!

Lagot ka, daddy! Anong ginawa mo sa malunggay ng kapitbahay?
PHOTO BY courtesy of Mary Fatima Ramilo Macabale

Ito naman ang tatay ni mommy Rein Dela Cruz Castro.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Siya ang namimili para sa pamilya.

Minsang nagpabili si mommy ng prunes, hindi talaga sumuko si daddy sa paghahanap kahit sinabihan na siya ng mga grocery staff na pasas lang ang mayroon.

Nang may makita siya, nagpa-picture talaga siya sa mga staff para masiguradong tama!

Kahit ano talaga, gagawin ng isang tatay para sa anak niya.

Kapapanganak lang din kasi ni mommy kaya todo alaga sa kanya ang tatay niya.

Ito ba ang prunes, anak?
PHOTO BY courtesy of Rein Dela Cruz Castro
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ilan lamang ang mga ito sa mga experiences na ibinahagi ng mga nanay mula sa Facebook group ng smartparenting.ph na Smart Parenting Village.

Bagamat mahirap at talaga namang challenging ang lahat ng nangyayari ngayon, nakakahanap pa rin ang mga magulang ng paraan para hindi masyadong maging mabigat ang sitwasyon, lalo na para sa mga bata.

Mahirap nga namang maging negatibo pa sa panahon ngayon.

May mga mali man sina daddy sa grocery items na binibili nila, labis-labis pa rin ang appreciation ng mga ilaw ng tahanan dahil sa pagiging matapang at matatag ng mga tatay. Kayo ang mga frontliners ng pamilya!

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Iba man sa nakalista ang nabibili ng mga daddies na ito, labis-labis pa rin ang tulong—at katatawanan—na binibigay nila sa mga mommies.
PHOTO/S: KATH TAN VALENZUELA / MARY FATIMA RAMILO MACABALE
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results