Pinag-uusapan ngayon ang viral video ng cat na biglang naging agresibo at nilusob ang kanyang fur parent.
At hindi ito ang nag-iisang video na nagpapakita ng kaparehong insidente, kaya maraming pet lovers ang nababahala.
May violent tendencies ba ang mga pusa? Ano ang triggers? May senyales ba na dapat malaman bago ito mangyari?
Kinontra ng veterinarian at veterinary clinic owner na si Dr. Arah May Virtucio ang claims ng ibang netizens na agresibo ang mga pusa.
“Actually it’s a common misconception kapag yung mga cats kino-consider as aggressive. I would say highly ano sila—misunderstood,” ani Dr. Virtucio sa interview ng Ligtas Dapat ng DZMM Teleradyo noong October 25, 2025.

Read: Husband to pay "cat support" to wife for 10 years after divorce
SIGNS OF AGGRESSIve behavior
Kalimitan daw, may mga senyales at factors na dahilan ng pagiging agresibo ng pusa.
“Puwedeng highly stressed na si cat," panimula ng vet.
Maaaring nasa paligid ang rason kung bakit ito na-agitate. May strange noises ba na naging dahilan ng stress?
"Puwede rin environmental factor. Or puwede ring merong mga certain triggers that time kaya bigla siyang naging aggressive o nagkaroon siya ng episode on that video."
Maaring "hormonal" din ang rason.
"Gustong mag-release ng urge niya...Kapag in heat ang pusa at naghahanap ng mate at hindi makapaglabas ng urges, at iyon ang nagiging cause ng trigger."
Sa interview, ibinahagi ng Ligtas Dapat host na si Ariel Roxas na kinagat din siya ng kanyang foster cat.
Ang pusa raw ni Ariel ay mahilig mag-play bite na kadalasan ay hindi naman masakit.
Subalit nagkaroon daw ito ng episode na naging mariin ang kagat ng pusa at kinailangang magpa-anti-rabies shot ni Ariel.
Tinanong ni Ariel sa vet kung ang pagiging in heat ng kanyang foster cat ang dahilan kung bakit ito nanggigil.
Isa raw itong posibilidad, ayon kay Dr. Virtucio.
“Mas gigil kasi sila on that period of time, mapa-male man o mapa-female yung cat."
Posible ring na-carried away ang pusa sa pakikipaglaro.

Read: TikTokers ordered by court to wed after posting kissing videos
TELL-TALE SIGNS THE CAT IS GETTING AGITATED
Makakatulong kung matutukoy ang mga senyales na maaaring indikasyon na nanggigigil na ang pusa.
Una rito ang airplane ears ng pusa na "nagba-backward" daw.
Dagdag ng vet: "Then there are also vocal signs. Pag medyo parang umaangil sila and ang stance nila parang aatake...
“And at the same time, puwede rin yung parang tititigan ka nila na parang seryoso, tititigan ka nila nang intense…
“And minsan may cats na parang wala masyadong signs. Parang tahimik lang.”
Paalala ni Dr. Virtucio, maging observant sa kilos ng pusa.
“After playing at biglang titigil… minsan kasi pag nagkaroon sila ng moment na titigil sila ng ganoon na behavior nila, may chance na puwede din silang mag-charge or puwede din silang mag-play bite.”
WHAT TO DO WHEN ATTACKED BY A CAT
Pagbabahagi ni Dr. Virtucio, dapat na mabigyan ang alagang pusa ng outlet para mailabas ang energy nito.
Mayroong tinatawag na enrichment exercises at may mga diversion, tulad ng cat tower, kunsaan sila puwedeng mag-scratch o maglaro.
“Minsan kasi, kulang lang din sila sa energy release or majority of our cats ganoon… kailangan maglaro sila."
Huwag kalimutan ang pagkakaroon ng protection tulad ng anti-rabies vaccination.
"We also recommend na magpa-pre-exposure [vaccination] yung mga fur parents na balak na mag-alaga ng aso man o pusa. Iyan ay para lang safety purposes and for prevention…
“Even us, mga vets na exposed sa mga animals, meron kaming mga ganoon for protection.
"And then kapag nangagat ‘tapos wala kayong pre-exposure, meron tayong tinatawag na post-exposure naman.”
Kapag nakagat ng alaga, inirerekomenda ni Dr. Virtucio ang pagkonsulta sa doktor o pagtungo sa animal bite center para sa shots.
“Nakikita namin actually yung trend na dumadami na talaga ang napapahilig sa cats. Medyo iba rin kasi ang approach sa kanila when it comes to taking care of them,” aniya.
reminders for FUTURE CAT OWNERS
May mga paalala ang vet sa mga naghahangad mag-alaga ng pusa.
Una, mag-research tungkol sa behavior nila.
Pangalawa, magkaroon ng pre-exposure for protection.
Nagpaalala rin si Dr. Virtucio tungkol sa limitasyon sa oras ng playtime with them.
Dagdag pa ng vet, iba rin ang approach pagdating sa mga pusa.
“Hayaan mo silang kusang mag-adjust for you. Unlike kasi sa mga dogs natin na parang puwede mo silang laru-laruin agad. Very friendly, very accommodating ang mga dogs natin [kumpara] sa mga cats.
“Sila dapat ang kusang lalapit sa iyo if they want to, so wag ninyong ipipilit or what..."
Ikunsidera rin daw ang mga breed ng pusa.
Dagdag ng vet, ang mga pusmin o pusang Pinoy ay very lovable.
Sundot niya, pagdating sa mga bata, “Turuan sila, i-introduce ang pusa sa kanila, magpaamoy.”
Huwag daw biglain ang paglapit sa pusa dahil kapag nabigla o nagulat, dito nangyayari ang pagkagat.
